Ikaw lang ang bakla hindi ako ang naaasar na namang tugon ni Jerk.

Bakla bakla bakla ang pang aasar ni Perv

Tangin*ng bakla ka talaga huh, di ka talaga titigil, gusto mo talagang nagsisimula ng gulo huh ang galit na turan ni Jerk saka susuntukin si Perv.

Nakaiwas naman si Perv sa suntok ni Jerk at agad na tumayo. Pumunta ito sa likod ni Aling Pasing saka paulit ulit na inasar asar si Jerk. Wahhhh bakla bakla bakla, ang pang aasar niya.

Mahuli lang kita bugbog sarado ka talaga sa akin, gago kang bakla ka, sa akin mo pa pinasa kabaklaan mo huh.

Naghabulan ang dalawa, si Aling Pasing ay napapailing nalang sa kaniyang nasasaksihan.

Bakla ka naman talaga eh, mga kapitbahay bakla si Jerk bakla bakla bakla ang sigaw ni Perv.

Galit na galit namang hinabol ni Jerk si Perv. At nang macorner niya ito ay agad na sinunggaban ng suntok.

Yari ka ngayon sa aking bakla ka, papatayin talaga kita ang wika nito saka sinugod ng suntok.

Si Perv naman ay tinanggap niya lahat ng suntok ni Jerk, naramdaman niya kasing may mabigat itong dinadala na di lang niya mailabas kung kayat nagiging pabigat ito sa pagkatao niya.

Nang maramdaman ni Jerk na di lumalaban si Perv ay tumigil ito at hingal kabayong napasandal sa pader.

Bat ka tumigil ang tanong ni Perv sa kanya. Mas mabigat sa dibdib pag di mo nilabas yan, ilabas mo lahat ng galit mo, gawin mo akong punching bag kung gusto mo. Huwag mo kasing kimkimin yan kaya ka nabibigatan eh ang sabi ni Perv kay Jerk.

Wala kang alam yun lang ang tanging naisagot ni Jerk kay Perv.

Tara alis tayo may alam akong lugar na paglilibingan mo ang sabi ni Perv sa kaniya. Game ka? ang tanong pa nito sa kaniya.

Ulul, baka ikaw ang ilibing ko ang sabi nito kay Jerk.

Tanga sumama ka nalang wala nang maraming satsat, saka ito humarap kay Jerk at kinuha ang kamay, tumingin siya kay nanay Pasing at nagpaalam, nay aalis kami ni Jerk ang pagpapaalam ni Perv sa matanda.

Sige balitaan niyo nalang ako kung sino ang ililibing sa inyo ang wika naman ng matanda.

Sabay na napailing ang dalawa, hila hila ni Perv si Jerk sa kamay. Lakad takbo ang ginawa nila, nagmamadali na akala mo eh may humahabol sa kanila. Ang mga taong nakakakita naman sa kanila ay laking gulat ang nagiging reaksyon. Di makapaniwala na ang pinakasigang tao sa lugar na yon ay tangay tangay ng isang bakla na kala mo eh itinatanan ito.

Pagkarating sa may sakayan ay agad na pumara ng taxi si Perv. Pagkapasok sa taxi ay agad na ibinigay ni Perv ang derection sa driver. Nagreklamo ang driver pero laking takot nito ng sabihin ni Perv na ipapagood job niya ito sa tito niyang sundalo.

Dalidali ng pinaandar ni manong driver ang taxi. Nang may madaanang convenient store ay pinahinto niya ang taxi.

Diyan ka lang manong, huwag na huwag kang aalis nakuha ko na ang pangalan at plate number mo pati address mo nakita ko diyan sa ID mo kaya wala kang takas sa akin. Ayaw ko pa naman na niloloko ako ang banta ni Perv sa driver. Sunod sunod naman ang pagtango ni manong driver.

Agad na pumasok sina Jerk at Perv sa store. Bumili lang naman sila ng mga snacks, alak, some can goods, water and iba pang magagamit nila sa kanilang pupuntahan.

Nang matapos makapamili ay agad nang bumalik ang dalawa sa nag aantay na taxi. Tara na manong ang sabi ni Perv ng makapasok sila. Inabot ni Perv ang isang sandwich na may palamang hotdog kay manong driver at may kasama pang tubig at softdrink.

