CHAPTER 35:BATTLE OF HUNTER HILLS

Magsimula sa umpisa
                                    

Mas Lalong Naging Madugo Ang Labanan, Umabot Na Sa Kabilang Lupain, Lumalaban Padin Sila Sa Abot Ng Kanilang Kakayanan. Ni Hindi Iniinda Ang Pagod At Panghihina Para Makipaglaban Lamang Upang Mabuhay.

Hindi Pa Natatapos Ang Labanan... Makikita Mo Na Ang Nagkalat Na Bangkay Hindi Lang Mga Troll Kundi Ang Ilang Mga Hunter Din Na Nasawi Para Maipanalo Ang Digmaang Nagaganap Ngayon.

Head Hunter! Papatakas Ang Iba Sa Kanila! Mukhang Alam Nila Ang Planong Pagsalakay Natin. Si Malzahar.

Paslangin Ang Mga Natitira, Hayaan Ninyong Makatakas Mayroon Akong Planong Gagawin. Tugon Ko.

Pinaslang Nga Ang Mga Naiwang Nakikipaglaban Habang Ang Mga Nakatakas Ay Pumasok Sa Loob Ng Kagubatan, Alam Ko Na Kung Saan Ang Lugar Na Pinuntahan Nila Doon Nadin Sila Mapapaslang.

Hindi Naging Matagal Ang Labanang Nagaganap Dahil Nagsitakas Ang Mga Troll Patungong Kagubatang Malapit Lang Din Sa Lugar Kung Saan Kami Ngayon. Madaling Mahahanap Ang Mga Troll Dahil Hindi Nila Kabisado Ang Kagubatan Kung  Kaya't Madali Na Silang Mauubos Kung Sakaling Naghiwalay Ang Kanilang Pangkat Habang Tumatakas.

Pagbalik Sa Bayan Ay Agad Nagpulong Ang Lahat, Hihingi Muli Ako Ng Karagdagang Hunters Na Aking Isasama Bukas Upang Digmain Ang Mga Natitirang Troll Na Nasa Loob Ng Kagubatan At Ubusin Silang Lahat. Magiging Matagumpay Ang Aming Mga Plano Na Ginawa Upang Matalo Ang Natitirang Mga Troll. Hindi Na Nagdalawang Isip Pa Kaya't Nagpadala Ako Ng Sulat Sa Hunter's Guild Upang Mabigyan Ng Karagdagang Tauhan Para Sa Huling Pagsalakay Bukas Ng Umaga.

Natapos Ang Pagpupulong Alam Na Nila Ang Mga Dapat At Di Dapat Gawin, Maaring Makatakas Pa Ang Mga Kalaban Kundi Nila Gagawin Ang Planong Ginawa Namin Ngayon. Mas Kailangang Dagdag Pwersa Upang Mapalibutan Ang Buong Kagubatan Nang Walang Makatakas Ni Isang Troll Na Dapat Mapaslang Dahil Sila Naman Ang Papaslangin Ko Kung Ganoon.

Ang Sinumang Hindi Susunod Sa Plano Ay Papaslangin Ko. Pagbabanta Ko Sa Kanila Bago Tuluyang Bumalik Sa Aking Silid Habang Ang Mga Hunters Naman Ay Bumalik Sa Kanilang Pagbantay Sa Labas Ng Kagubatan, Nagaabang Kung Sakali Ay Lalabas Ang Mga Natitirang Nagtatago Doon.

Sa Kalagitnaan Ng Gabi, Nagkaroon Muli Ng Planong Pagtakas Ang Mga Troll, Palabas Na Sa Loob Ng Kagubatan, Nagising Ako Sa Kanilang Pagkatok Sa Pintuan Ng Aking Silid, At Ipinaalam Ang Nangyayari Sa Labas.

Magpadala Kayo Ng Karagdagang Tauhan, Pumaroon Sa Kabilang Dako Ng Gubat Kung Saan Ay Maari Ding Makapasok At Makalabas, Huwag Silang Hahayaan Makatakas. Kalmadong Sabi Ko.

