"MALIGAYANG kaarawan, my love." Bati ng estrangherong lalaki na nasa harapan ko. Malalim ang boses nya at buo.
"Aaahhhhhhh!!!" I know I shouted pero bakit walang lumalabas na boses sa bibig ko? Sinubukan ko ding igalaw ang mga kamay at paa ko pero para akong ipinako sa pwesto ko.
"Sinasabi ko na at magkakaganito ka sa una nating pagkikita kaya naman binawi ko muna ang boses mo." Sabi nya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. I tried moving again but to no avail. "Oops. Hindi ka rin makakagalaw pansamantala. I'm sorry, my love." Dagdag nya nang makalapit ng tuluyan.
Now we're standing face to face with each other. He's really tall, hanggang balikat nya lang ako but I can't help but stare at his pointy ears. They look so unreal! Like they came out straight from a fantasy movie! Or maybe horror.
"Kung ipapangako mong hindi ka sisigaw at hindi ka tatakbo, ibabalik ko ang boses at pagkilos mo. Deal?" Nakangiting tanong nya.
Actually, kanina pa sya nakangiti. A smug smile that's pasted on his face. It's irritating but what can I do? I have to agree and pretend nice. Kung hindi ay baka patayin nya ako. I nod my head very slowly.
"Good." Sabi nya sabay pitik ng dalawang daliri.
Kasunod no'n ay naigalaw ko na ang kamay at paa ko. I would run pero sa tangkad nya, malamang ay mabilis nya akong mahahabol bago pa ko makababa ng hagdan. Shit! Bakit ba kasi ako nagpagawa ng mahabang hallway at mahabang hagdan?!
Di bale na, baka mapakiusapan ko pa ang killer na 'to. Tinesting ko muna ang boses ko bago magsalita.
"S-sino ka? Ano bang kailangan mo? Pera? Ibibigay ko sa'yo lahat but please just don't kill me." Agad na pagmamakaawa ko.
Gumuhit na naman ang ngiti sa mga labi nyang namumutla din.
"Kill? Patayin? Ikaw?!" Tila hindi makapaniwalang sabi nya sabay hagalpak ng tawa. "Hindi kita binantayan all these years para lang patayin ka sa 24th birthday mo." Sabi nya pagkatapos tumawa.
"Binantayan? What the hell do you mean?" Tanong ko. Ano bang sinasabi nito?
"Yes, simula pagsilang sa'yo binabantayan na kita, Sofia. Lalo nung nagdalaga ka na, halos hindi na nga ako umuwi sa kaharian namin dahil sa kababantay ko sa'yo. Tapos ngayon pagkakamalan mo akong killer? Aw, that hurts." Sabi nito na tumuro pa sa dibdib nya.
"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo. S-sino ka ba?" Naguguluhan na tanong ko.
Unti-unti syang naglakad na naman palapit sa akin. Umatras naman ako nang umatras hanggang sa nakadikit na ang likod ko sa pinto. Hindi naman din tumigil sa paglapit ang lalaking kaharap ko hanggang sa halos magdikit na ang mga mukha namin.
"Tawagin mo kong Abran. Ako ang prinsipe ng mga engkanto sa kahariang Kavan." Sagot nya. Pagkatapos ay lalo nya pang idinikit ang mukha nya kaya naman napapikit na lang ako. "At ako din ang magiging asawa mo, my love." Bulong nya sa tenga ko.
Ano daw? Asawa?? Bigla ko syang itinulak palayo na syang ikinagulat nya. Nang makalayo ay dinampot ko ang vase na pinakamalapit sa akin.
"U-umalis ka n-na." Nanginginig na sabi ko. Itinutok ko sa kanya ang vase na hawak ko. "Kapag hindi ka pa umalis, babasagin ko ang vase na 'to dyan sa ulo mo. I swear to God." Dagdag ko.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. If he fights back, I'll be no match I admit. But I'm ready to die here kung oras ko na. I expect him to be mad because of my threat pero nagulat ako nang tawanan nya lang ako at kalmadong naupo sa dulo ng kama ko. The audacity of this airhead to sit on my bed!
"Come on, love. Hindi isang piraso ng vase ang papatay sa akin." Sabi nya.
"I have a lot of vases." Sabi ko habang hawak pa din ang vase sa kamay ko.
