25 | Cast a Spell

Magsimula sa umpisa
                                    

"The moves na ba yan? Haha!"

"A-ahhayy nako! M-mali ka ng iniisip!" Sabi nito at ikinampay pa ang kamay sa harap ng mukha niya. Natawa naman naman ang grupo namin.

"A-ahh Samantha Luna ang pangalan ko. Sam nalang." Sabi ko sa kanila.

Seryoso, sa mundo ng mga mortal kung saan ako galing, di ako sanay makipagkilala. You see, I have my father and mother's wealth kaya kahit ano nakukuha ko ng madalian. People just come with me dahil kailangan nila ako kaya natuto akong maging mag-isa nalang.

"Ahh, ang ganda naman ng pangalan mo. Ako naman si Ainyd." Pagpapakilala niya.

"Pangalan lang ba ang maganda, Nyd?" Tudyo ng katabi niyang babae at tinusok tusok pa ang tagiliran nito.

"Hoy Ainyd! Alam kong mabait ka, pero for your information, Samantha don't want a commitment! Na-busted nga ako kanina e." Nakangusong sabi ni Aeros.

"Haha nakikipag kaibigan lang ako Aeros Wind."

"Ikaw! Ano name mo?" Anang isang babae. Yung katabi ni Ainyd at itinuro si Lucas. Magiliw naman itong ngumiti.

"Ako si Lucas, binibini."

"Ako naman si Shia. Nice meeting you!" Saad nito.

"Wow, iba ang karisma ni Lucas! Akalain mong binati ka ng isang Shia Madrical?" Gulat na sabi ni Light sa kaniya.

"M-madrical? S-seryoso!?" Gulat ding tanong ni Lucas. "Yung isa sa pinakamayamang angkan dito sa Luzarcia!?"

Fvck. That rich?!

"Hmm! Gulat ka noh?" Natatawang ani ni Aeros.

"Haha, wala ang yaman para sa akin. Kaibigan ay kaibigan. Hindi nabibilang ng salapi yun! Kung mayaman ka man o mahirap, pantay pa rin naman tayo, isang nilalang na namumuhay, tumatayo sa parehong lupa, humihinga sa parehong hangin at tumitingila sa parehong kalangitan!" Makahulugang sabi ni Shia.

Napa 'woah' nalang ang lahat dahil sa pagiging mapaglaro niya sa salita. Ang galing!

"Pero mas magiging masaya ako kung maririnig kong magsalita ngayon si Prince Azriel ng Zeban Palace." Dagdag ni Shia at tinignan ang tahimik na si Azriel. Napakunot ang noo nito ng maramdaman sigurong maraming nakatingin sa kaniya at taka kaming tinignan.

"What?"

"Yes! He speak! Haha!" Masayang sabi ni Shia. Kunot noo parin siyang tinignan ni Azriel bago inalis ang tingin dito.

Bigla namang tumayo si Shia at hinila ang upuan papunta sa harap namin at nakipag usap.

"Ahh!" Sigaw ni Shia ng biglang umangat ang upuan niya at ibinalik siya sa table ng mga ka-grupo niya. Mula sa gitna, naglakad ang isang guro papunta sa harap.

"Ughh! I hate you talaga, Teacher Nate! You always make me shocked!" Nakangusong ani ni Shia at napahawak pa sa chest nito. Napailing nalang si Teacher Nate at nang magawi ang tingin sa dulong table na wala pang tao ay napabuntong hininga na lang ito.

"5...4..." bilang ni Firexia at sumabay naman si Arine.

"3...2..."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon