CHAPTER 45:CELESTIALS

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang Laban Ang Kapangyarihan Ng Kadiliman Laban Sa Kapangyarihan Ng Liwanag Na Ating Dadalhin Sa Gitna Ng Labanan. Dugtong Ko Pa.

Huwag Kang Maging Kampante, Kailangang Matalo Natin Kaagad Ang Mga Mandirigmang Abyssal At Ang Buong Hukbo Ng Abyss. Ang Lord Of Light Na Bahala Sa Pagpaslang Na Muli Sa Dark Lord Ng Dark Kingdom Upang Mas Madaig Ang Kalaban. Sagot Uli Ni Kaja.

Alam Ko, At Hindi Din Ako Kampanteng Mas Malakas Ang Kalaban, Hindi Nila Tayo Madadaig Sa Dami At Lakas Ng Kalaban Dahil Nasa Atin Ang Pinakamalakas Na Kapangyarihang Celestial. Iyon Ang Makatatalo Sa Buong Hukbong Abyss. Sagot Kong Muli.

Ang Celestial Palace Ay Naghahanda Na  Ngayon Habang Maaga'y Ihahanda Na Ang Lahat Lahat Ng Mga Dapat Maihanda At Sa Oras Na Itinakda'y Bababa Kami Upang Tulungan Ang Mga Kahariang Lalaban Sa Kasamaan,Ambisyon At Kasakiman Ng Dark Kingdom Na Mamuno't Maging Pinakamalakas Na Kingdom Sa Lahat.

Ngunit Hindi Ko Inaasahang Aatake Ang Mga Dark Angels Sa Pangunguna Ni Argus. Nakakagulat Ang Kanilang Pagsalakay Ngunit Hindi Nila Kami Kayang Madaig Lalo't Walang Epekto Ang Kanilang Mga Dark Magics Laban Sa Light Magics Namin.

Ano't Naparito Ang Dating Celestial Na Bumagsak At Naging Isang Dark Angel? Anong Pakay Mo Argus? Nais Mo Bang Pigilan Ako At Ang Buong Hukbo Ng Mga Celestials Na Tutulong Sa Mga Kingdoms Laban Sa Dark Kingdom At Abyss Na Iyon Pinaglilingkuran Ngayon? Tanong Ko Sa Kanya.

Hindi Ako Naparito Upang Hadlangan Ang Inyong Binabalak, Kundi Upang Balaan Kayo Dahil Mas Lumalaki't Lumalakas Ang Hukbo Ng Dark Kingdom Sa Mga Oras Na Ito. Sagot Naman Ni Argus.

Ipagkakanulo Mo Ang Abyss? Tutulungan Mo Ang Mga Celestials Na Inyong Kalaban? Ano Bang Tunay Mong Pakay? Tanong Kong Muli.

Kakampi Kami Uranus, Tinalikuran Na Namin Ang Dark Lord At Ang Abyss, Huwag Kang Magalinlangan Sa Mga Sinasabi Kong Ito. Dahil Lahat Ay Totoo At Hindi Kasinungalingan. Sagot Nito.

Totoo Ba Ang Sinasabi Mo Argus? Babalik Na Ang Iyong Katapatan Sa Celestial Palace? Tanong Naman Ni Rafaela Na Umaasa't Nagtitiwala Sa Kanyang Kapatid Na Si Argus.

Simpleng Tango Lamang Ang Isinagot Nito Sa Kanyang Kapatid. Alam Ni Rafaela Ang Lahat Lahat Ng Tungkol Kay Argus Lalo Na Ang Lakas At Kahinaan Nito. Alam Niyang Totoo Ang Pagbabalik-Loob Ni Argus Sa Celestial Palace.

Nagbagong Anyo Si Argus, Naging Puting Puti Ang Kanyang Pisikal Na Kaanyuan Ganoon Din Ang Iba Pang Mga Kasamahan Niyang Nagbalik-Loob Na Sa Kapangyarihan Ng Liwanag.

Maligayang Pagbabalik Argus, Humanda Ka At Iyong Mga Kasama, Magtutungo Tayo Sa Mundo Ng Mga Mortal Upang Tumulong Sa Kanilang Lipulin Ang Mga Mandirigmang Abyss Na Nasa Panig Ng Dark Kingdom Na Siyang Nagtakda Ng Digmaang Upang Malaman Ang Magaganap Sa Kasalukuyan At Sa Magiging Kinabukasan Ng Mga Kingdoms.