He chuckled.
Then he snap his fingers.
And the vase turned into dust.
I remember staring at it for a few seconds before I passed out.
---
NAGISING ako even before my alarm went off. At pagbaling ko sa kabilang side ng kama ko ay nandoon pa din 'yung intruder kagabi. Nakaupo sya sa couch at nakaharap sa akin. Mabilis akong pumikit at nagdasal. Pero pagdilat ko ay nandoon pa din sya. At nakangiti pa!
"Nagdasal ka ba?" Tanong nya. He seemed amused. Napabangon ako sa higaan ko.
"Nababasa mo ba ang iniisip ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko din. He shrugs.
"You prayed out loud." Sagot nya. "Sorry, my love. Pero hindi ako demonyo o masamang espiritu. Hindi ako mapapaalis nyang dasal mo." Dagdag nya pa.
"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo sa akin??" Tanong ko. Nagsisimula na akong mairita.
"Hayyy. Hindi ka ba nakikinig? Sinabi ko na sa'yo lahat kagabi." Sagot nya na parang dismayado. He ran his fingers through his brown hair. Noon ko lang napansin na mahaba ang buhok nya. Halos hanggang tenga nya at wavy iyon.
Our eyes met and I look away. I try to remember what he said last night.
"Abran." Mahinang bulong ko. Pero tila narinig nya pa din dahil tumango sya. "And you said isa kang... engkanto? Niloloko mo ba ako? Engkanto na pa-english english pa?" Iritableng sabi ko.
"Of course! Hindi lang kayong mga tao ang nag-a-upgrade 'no! Sumasabay din kami sa pagbabago ng mundo." Sabi nya.
I laugh sarcastically.
"Oh, yeah. Hindi na ko magugulat kung may makita akong engkanto na gumagamit ng cellphone." Sabi ko sa sarkastikong tono. He pursed his lips a bit.
"Hindi namin 'yan kailangan pero kung gusto mo, ibibigay ko sa'yo lahat ng modelo ng cellphone na gusto mo. Sabihin mo lang!" Mayabang na sabi nya.
"No, thank you. What I need you to do is get the hell out of my house." Sabi ko. He stood up and walk up to my bed.
"Hindi pwede. Plano kong pakasalan ka na ngayon, dadalhin na kita sa kaharian ko." Aniya. Napahawak ako sa noo ko. Sasakitan yata ako ng ulo dito sa kausap ko.
"Kasal? What makes you think na papayag ako? Ni hindi nga kita kilala. At hindi kita mahal. So why would I marry you?" Inis na tanong ko.
"Ouch." Sabi nya sabay hawak sa dibdib nya. "Eh di mahalin mo na ko! Ngayon na!" Dagdag nya.
Wow ha! Demanding!
"How can I love you eh puro kalokohan nga 'yang sinasabi mo sa akin. Please, just get out. Palalampasin ko itong pag-trespass mo sa bahay ko but just this once. Next time talagang ipapa-pulis na kita." I said.
"So hindi ka talaga naniniwala? Okay." Sabi nya tapos ay bumalik sa couch para maupo.
Mukhang wala talaga syang balak umalis. Maya-maya pa ay may kumakatok na sa pinto. Tumingin ako sa wall clock. It's already 8am! Time for me to leave for the meeting! Nagmamadali akong tumayo at lumapit kay Abran.
"Umalis ka na! Or... or magtago ka! Doon sa bathroom! Bilis!" Sabi ko kay Abran. Pero nakangiti lang sya akin. Then the door opens at the snap of his fingers.
Omg! Makikita ni Miguelito si Abran! What the hell will I say kapag nagtanong ito? I look at Abran, he's still wearing nothing but that dirty thing which only covers his butt and you-know-what. Shit!
"Miss Sofia, ipapahanda ko na ba ang kotse?" Tanong ni Miguelito nang makapasok sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Abran: Engkanto Series 1
FantasySi Sofia na pinaniniwalaan ng pamilya nyang mayroong sumpa ay namuhay mag-isa mula ng sya ay labing-dalawang taon pa lang. Ngayon, bilang isang adult, tinatawanan nya na lang ang idea ng "sumpa" na iyon. Why would she take it seriously? She's living...
