Wakas

2.7K 88 5
                                    

                            Wakas

Wakas

A/N : This is the last book of Sandiego Series. Salamat sa mga nag vo-votes and follow :> I really appreciate you guys! Ang hirap pala mag transfer ng story nakakabuang haha! Salamat pa din po sa mga nag follow. Pasensya na din po nakalimutan ko po kase yung password ng account ko doon sa isa. so habang maaga gumawa na ako ng bago.





"Kailangan mo nang umalis grayson paparating na ang asawa ko sige na tanggapin mona yang pera yan lang ang maitutulong ko"

Pinakatitigan ko ang aking ina kung hindi lang buhay nang kapatid ko ang nakasalalay dito ay hindi ako lalapit sakanya.

Papalabas na ako nang gate nila nang may mamahaling sasakyan na pumarada sa harap at bumaba si Mr.Gozon kasama ang anak niya nanunuyang napatingin saakin ang mag ama. Aalis na sana ako nang mag salita siya.

"Oh! Anong ginagawa mo dito? Nanlilimos kananaman ba?"

Tumawa ang mag ama napakuyom ang mga kamao ko sa pang iinsulto nila.

"Sure dad nag pupunta lang naman dito yan para manghingi nang pera kay tita Amelia eh"

Aroganteng ngumisi ang dalawa.

"Kung inaakala mo na pera ni Amelia ang ibinibigay niya sayo ay aba! Saakin din galing yan sa susunod ay wag kanang mag pupunta pa dito hindi bagay ang isang iskwater sa lugar na to"

Nagatawanan muli sila sa pang iinsulto nila saakin nag salubong ang mga kilay ko bago sila harapin.

"Nag punta ako dito dahil responsibilidad kami nang nanay ko dapat lang na mag bigay siya sa mga gastusin nang kapatid ko"

Mariin ko silang pinakatitigan.

"Wala akong pakielam kahit mamatay pa ang kapatid mo! Wag kanang babalik dito aba! Nakuha mo pa akong sagutin! Lumayas ka!"

Napapaigting ang pangang lumayas ako sa lugar nila para puntahan ang may sakit kong kapatid nasa ordinaryong hospital lang kami dahil hindi namin kakayanin kung sa malaking hospital kami mag pupunta.

"A-Ate"

Nanghihinang tawag ni aize saakin tinulungan ko naman siyang makaupo.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Pagtatanong ko habang nilalapag ang mga pinamiling pagkain. Nung isang araw pa siya dito bigla nalang siyang nag kasakit at nilagnat.
Iniabot ko sakanya ang isang styro na may lamang pagkain.

"N-Nag bigay ba si mommy?"

Napabuntong hininga ako bago tumango.

"Oo pero hindi nadin ako nag tagal kase dumating ang asawa niya "

Napababa ang tingin niya bago tumingin saakin.

"Ininsulto kaba nila?"

Mariing tanong niya napatango nalang ako bago umupo at kumain nadin.

Pang apat na araw na ngayon pero hindi kami makalabas dahil wala pa kaming mautangang pambayad sa hospital. Napabuntong hininga ako bago tawagan ang ina.

"Grayson ano nanaman ba?"

"Mommy kung pwe-pwede ho sana kaming makahingi sayo nang pera para makalabas na si aize dito sa hospital hindi kasi kami makalabas kasi hindi pa kami nakakabayad"

"Grayson naman! Sinabi kona sayong pag kasyahin mo ang ibinigay ko hindi ba? Tsaka ayaw nang asawa ko mag bigay dahil binastos mo daw siya nung nag punta ka dito! Hindi kana nahiya sa asawa ko! Ano ba naman yan!"

Sandiego Series (4) Where stories live. Discover now