Salamat, Ibabalik Natin Ulit Ang Makapangyarihang Hukbong Celestial Sa Lalong Madaling Panahon. Sagot Niya. Kitang Kita Ang Pagiging Masaya Ni Rafaela Dahil Sa Pagbalik Ni Argus Dito Sa Celestial Palace.

Nagsibalikan Ang Lahat Sa Kanya-Kanya Nilang Mga Gawain. Ang Hukbo Naman Ay Hinahanda Ni Kaja. Habang Si Rafaela Ang Nagaasikaso Sa Mga Celestial Healers Na Kabilang Nadin Sa Aming Isasama Patungo Sa Lupa. Si Argus At Ang Ilan Niyang Tauhan Naman Ay Nanatiling Tahimik Sa Ngayon.

Masyadong Abala Ang Lahat Sa Bawat Oras Na Lumilipas. Ang Lord Of Light Din Ay Pinadalhan Ng Mensahe Ang Ilang Pangkat Ng Mga Celestials Na Wala Sa Celestial Palace Ngunit Nandito Sa Mundong Celestial. Pinagkakalooban Din Sila Ng Mas Malakas Na Kapangyarihang Makakapatay Sa Sinumang Magtangkang Pumasok Sa Celestial Palace Sa Itinakdang Oras.

Nilibot Ko Na Ang Buong Celestial Palace. Sa Hardin Naroroon Si Rafaela. Seguradong Malalim Ang Iniisip Niya Sa Mga Oras Na Ito Kaya't Napili Niyang Magisa Na Lamang Dito.

Kanina Ka Pa Ba Riyan? Tanong Ni Rafaela. Mukhang Madali Niyang Napansin Ang Presensiya Ko. Dali Siyang Lumapit Sa Akin.

Hindi, Dumaan Lang Ako, Hindi Ko Alam Na Nariyan Ka Sa Hardin At Nagiisip Ng Madaming Mga Bagay Bagay Sa Mga Oras Na Ito. Sagot Ko Naman Sa Kanya. Tumango Na Lamang Siya Bilang Pagtanggap Sa Sagot Ko Bago Muling Bumalik Sa Kinauupuan Nyang Upuan Na Naroroon Sa Hardin Ng Palace.

Nadaanan Ko Din Si Kaja At Argus Na Abalang Abala Sa Kanilang Paggawa Ng Plano't Stratehiya Para Sa Hukbong Celestial. Hindi Nagbago Ang Pagiging Magkasundo Nilang Dalawa Simula Noong Una Hanggang Sa Ngayon. Binibigyan Nadin Nila Ng Mga Bagong Sandata At Kasuotang Pandigmaan Ang Mga Mandirigmang Celestials Na Sasabak Sa Digmaang Magaganap Sa Oras Na Magbigay Ng Hudyat Ang Dark Kingdom. Na Siyang Magsisimula Ng Isang Madugong Digmaan Sa Kasaysayan. Hindi Lamang Iyon Ang Magaganap, Isang Propesiya Ang Matutupad Tungkol Sa Muling Pagbagsak At Pagkawala Ng Dark Kingdom Sa Mapa Ng Elementalia At Hindi Na Muli Pang Makikita Sa Hinaharap.

Tinawag Ko Ang Atensiyon Ng Lahat Ng Celestials Na Nadirito Sa Celestial Palace Upang Ipaalam Ang Mga Gagawin At Mangyayari Sa Oras Na Dumating Ang Isang Napakalaking Hukbong Celestial Na Siyang Magiging Tagapagbantay At Alyansa Sa Oras Na Magsimula Na Ang Digmaang Magaganap.

Sa Oras Na Dumating Ang Malaking Hukbong Celestial Magtutungo Na Tayo Patungo Sa Lupa. Mananatili Tayo Sa Kaharian Ng Elementalia Kung Saan Naroon Ang Prinsesa Na Siyang Makakatupad Sa Propesiyang Itinakda Na Noong Una Pa Lamang. Saad Ko Pa Bago Muling Hinintay Ang Iuutos Ng Lord Of Light. Sigurado Akong Makakapagpadala Na Ng Napakalaking Hukbo Ng Celestials Ang Lord Of Light. Panigurado Ding Iyon Na Ang Hudyat Ng Aming Pagbaba Sa Lupa.

Isang Napakaliwanag Na Ilaw Ang Tumanglaw Sa Buong Celestial Palace. Lumabas Doon Ang Di Mabilang Na Celestials. Sila Ang  Ipinadalang Hukbo Ng Lord Of Light Na Inatasan Niyang Mamahala At Ipagtanggol Ang Celestial Palace Sa Oras Na Mayroon Na Magtangkang Salakayin Ito.

