PRANK

5 0 0
                                    

Hello there mga kawatty, here I am again. Inihahandog ang bagong kabanata sa kwentong ito. Sana ay magustuhan niyo ang kabanatang ito.

Keep your votes and comments comming watties, to fuel up my passion in updating my story.
Any kind of criticism are very much welcome.

Again this story contains vulgar words and sexual explicit, if you are minor then take a break, leave this story and find something that suits your age. Keep safe all love you.

CHAPTER 5

Pagkatapos magpamassage ay lumabas na si Perv sa SPA na yon. At dahil satisfied siya sa serbisiyo ng kanyang masahista ay nagbigay ito ng malaking tip sa binata.

Dahil nga malapit lang ang nasabing SPA sa bahay nila Mark ay dumaan na ito sa kanila.

Agad naman niyang natagpuan ang lugar nila Mark dahil matandain naman siya. Pagdating sa harap ng bahay nila Mark ay kumatok na ito at agad naman siyang pinagbuksan ni Aling Berta.

Good evening po nay Berta, kamusta po kayo ang bati ni Perv kay Aling Berta at nagmano ito sa matanda.

Ikaw pala anak, tara tuloy ka, Mark andito si Perv ang tawag ni Aling Berta kay Mark.

Agad namang lumabas ng kwarto nila sina Mark at Marcus. Uy ikaw pala Perv ginagawa mo dito sinong kasama mo? ang tanong ni Mark sa kanya.

Mukha ba akong may kasama Mark? ano may nakikita ka bang di namin nakikita? ang pambubuska ni Perv kay Mark.

Anak ka ng tokwa naman Perv, namilosopo ka na naman, bakit ka nga naparito ang tanong ulit ni Mark.

Wala naman napadaan lang, nag pamassage kasi ako diyan sa Angel's Hand Spa eh naalala ko na taga rito ka lang kaya dumaan na ako, kaso ayaw mo yata eh kaya uwi nalang ako.

Konyatan kita diyan eh, tigil tigilan mo ako sa pag iinarte mo huh hala maupo ka muna. Marcus bili ka muna ng maipamemeryenda natin sa bwisita natin ang natatawang sabi ni Mark sa kanyang kapatid.

Bwisita ganon sige bwisita pala huh, at agad niyang hinuli ang bewang ni Mark na alam na alam niyang malakas ang kiliti.

Wahahaha tarantado ka talaga Perv tigilan mo ako wahahaha alam mong malakas kiliti ko diyan eh wahahaha ang sabi ni Mark habang tawa ng tawa dahil sa pagkiliti sa kaniya ni Perv.

Tumigil nga kayo para kayong mga isip bata ang naiiritang sabat ni Marcus sa dalawa habang naghaharutan.

Uy may naiinggit ang sabi ni Perv sabay tusok sa tagiliran ni Marcus.

Sus wala akong kiliti, mapapagod ka nalang di mo pa nahahanap ang kiliti ko ang iritableng sabi parin ni Marcus.

Mark anong meron ngayon at tila balisa ang kapatid mong iyakin, ang tanong ni Perv kay Mark.

Pssss, iyakin daw ang pabulong na sabi ni Marcus habang palabas ito pero dinig naman ng mga nandoon.

Hoy Marcus huwag kana bumili ng meryenda nag order na ako at baka itaboy ako ng isang matanda dito kaya nakiramdam na ako.

Abat pinariringgan mo ba ako, ang pagsingit ni Aling Berta sa sinabi ni Perv.

Natamaan ka ba nay, dapat umilag ka ang natatawang sabi ni Perv.

Tse sa susunod di kana makakatuntong dito ang sabi ni Aling Berta pero nangingiti ito.

Ganon ba sige sasabihan ko nalang si Jerk na di na naituloy ni Perv ang sasabihin ng biglang lumagabog ang pinto pabukas.

Wow andito pala ang antipatikong bakla na kumalaban sa akin magbabayad ka ngayon bakla ang sabi nito sabay labas ng icepick at itinutok kay Perv.

Ah talaga ba sabi ni Perv at sa isang kisap mata ay nasa may likod na siya ni Jerk at isinakal ang isang kadenang halatang di basta basta.

Masuka suka naman si Jerk dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya.

Wala ka pading pinagbago pulpol ka padin, hala uwi nakakaboring kang kaaway nakakaantok ka ang pang aasar ni Perv kay Jerk sabay tulak palabas ng pinto. Sakto namang kababalik lang ni Marcus kung kayat hinaltak ni Jerk si Marcus at ginawang hostage.

Sige pumalag ka at itatarak ko sa kanya ang icepick na to ang banta ni Jerk.

Tumawa lang ng malakas si Perv. Di ka lang pala lampa ano, bobo ka rin pala wahahaha ang pang aasar parin ni Perv sa kanya.

Anong ibig mong sabihin bakla huh di ka naniniwala na kaya kong gawin to, halatang nahihintakutan na si Marcus.

Di mo gets Jerk, eh ano naman kung itarak mo sa kanya yang icepick, may bilang ba siya sa buhay ko, di ko naman sila kaano ano, katrabaho ko lang si Mark, at kaya ako nandito ay napadaan lang ako dahil galing akong Spa, sa tingin mo magkakaroon ako ng paki sa mga taong di ko kaano ano? Hay naku inamag na ang utak ng bobong lalaking to ang panunuya ni Perv kay Jerk.

Dahil sa narinig ay nagbago ang timpla ng mukha ng tatlo lalo na si Marcus.

Ikaw pala masama kuya Perv eh, ansakit mo magsalita, kala ko pa naman mabait ka ang mangiyakngiyak na wika ni Marcus.

Andrama Marcus, di ako fanatic ng drama club okey, masama? hahahaha gusto mo patunayan ko ang sabi ni Perv sabay wasiwas ng kadenang hawak niya.

Huwaggg ang sabay na sigaw ni Aling Berta at Mark pero huli na para mapigilan nila ang ginawa ni Perv. At laking gulat nalang nila ng makita nilang nakapulupot na sa leeg ni Jerk ang kadena at nahila na ni Perv ito palapit sa kanya.

Sabi ko naman sayo galingan mo kasi nakakawalang gana kang kalaban. Isa kang mahinang nilalang ang panunuya ni Perv kay Jerk. Di na makapagsalita ang huli dahil sa sobrang higpit ng pagkakapilipit ng kadena sa leeg niya. At ikaw Marcus, masama ako diba gusto mo makita gano ako kasama, saka itinarak ang icepick sa tagiliran ni Jerk. Di makapalahaw ng sigaw si Jerk dahil nga sa higpit ng kadena sa leeg niya kaya impit lang itong iniinda ang sakit ng tarak ng icepick.

Hoy magaling na lalaki, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon, isang isa nalang pero sa susunod na mag krus ang landas natin at gumawa ka pa ng katarantaduhan di na kita palalagpasin ang sabi ni Perv kay Jerk. Tumango tango nalang ang huli saka kumaripas ng takbo nung ibalya siya ni Perv palabas ng pinto.

So pano bayan, alis na ako Mark, masama ako diba at sigurado akong ayaw niyong mapalapit sa masamang tao.

Huwag kana magsalita Marcus, di ko hinihingi ang paliwanag mo. Ang agad na pagputol ni Perv ng ibubuka ni Marcus ang kanyang bibig.

At di ko narin kailangang magpaliwanag kasi nahusgaan niyo na ako eh, pero ito lang ang masasabi ko, di sapat ang nakikita at naririnig para ijudge ang isang tao. Kumbaga sa problem solving sa math di mo pwedeng basta nalang sabihing di mo kaya kung di mo pa naman nasusubukan, dahil di mo masusulusyunan ang problema kung di mo susubukang isolve ito, yan ang lohika ng buhay. Sana nagets niyo. Pagkasabi non ay agad nang lumabas ng bahay si Perv.

Maya maya ay bigla itong bumalik. Siya nga pala pakiantay nalang yung pagkain, bayad na yon bye ulit ang sabi nito sa tatlo saka tumalikod ulit.

Tahimik lang na napaupo ang tatlo. Napasapo sa noo si Mark. Si Aling Berta ay nakahawak sa dibdib at panay ang buntong hininga. Si Marcus naman ay pinaglalaruan ang kuko dahil nga iniisip niya ang mga nabitiwang salita kay Perv na halatang nadismaya niya.

Napabalikwas naman ng tayo ang tatlo at nagsipag siksikan sa isang tabi ng biglang may sumigaw.

Kakain na, madaya kayo wala man lang sumunod para pigilan ako, ano wala din akong bilang sa inyo ang natatawang saad ni Perv.

Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na tinalunan ni Mark si Perv at saka binirong sakalsakalin.

Hayup ka aatakihin kami sa puso dahil sa nerbyos ikaw lang pala, kung makasigaw ka wagas.

Bakit sinabi ko bang magulat kayo ang natatawa namang tugon ni Perv.

Buwisit ka talaga kahit kailan eh, okey na yung drama tas sisingitan mo ng comedy buwisit ka talagang bakla ka ang sabi ni Mark saka pinagsusuntok ng mahina si Perv

It's a prank prank prank ang sabi naman ni Perv na di parin mapatid patid ang tawa.

PervXJerkWhere stories live. Discover now