"I need help."

   "Labas ako diyan. Kaya mo na 'yan," saad pa ni Cooper. Nakakuha naman ito ng palo sa balikat dahil kay Samuel.

    "Sure. We'll help you. Makikipagkita na rin ako kay Law," bumaling si Samuel kay Cooper. "Sumama ka na rin. Baka isama no'n si Win-win. Date kayo para ma-solo ko si Law."

    "Kuya, may soulmate si Win!"

    "Ikaw din naman pati si Cooper pero makikipagkita ka kay Kayde—" pinalo niya ang kamay nito. Ang daldal naman kasi. Baka mahuli sila!

     She rolled her eyes. "Bahala kayo!"

     PATUNGO siya sa building ng art club nang makita niya si Anthony kasama ang soccer team nakapila na tumatakbo.

    Nang dumaan ang mga ito sa kaniya ay tinawag siya ni Anthony. Nginitian na lang niya ito at kinawayan.

    Nakita niya rin si Carter na masama ang tingin sa kaniya. Nginitian na lang din niya ito. Hanggang ngayon talaga ay inis pa rin ito sa kaniya.

   Nag papasalamat na lang siya na wala pa itong pinagsasabihan pero sobrang lamig naman ng pakikitungo nito sa kaniya. Magkaiba talaga sila ng kakambal nitong si Cooper.

   Ipagpapatuloy na sana niya ang pag lalakad papunta sa building nila nang dumaan sa kaniyang harapan ang binatang kulot ang buhok. Ito 'yong kasama ni Gory last time.

   For some reason, nasisinagan ito ng araw. Nag mukha itong isang kupido.

    He smiled at her nang mahuli siya nitong nakatingin. Tulala siyang nakatingin dito nang bigla mapalitan ng view ang nakikita niya.

   Isang nakasimangot na si Gory ang nasa harapan na niya. "I told you not to go near at my team."

    Sumimangot siya. Anong problema na naman nito sa kaniya?

   "For your information, papunta ako sa art building. Kayo 'yong dumaan sa unahan ko," mahina niyang bulong sa huling sinabi but she guessed, Gory heard it?

    He was about to speak again when the cupid guy went up to them. "Captain, tara na. Ang layo na nila."

    Pinatitigan siya ulit ni Gory bago ito sumunod sa pag takbo habang si kupido naman ay tumango sa kaniya bago sumunod.

Captain, ha?

PINATITIGAN niya ang nilabas ng professor nila sa kanilang unahan. Ang silid ng art room ay pinalilibutan ng mga canvas na pininta.

Sa pinaka gitna ay may maliit na platform kung saan may nakalagay sa standee na isang structure ang mukha na parang isang Greek God.

    Tinupi niya ang long sleeve na uniform hanggang siko pagkatapos ay nag suot siya ang gloves at apron bago nag simula mag pinta.

    Sanay siya gumuhit ng isang tao. Madalas niya pag masdan ang ina at i-sketch ito habang busy ito sa gawaing bahay.

    Ilang oras din ang ginugol niya sa pag pinta. Medyo malaki kasi ang canvas na binigay sa kanila at isa pa, madalas daw aabutin sila ng gabi sa art club.

   Tinaas niya ang dalawang kamay para umunat nang lumipas ang isang oras sa pag pi-pinta. Napadako ang kaniyang paningin sa bintana. Madilim na ang labas. Hindi niya namalayan ang oras.

Napansin niya rin na umalis na ang ibang kasamahan nila at ilan na lang sila ang nasa loob. Hindi niya kasama si Rick dahil nasa ibang silid ito naka-assigned.

She sighed then binaba niya ang ginamit na brush.

Gutom na siya at gusto na rin niya matulog. Humikab siya nang makaramdam ng antok.

Inalis niya ang suot na apron pagkatapos ay sinabit ito sa likuran ng lalagyan ng canvas ngunit agad rin siya natigilan nang dumako ang paningin niya sa kaniyang braso.

Nanlalaki ang kaniyang mata. Shit! Hindi sa ganitong paraan ang gusto niya mag pakilala sa kaniyang soulmate.

"What's wrong?" tanong sa kaniya ng katabi niya. Pinakita niya ang braso rito kung saan may ilang pintura.

"Angelus?" Tumango siya. "Anong problema?" tanong pa nito.

"Hindi ko pa sinubukan na kausapin siya."

"Ow, why don't you try to write to her right now? Alam na rin naman niya nag e-exist ka."

Hindi siya nakasagot. Natatakot siya. "Ah, gets ko na. Ayos lang 'yon, dude!" Tinapik pa siya nito sa balikat bago ito nag paalam sa kaniya na mauuna nang bumalik ng dorm.

Pinatitigan niya ulit ang braso na may pinta. Pangalawang beses na 'to but this time mas marami. Paniguradong halata ito sa braso ng soulmate niya.

Bakit ba ang tanga niya?

Inalis niya ang suot na gloves. May suot pa rin pala siya no'n pero agad niya rin gusto batukan ang sarili.

Lumusot 'yong pintura sa daliri niya. Ito 'yong isa sa ayaw niya sa pagiging Angelus. Nag mumukha silang madungis. Ayos lang sana kung maayos 'yong drawing o sulat. Matutuwa pa siya kaso hindi.

PABAGSAK siyang humiga sa mini lounge sa loob ng silid nila ni Cooper. Pinatitigan niya ang kalat nagawa niya sa bisig at kamay. Kanina pa rin siya may hawak na pentel pen.

Pinag iisipan niya kung ano ang sasabihin dito. Na-ba-blanko siya.

"Ano 'yan? Bakit ang kalat?"

Inangat niya ng tingin si Cooper. Nakasilip ito sa gilid ng sofa habang pinupunasan nito ang basang buhok.

"May hair dryer ako diyan. Kung gusto mo gamitin, kunin mo na lang sa kabinet," she said.

Umalis ito sa gilid ng sofa at pumunta sa space niya at kinuha ang hair dryer dito.

"Anong meron?"

Bumuntong hininga siya. "Aksidente ko na naman nasulatan," bagsak ang balikat na sagot niya rito. Lumapit naman ito sa kaniya at mahinang kinutusan siya.

"'Wag ka na matakot mag sulat. Ayan ang rason mo kung bakit ka nandito, hindi ba? What are you waiting for?"

"Pero paano kung hindi siya sumagot—"

"No buts, Ashley. Sulatan mo na siya." Sasabat pa sana siya nang buksan na nito ang hair dryer. Bigla tuloy umingay.

Umayos siya nang upo pagkatapos ay binuksan niya ang takip ng pentel pen. Bago pa mag bago ang kaniyang isipan ay nilapat na niya ang pentel pen sa kaniyang balat.

Dinuktungan niya ang malaking linya sa kaniyang bisig at ginawa itong isang sunflower.

Ash GreyWhere stories live. Discover now