Argus.. Argus... Makinig Kang Mabuti, Manmanan Mo Ang Dark Kingdom. Sa Oras Na Magsimula Na Ang Digmaan Magbalik Ka Sa Panig Ni Uranus Kasama Ang Iba Mong Tauhan. Isang Misyon Ang Ibinigay Ng Lord Of Light Kay Argus. Alam Kong Magtatagumpay Siya Na Gawin Iyon Sa Oras Na Itinakda At Siya Ding Mangyayari.

Ilang Celestial Ang Nasa Unahan Upang Dalhin Ang Simbolo Ng Hukbong Celestial. Kasunod Nito Ang Pangkat Ng Mga Healers Na Pinangungunahan Ni Rafaela. Kasunod Ang Pangkat Ni Kaja Na Mas Higit Na Madami Kaysa Sa Mga Healers At Ang Huli Ang Pangkat Ni Argus At Mga Tauhan Niya.

Hindi Madaling Maglakbay Ng Mabilis, Ngunit Natanaw Ko Ang Isang Lugar Na Pinaliligiran Ng Iba't Ibang Kaharian. Mukhang Tama Ang Aking Hula Na Ito Ang Kaharian Ng Elementalia. Sakop Ang Lima Pang Mga Kaharian Na Kanilang Alyansa Sa Darating Na Digmaang Magaganap.

Sa Prinance Kami Dumaan Papasok. Nagulat Ang Mga Guards Dahil Hindi Nila Alam Ang Pakay At Kung Ano Ang Gagawin Namin. Si Rafaela Ang Kumausap Sa Kanila Kaya Madali Nila Kaming Pinapasok At Dinala Sa Palasyo Upang Ipaalam Ang Aming Pakay Sa Hari't Reyna Ng Kahariang Ito Na Aming Pansamantalang Tutuluyan Hanggang Sa Mangyari Ang Mga Bagay Na Dapat Mangyari.

Manatili Muna Kayo Dito, Naghahanda Ang Hari't Reyna Upang Humarap Sa Inyong Mga Celestials. Saad Ng Isa Sa Mga Guard Captain Na Nagdala Saamin Dito Sa Labas Ng Palasyo Nila. Agad Din Naman Kami Nilang Pinapasok Sa Loob Upang Magpakilala.

Kalakasan At Kasaganahan. Ako Si Uranus, Isang Celestial, Kilala Bilang Aethereal Defender Ng Celestial Palace Na Aming Pinagmulan. Narito Kami Upang Ipaalam Sa Inyo Ang Aming Pakikipagalyansahan Sa Inyong Hukbong Sandatahan. Pagpapakilala Ko.

Ikinagagalak Kong Narito Kayong Mga Celestials Upang Tulungan Kami Sa Darating Na Digmaang Hindi Mapipigilan Bagkus Mawawakasan Natin Sa Oras Na Itinakda. Ibinigay Na Sa Atin Ang Tagumpay Dahil Na Din Sa Pagsasakatuparan Ng Isang Propesiyang Matagal Nang Inilahad. Ani Ng Haring Salermo Chandrius. Ang Hari Ng Elementalia.

Pinasamahan Nila Kami Sa Isang Malaking Bahay Kung Saan kami Manunuluyan Habang Naririto Kami Sa Lupa. Hanggang Sa Maganap Ang Digmaang Magpapabago Sa Hinaharap Ng Bawat Kahariang Makikiisa Makipaglaban.

Mahabang Oras Ang Inilaan Ko Sa Pagpapahinga Inabot Ng Dilim. Nagising Na Lamang Ako Sa Sinag Ng Buwan. Napakaliwanag.. Totoong Kahit Gaano Kadilim Ang Gabi. Tatanglaw Ang Isang Liwanag At Iilawan Nito Ang Madilim Na Paligid Na Puno Ng Kasamaan.

Napansin Kong Hanggang Ngayon Ay Nagiisip Padin Si Rafaela. Malalim.. Sobrang Lalim Ng Kanyang Iniisip Habang Si Kaja Ay Tulog Na Tulog Naman. Sina Argus Ay Nagtungo Na Sa Dark Kingdom Upang Simulan Ang Misyong Ibinigay Sa Kanila Ng Lord Of Light.

Ilang Saglit Ang Lumipas. Unti Unti Akong Nakakatulog Muli..

ELEMENTALIA:THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon