DAMPI

7 0 0
                                    

Kinilig ba kayo sa last episode? Ako kasi oo eh, kinikilig ako habang sinusulat wahahaha.

Anyway kamusta kayo mga watty babies, hope you are all safe, healthy and always good.

Keep your votes and comments coming mga babies para naman ganahan akong mag update, love you all babies keep safe always and God Bless.

CHAPTER 7

Kumain na nga ang tatlo, tumigil muna ang dalawa sa pagtatalo. Pero paminsan minsan paring inaasar ni Perv si Jerk.

Mahal subuan mo naman ako ang pangungulit ni Perv kay Jerk.

Bakit baldado kaba ang maangas na sagot ni Jerk kay Perv.

Nay oh inaaway na naman ako ng basagulero mong anak ang sumbong ni Perv kay Aling Pasing.

Ewan ko ba sa batang yan, kala mo pinaglihi sa sama ng loob, pero hindi naman ganyan yan dati. Simula lang nung di na natapos ni Aling Pasing ang pagkukwento dahil sinuway na siya ni Jerk.

Kumain ka na nga lang nay, dada ka pa ng dada, pag untugin ko kayong dalawa eh, ang sabi ni Jerk na halatang badtrip.

Bigla naman siyang sinuntok ni Perv sa may gilid ng kaniyang labi. Umayos ka, huwag kang barubal makipag usap sa nanay mo, nanay mo yan. Matuto kang igalang nanay mo, siya na nga ang hinahayaan mong maghanap buhay para sa inyong dalawa tas ganyan kapa. Ginawa mo ng katulong nanay mo babastusin mo pa. Ang naiinis na wika ni Perv.

Wow makapagsalita ka parang kilalang kilala mo ako huh, isa pa ano bang paki mo, wala kang bilang sa pamilyang to, kaya huwag kang magmagaling gag* ang inis din na sagot ni Jerk kay Perv.

Dahil sa narinig, nagpanting ang tainga niya kung kayat kinuwelyuhan niya si Jerk. Kung sa akin mapapalampas ko pa yang kagag*han mo, pero ang maging bastos ka sa sarili mong ina hinding hindi ang nanlilisik matang wika ni Perv habang matalim na nakatitig at nakikipag eye contact kay Jerk.

Tinampal naman ni Jerk ang kamay ni Perv na ginamit niyang pangunguwelyo sa kaniya. Sino ka para sundin ko, wala kang paki sa buhay ko o sa buhay naming mag ina. Wala kang alam at wala kang karapatang makialam, ang nanlilisik mata ding sagot ni Jerk.

Binitiwan na ni Perv ang pangungwelyo kay Jerk. Nay sabihan niyo lang ako pag binastos kayo ng kupal na to nay huh, hindi pwedeng hinahayaan niyo lang siyang ginaganiyan niya kayo. Kayo ang ina niya kaya dapat lang na irespeto niya kayo.

Hayaan mo na nak, magbabago din siguro yan balang araw ang turan ni Aling Pasing.

Nay aasa pa ba kayong magbabago ito? Naku eh masmalabo pa sa tubig kanal nay eh. Ungas na talaga ito nay.

Agad ding nakatikim ng suntok si Perv. Wala kang alam sa buhay ko, wala kang alam sa kwento ko, at lalo kang walang alam sa pagkatao ko, kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan, ang galit na galit na sabi ni Jerk.

Bakit masakit ba malaman ang katotohanan huh, pwes kung ayaw mong nasasabihan ng masama magpakatino ka, ganon lang yon tsong ang sabi ni Perv sabay punas sa gilid ng labi niyang pumutok dahil sa suntok ni Jerk.

Wala kang alam ang matigas na pagkakabigkas ni Jerk.

Marami akong alam, alam kong lumandi, alam kong bakla ako, alam kong makipag away sayo at alam kong may gusto ka sa akin ang wika ni Perv na nakangisi.

Mukha mo square ang pabulyaw na sagot ni Jerk.

Kamag anak ko si spongebob kaya square eh ikaw utot mo pink ang pang aasar ni Perv.

Ul*l pano mo nalamang pink ang tanong naman ni Jerk.

Kasi bakla ka kaya pink,at marami akong alam kaya nasabi kong pink ang di patatalong sagot ni Perv.

PervXJerkWhere stories live. Discover now