Nahihiya pang tanggapin nung driver pero pinanlakihan siya ng mata ni Perv kaya naman mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ito saka nagpasalamat.

Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe ay nakarating na sila sa sadya nilang lugar. Agad naman na nag abot ng limang libo si Perv kay manong driver.

Sir sobra sobra na po ito ang sabi ng driver.

Sige na po kunin niyo na po, bayad ko na sa pang aabala sa inyo, medyo malayo layo din to kaya okey na yan ang sabi ni Perv na nakangiti. Saka nga pala manong, wala po akong tito na sundalo, kasi kung meron malamang di ako papayagan non na maging bakla ang natatawang wika ni Perv kay manong driver.

Napapakamot naman sa ulo si manong driver. Salamat po dito sir malaking tulong po ito para sa misis kong manganganak ngayon kaya po gusto kong tumanggi kanina kasi nasa delivery room na daw siya eh ang sabi nung driver.

Paktay tayo diyan manong, sige na bumalik na po kayo, ito idagdag niyo na to tulong ko na po yan sa inyo sabay abot ng sampung libo pa kay manong driver. Sige po manong ingat po huwag mataranta sa pagmamaneho para di madisgrasiya. Ang paalala ni Perv kay manong driver.

Salamat po sir sa tulong sige po una na po ako baka di pa ilabas ni misis ang baby namin pag di ako nakarating sa lying in na pinagdalhan sa kaniya ang natatawang turan ni manong driver.

Sumaludo naman si Perv kay manong driver. Pagkakita ni manong driver na sumaludo si Perv ay sumaludo rin ito saka umalis na.

Naglakad sina Perv at Jerk papunta sa lugar na sinasabi ni Perv.

Malaki ang lugar pero puro mga punong kahoy at tila walang nakatira doon.

Hoy anong lugar to ang tanong ni Jerk

Lugar ng mga mamamatay tao ang sagot naman ni Perv.

Tumahimik naman si Jerk

Bakit takot ka, sabi ko naman sayo ililibing kita diba ang pang aasar ni Perv.

Ulol kaya kitang labanan at sinong takot, baka laki akong eskwater ang nagyayabang naman na sagot ni Jerk.

Ay sa eskwater ka pala lumaki kala ko sa puso ko ang banat naman ni Perv.

Ulol mukha mo ang naaasar na sagot ni Jerk.

Oo nauulol sayo ang pagpapatuloy ni Perv.

Tantanan mo nga ako, di ako pumapatol sa bakla ang sagot ni Jerk.

Di ko naman gustong patulan mo ako eh, ang gusto ko patungan mo ako ang natatawang pang aasar ni Perv.

Fu*k you ang sabi ni Jerk at iminwestra pa niya ang gitnang daliri niya.

Fu*k me hard ang agad namang pagsagot ni Perv.

Ahhhhhhh, nakakapikon kana ang sabi ni Jerk at napasabunot pa ito sa kanyang buhok dahil tila di siya umuubra sa katigasan ng ulo ni Perv.

Mamaya kana sumigaw pag napasok na kita ang sabi ni Perv at sa pagkakataong ito ay di na niya napigilang tumawa dahil sa itchura ni Jerk na di na maipaliwanag.

Tangna mo baka ikaw pa tirahin ko diyan eh ang wala sa sariling bigkas ni Jerk.

Lumapit si Perv sa kanya at, talaga titirahin mo ako, gusto ko yung hard huh, yung tipong parang kinakabayo ako, yung mapapahalinghing ako ng malakas na malakas dahil sa sobrang sarap ang sabi ni Perv na nag aksyon aksyon pa sa harap ni Jerk at paungol na sinasabi ang mga ito.

Tinadyakan ni Jerk ang paa ni Perv.

Oppps like that yung medyo marahas, ang sabi nito sa nang aakit na itchura at kagat labi pa.

Tigilan mo ako sa kalibugan mong hayup ka ang asar na asar na wika ni Jerk.

Hindi ako hayup, hayok lang ang nang aasar parin na wika ni Perv.

Tumigil kana ang sabi ni Jerk. At sa sobrang pagka stress i heheadbat niya sana si Perv pero nauwi sa pagdami ng kanilang mga labi sa pangalawang pagkakataon.

PervXJerkWhere stories live. Discover now