25 | Cast a Spell

Start from the beginning
                                    

"That's the Allowing Spell Dust. Pagpasok mo, pwede ka ng makapag cast ng spell kasi nalagyan ka na ng dust pero pag lumabas ka na ng kwartong yan. Wala ng effect. That dust ay gawa ng high teachers. Sinadya nilang gagana lang ang dust sa loob ng klase." Sabi ni Firexia at hinila na ako papasok.

Nang makapasok ay parang wala namang nangyare. Siguro yun ang ibinuhos ni Tita Liza sa amin para makapag cast kami ng spell.

"Dito tayo..." Arine said as she dragged me and Firexia towards a table where the other members were seated.

Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Maaliwalas dito. Hindi na kailangan ng anumang ilaw dahil sa malalaking bintana pa lamang na nasa silid ay sapat na ang liwanag na pumapasok. Nakahawi rin sa magkabilang gilid ang mahaba at makapal na kulay pulang kurtina.

Ang kwarto rin ay puno ng mga bookshelves na naglalaman ng mga libro. May bookshelves na mukhang mga bago ang laman at may mga bookshelves naman na mga lumang libro ang laman. May apat na wooden tables ang narito. Ang table and chairs ay hindi basta basta. Basta, parang may kakaiba dito at tiyak kong mahal ito.

May apat din na tables katulad ng sa amin. Dalawa sa harap at dalawa sa likod. Isa kami sa nasa harap. Ang iba ay wala pa, tanging kami pa lamang ang nandito.

Sa harap ay medyo tumaas ng isang dangkal ang flooring. Nandoon sa gitna ang isang teachers table. Walang kalaman laman ang taas non. Sa likod ay may black board din.

Kapag tumingala ka naman ay makikita mo ang apat na naglalakihang chandeliers pero hindi ito kasing laki ng nasa castle of headmasters. Gold with crystals ang style nito.

Kada lilingon ka ay purong kahoy ang mga makikita mo. Mga light brown ang kulay at nakakagaan ng pakiramdam ang magandang atmosphere dito.

Ang tables ay pahaba. Ang sa amin ang pinakamahaba dahil na nga rin nadagdag kami. Ang pagkakasunod sunod namin ay ako, si Firexia, Arine, Light, Lucas, Aeros, at Azriel.

Ang mga lalaki ay nagkukwentuhan. Minsan lamang makisama sa usapan si Azriel.

Anong klaseng tao to? Twenty percent lang ba ang naipon niyang salita sa tanang buhay niya?

Natigil ako sa pag-oobserba sa naturang Spell Room ng marinig na bumukas ang pinto at nagpasukan ang mga babaeng nagtatawan kasunod ang iba pang lalaki.

Sa tansiya ko ay nasa labin-dalawang tao silang lahat. Anim na lalaki at anim ding babae. Pagkarating sa tables ay naghiwa hiwalay na ito ng upo. Nahati sila sa dalawang grupo. Tig tatlong babae at tatlong lalaki.

Ahh, oo nga pala. Tig ta-tatlo lang pala sa babae at lalaki para makabuo ng isang grupo. Nadagdag lang kami ni Lucas sa grupo na to.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng ilang ng maramdamang nakatingin ang mga ito sa amin ni Lucas. But Lucas remain talking to the boys kaya di niya napansin.

"Hello!" Bati ng grupo ng babae sa katabi naming table. Nahihiyang tinanguan ko naman sila bago bumati pabalik.

"H-hello din..."

"Ano nga ulit name mo?" Tanong ng isang lalaki sa kanila. Nabuo naman ang tuksukan sa dalawang bagong grupo.

"Naku! Ainyd, iba ka!"

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now