Sa second floor ng college building ako pumunta kung saan ito ang may pinakamalapit na c.r. Pumasok ako sa loob ng banyo na may tatlong cubicle. Sarado ang dalawang pinto na mahahalatang may gumagamit. Sa pinakadulong pinto ako pumasok at doon nagbawas.
Nang matapos gumamit ng cubicle ay lumabas ako doon at pumunta sa may wash stand para maghugas ng kamay. Habang ginagawa iyon ay tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin na nakadikit sa pader. Mula sa bag ay nilabas ko ang dala kong suklay, face powder at lip tint saka nag-ayos. Nang ma-satisfied sa aking hitsura ay lumabas na ako ng banyo at lumakad na muli sa hallway.
Dahil nasa bandang dulong bahagi itong c.r ay malayo rin ang kailangan kong lakadin bago makababa sa pinakaunang floor.
Habang naglalakad ay tumitingin ako sa mga room na nadadaan ko. Napatigil lang ako nang mapansin ang mga kakilalang lalaki na nasa loob ng isang room.
Hindi ko sila napansin kanina nung papunta akong c.r kaya sigurado akong kapapasok lang nila sa room.
Dahil nakaawang ang pintuan ay madali na sa akin ang pumasok. Akmang papasok na ako para batiin sila nang biglang umimik ang isa sa kanila.
"Totoo bang magkasama sila kanina pa? "
"Oo. Magkasama sila."
"Tsk. Paniguradong magkakagulo nito."
"Kaya nga eh. Hays."
Ano bang pinag-uusapan nila? Wala akong maintindihan.
"Ikaw ba Alfred, may alam ka ba dito?" tanong ni Harold. Napakaseryoso ng mukha niya, malayong malayo sa kakilala kong Harold na maloko.
"Wala. Kahit ako naguguluhan rin sa ikinikilos niya," sagot ni Alfred. Huminga pa ito ng malalim na parang may iniindang problema.
"Sa tingin niyo kaya, hindi pa nakakamove-on ang kaibigan natin sa babaeng 'yon." singit naman ni Adrian.
"Imposible 'yan! Kitang-kita naman natin kung paano tingnan at pakisamahan ni Dominic si Mia, diba. Alam kong mahal na mahal ni Dominic si Mia at hindi niya ito kayang saktan."
Ako pala ang pinag-uusapan nila.
"Paano kung ginamit lang pala ni Dominic si Mia para bumalik sa kaniya si Belle. Sumabay pang nagkakalabuan na rin sina Belle at Jim, kaya hindi iyon imposibleng mangyari," sabat ni Adrian.
"Tang***, tang*** talaga!" malutong na mura ni Harold.
"Hindi, imposible 'yon. Hindi ganun tao si Iran. Tama si Harold, mahal ako ni Iran kaya hindi niya magagawa sa akin na gawin akong rebound para lang bumalik sa kaniya si Belle." pangungumbinsi ko sa aking sarili saka pinahid ang luhang pumapatak na pala sa aking mata.
Bakit ganun? Bakit tuwing nakikinig ako sa usapan ng iba ay lagi na lang akong umiyak.
"Ngayon palang nasasaktan na ako para kay Mia kung sakali man na huwag naman sanang mangyari na pinapaasa nga lang siya ng kaibigan natin," sinserong sambit ni Karl. "Dahil kung papapiliin man ako kay Belle at Mia para kay Dominic. Si Mia ang pipiliin ko. Dahil kahit ilang araw pa lang natin siyang nakakasama dahil kay Dominic ay alam kong mabuting tao siya. At hindi niya kayang saktan si Dominic katulad nang ginawa ni Belle."
Tumahimik ang grupo nila pagkatapos niyon. Hindi na ako nagtagal doon, kahit nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga narinig ay sinubukan ko pa rin makaalis sa lugar na 'yon at bumalik kung nasaan si Che. Ngunit kahit kasama ko na ang kaibigan ko ay parang wala ako sa sarili.
"Bes, pagod ka na ba, gusto mo bang umuwi na tayo pagkatapos natin kumain?" nag-aalalang tanong ni Che habang kumakain kami ng advance dinner namin. 5:50 pa lang at maaga pa para sa mismong hapunan kaya ganun. Sina Brenda at Kris ay humiwalay na sa amin kanina dahil babalik na daw sila sa kanilang room.