Hindi Ako Titigil Hangga't Buhay Pa Ang Mga Nakatakas Na Troll, Maaring Makapagparami Sila Bago Muling Magbalik At Umatake Sa Amin Muli Kaya't Habang Maaga Kailangang Hindi Makatakas Ang Mga Natitira't Nakaligtas Sa Kanilang Bilang.

Pinangunahan Ni Malzahar Ang Pagpalibot At Pagkalat Ng Mga Hunters, Upang Masiguradong Wala Ni Isa Man Ang Makatatakas Sa Mga Troll Na Nasa Loob Ng Kagubatan.

Malzahar! Pangunahan Ang Paghahanap Mismo Sa Loob Ng Kagubatan, Paslangin Ang Bawat Isang Troll Na Makikita Walang Matitira. Kalmadong Utos Ko.

Sinunod Naman Nila, Pumasok Ang Isang Pangkat Ng Mga Hunters Sa Loob Ng Kagubatan. Mayroon Nang Mga Karagdagang Tauhan Ang Nakapalibot Sa Buong Kagubatan. Kaya't Walang Makakalabas Kaagad.

Ilang Minuto Lamang Ang Nakalipas Ay Bumalik Sila Dala Ang Ulat Na Naroon Sa May Parteng May Isang Malaking Talon Ang Pangkat Ng Mga Troll Na Nakaligtas Sa Aming Pagsalakay Kahapon. Hindi Na Nagatubiling Maghanda Ang Lahat At Nagtungo Na Sa Malaking Talon Sa Pinakasentro Ng Kagubatan. Ngunit Kailangang Maging Tahimik Upang Hindi Kaagad Mapansin Nang Mga Kalaban Ang Bawat Galaw Ng Aming Pangkat.

Narating Namin Ang Sinasabing Malaking Talon At Naroon Nga Ang Aming Hinahanap Ngunit Isang Plano Ang Aking Naisip Na Kanilang Sinangayunan Kaya't Nanatili Kami Sa Loob Ng Kagubatan Sa Ilalim Ng Mga Malalaking Troso At Mga Puno May Matataas Na Damo Upang Mapagkublihan Namin Hanggang Sa Sumapit Ang Dilim.

Ilang Oras Ang Aming Hinintay, At Ngayon Malapit Nang Magdapit Hapon, Walang Ni Isang Nakapansin Sa Aming Presensiya.

Sadyang Mayroon Silang Kanya Kanyang Gawain Tulad Ng Pagmamasid Sa Paligid Upang Makapagulat Kung Mayroon Man Na Kaaway Ang Umaatake. Mabuti't Sa Kadiliman Ng Gabi Ang Aming Pagsalakay.

Malzahar, Malapit Nang Sumapit Ang Dilim Ihanda Ninyo Ang Inyong Sarili. Pagpapaalala Kong Muli Habang Ang Lahat Ay Nagmamasid Padin Hindi Padin Nila Nararamdaman Ang Aming Presensiya Hangga't Hindi Lumalabas Ang Mga Tauhan Ko Ay Hindi Sila Maaalarma At Pagkalito Sa Gagawin Nila Upang Maipagtanggol Ang Kanilang Sarili Laban Sa Amin.

Dumating Na Sa Wakas Ang Pagsapit Ng Gabi Lahat Ay Naghanda Upang Sumalakay Na Agad Sa Mga Kalaban Na Lilipulin Ngayon Din Sa Gabing Ito Ay Magkakaroon Ng Pagkakataong Tapusin Ang Nasimulang Digmaan Sa Pagitan Ng Dalawang Mga Hukbong Naglalaban.

Isang Hudyat Ang Aking Ibinigay, Ang Pagtama Ng Palaso Sa Dibdib Ng Isa Sa Mga Troll Ay Siyang Hudyat Ng Kanilang Paglabas At Ganoon Ang Nangyari Sa Gabi Na Ito.

ELEMENTALIA:THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon