Pinahiran niya ang mga luhang namuo at humarang sa paningin ko. Saka kami sabay na nangiti muli sa isa't isa.

"Salamat kasi minahal mo 'ko...kahit napakarami mong isinakripisyo."

"Sshh," bulong niya saka muling pinagdikit ang aming mga noo. "Pagdating sa 'yo, hindi ko kailangang magsakripisyo." Umiling siya nang umiling. "Hindi 'to sakripisyo. Dahil handa akong gawin ang lahat para sa babaeng mahal ko, Dainty Arabelle."

Naluluha man ay napangiti ako. Iniyakap ko ang aking mga braso sa kaniya at saka isinubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Niyakap niya ako nang mahigpit nang hindi namin namamalayan pareho kung gaano katagal kaming nanatiling ganoon.

"I prepared something, mind if we eat?" ngiti niya nang kumalas sa 'kin.

Lumapad ang ngiti ko at tumango. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa silya at pinaupo. Pinanood ko siyang lumapit sa van. Mula ro'n ay naglabas siya ng tray na may nakatakip na siguradong pagkain para sa dalawa. Kasunod no'n ay tansong pitsel na puno ng yelo at may wine. Dalawang wine glass at isang kandilang agad niya ring binuksan. Pero natawa ako nang kasunod no'n ay buko juice na nasa bao ng buko na ang bitbit niya.

Naupo si Maxrill Won sa harap ko saka inilagay ang isang plate sa harap ko. Tinanggal niya ang takip no'n at umalingasaw ang tila bagong lutong steak. Hindi 'yon gano'n kalaki pero hindi rin kasinliit gaya nang isinerve noong kumain kami sa Tagaytay. May dahon iyon sa gilid at mas marami ang sarsa kaysa kinain ko kahapon. Naglapag din siya ng tinidor at kutsilyo sa magkabilang gilid ng plato ko. Niladlad niya ang isang puting panyo at nilagay sa kandungan ko. Muli siyang bumalik sa van at nang makabalik ay naglapag ng isa platito sa tabi ko. Nang alisin niya ang takip niyon ay natawa ako nang mapagtantong kanin 'yon.

"Let's eat," aniya nang makaupo sa sariling silya.

"Sanay ka talaga sa steak," sabi ko.

Ngumiwi siya saka tumango. "I eat steak from time to time," humalakhak siya, ang paborito kong tawa. "So..."ginala niya ang paningin sa lugar. "Do you like my surprise?"

Lumapad ang ngiti ko saka magkakasunod na tumango. "Sobra. Salamat, Maxrill Won."

Awtomatiko siyang nahawa sa ngiti ko at ginala rin ang paningin sa lugar. "I like to keep it simple, just like you."

Simple... Ginala ko pa ng minsan ang paningin sa lugar. Ganito ang simple sa kaniya pero para sa 'kin ay sobra-sobra 'yon. Hindi ko kailanman naisip na posibleng may sumorpresa sa 'kin nang ganito. Ang totoo nga ay sandali ko pang kinuwestyon kung karapat-dapat ako sa ganito. Pero 'eto siya sa harap ko bilang patunay na para sa akin ang lahat nang ito.

"I'm going to show you how much I love you, I promise," naro'n ang kompyansa at determinasyon sa boses niya.

"Masaya na 'ko nang alam ko ang nararamdaman mo."

Umawang ang labi niya sa tuwa saka kinuha ang tinidor at kutsilyo ko para ipaghiwa ako ng steak. "You deserve more."

Nakagat ko ang labi ko at kahit itanggi ko, excited din ako sa makikita ko pa sa kaniya at mararamdaman. Gusto ko ring malaman kung hanggang saan kami kayang dalhin ng ganitong pakiramdam. Gusto kong malaman kung ano ang kayang harapin ng tinatawag nilang pagmamahalan. Naramdaman man niya 'yon sa iba o hindi, wala na akong pakialam. Ang tanging mahalaga sa 'kin sa oras na 'to ay ang kasalukuyan niyang nararamdaman.

Huminto siya sa pagkain, inilapag ang kaniyang kutsilyo at tinidor. Saka binuhat ang silya niya papalapit sa 'kin.

"One day, I'm gonna ask Deib Lohr to design a table for us two, where you and I can sit in just one corner and no one's allowed to join us."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now