Chapter 12

141 28 24
                                    

'Napakahirap pangasiwaan ang ganitong uri ng pag-iral.'

'Walang ligtas na kanlungan para sa iyo o sa iyong pamilya upang mamuhay nang payapa.

'Maging ang hangin na iyong nilalanghap ay maaaring madungisan ng lason na maaaring pumatay sa iyo.

'Gayunpaman, hindi ka maaaring palaging magtago upang manatiling ligtas.'

'Upang harapin ang mga banta na ito, magtiis, at magtagumpay, dapat kang maging matalino.'
Tibayan mo ang sikmura mo at tatagan mo ang loob mo.

Dahil kung hindi, matatalo ka, matatanggal. Mamatay ng kaawa-awa.'



"LISA, find an escape."

Kalmado na utos ni Vladimyr kay Lisa noon ay nakatuon ang buong atensyon sa harap ng laptop at walang tigil sa pag ta-type. Habang naghahanap ng tamang daan kung saan pwedeng takasan ang mga sumusunod na sasakyan ng mga kalaban sa kanila.

Binigyan ng tipid na tango ni Lisa si Vladimyr bilang tugon sa utos nito habang nakapikit naman si Vladimyr na halatang nag-iisip ng malalim. Ngunit batid ni Lisa kung gaano kalakas ang pakiramdam ng boss nilang si Vladimyr kahit pa nakapikit ito. Alam niya na nakikiramdam ito sa paligid. Kaya naman pinagbutihan niya ang paghahanap ng nararapat na daan para sa kanila.

Mas binilisan pa ni Malia ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa kaya nitong bilis upang dumistansua at makalayo sa mga sasakyan ng kalaban na determinadong humahabol sa kanila kahit kung saan-saan na silang eskinita sumusuot, hanggang sa makarating sila sa isang dalisdis na may nagtataasang mga talahib at may pababang daan.

Dahil hindi sila pwedeng huminto, nang mas binilisan din ng mga ito ang pagpapatakbo ng kanilang mga sasakyan at paghabol kina Vladimyr kahit saan sila magpunta. Kinailangan ni Malia na gamitin ang kaniyang talento sa pagmamaneho bilang isang dating mangangarera, upang iligtas ang boss nila na si Vladimyr.

"Hold tight madame!" Seryosong babala ni Malia kay Vladimyr.

Tumango si Vladimyr kay Malia bilang senyales na wala itong dapat na ipag-alala at gawin ang dapat gawin.

Sinimulang diinan ni Malia ang pag-apak sa acceleration ng sasakyan upang dagdagan ang speed nito habang mabilis na gumagalaw ang isang kamay na nasa steering wheel at ang isa sa ay sa gear. Dama na ni Vladimyr ang hatak ng speed nito habang tumataas ng 160, 170,180.....200....230 kph.

Halos paliparin na ni Malia ang sasakyan nila dahilan ng pagkawala sa sariling pagkahibang ng babaeng tauhan habang nakatingin siya sa kislap ng mga mata nito. Na para bang nasa isang makapigil hiningang karera ito ngayon at sinisikap manguna laban sa ibang sasakyan.

Si Malia ang pinakamahusay niyang driver. Isa itong dating Car Racer na nag quit dahil sa pagkatalo. Ayon dito, dinaya ito ng manager niya sa kalagitnaan ng karera na Sumabotahe at kumampi sa kalaban niya at ng maintenance ng kotse niya kaya siya natalo.

Nagawang iwan ni Malia ang mga sasakyan ng kalaban ngunit bapunta sila sa isang lumang gusali na yila si natapos. At walang ibang pwedeng daanan.

Napalingon si Malia kay Lisa na noon ay naghihintay ng paliwanag pero napayuko lang ito.

"I'm sorry Madam, base sa GPS Locator, hindi dapat narito ang gusaling ito..."Nag-aalalang sabi ni Lisa.

Lihim na napailing si Malia at nag iisip na ibalik ang kotse ngunit inawat siya ni Vladimyr.

"Ipasok mo dyan Malia, let's take care of these sh*ts." Vladimyr said that Malia immediately followed.

Dahil wala namang harang ang paligid ng gusali, mabilis na ipinasok ni Malia ang sasakyan at ihininto sa kubling bahagi nito.

The Crazy, Rich Madame(Under Editing) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα