LTBM 3

27 3 0
                                    

"Don't tell anyone about this or I'll kill you."

That's the exact word Rimus told me before he left me in front of our gate. It's been one week since that day. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang na kidnap ako. Pero mas hindi parin ako makapaniwalang may inoperahan akong tao.

"Bakit ang lalim ata ng iniisip mo?" Napatingin ako kay Farah ng mag salita sya. Kaibigan ko sya, at ngayon ay nandito kami sa loob ng room at nag hihintay kay Hirro at Carlos.

"You wouldn't believe me if I tell you. Teka nga bakit ang tagal naman ata ni Hirro at Carlos? Itext mo nga." Sabi ko nalang sakanya para tumigil kaagad sya sa pag tatanong. May group meeting kami ngayon for our group research paper.

Isa sa loob ng isang linggo lang kami pumupunta sa skwelahan para lang asikasohin ang research namin. Iba kasi ang oras ng shift ni Hirro at Farah. Minsan lang kaming mag kita sa ospital kahit parihas lang kami ng pinag o-OJThan.

Agad naman kinuha ni Farah ang cellphone nya at tinext sina Hirro at Carlos. Hindi naman nag tagal ay dumating na ang dalawa na may bit-bit na mga snacks. Pariho naman kasi silang mayayaman kaya wala nalang sakanila ang manlibre.

We discussed and finalized our papers. Malapit narin kasi ang defense at malapit narin kaming grumaduate. Sa work ko naman sa Jollibee isang linggo nalang akong mag re-render. Kailangan ko narin kasi mag focus at mag change ng career.

"That's it. I think these are all set. We can go?" Lahat naman kami ay tumango sa sinabi ni Hirro. Sya kasi ang group leader.

"Teka what about the payment? Ang laki ng magagastos sa print nyan tapos papa hard bound pa." Singit naman ni Farah. Natahimik naman ako ng mapag usapan ang bayaran. Wala pang sahoran kaya wala pa akong maiaambag.

"I'll take care of it." Volunteer ni Hirro. Napa palakpak naman si Farah at Carlos. Ako naman ay napahinga ng maluwag. Mabuti nalang talaga sakanila ako nasali. Pero tumulong naman talaga ako sa pag gawa. Sa pera lang talaga ako medyo kapos.

Nag kanya-kanya na kaming ayos ng sarili naming gamit. Habang abala ako sa pag aayos ng gamit ay lumapit saakin si Hirro.

"Can we eat lunch together?" He offered. Matagal ng nagpaparamdam saakin si Hirro pero hindi ko naman binibigyan iyon ng pansin. Sabi ni Farah ay good catch daw si Hirro. Mayaman, mabait at magalang. Totoo naman iyon pero hindi ko lang talaga makita ang sarili kong kasama sya.

"Sorry Hirro. May duty kasi ako ngayon." Napakamot naman sya ng ulo at napatango. Bumalik naman sya sa pag aayos ng gamit nya at nauna ng lumabas saamin.

"Hoy anong sabi nya?" Tanong ni Farah saakin ng palihim.

"Nag aaya lang kumain." Simpleng sagot ko sakanya at sinuot na ang pack bag ko. May duty kasi ako ngayon sa Jollibee pero wala naman akong OJT ngayon kaya mataas ang oras kong mag pahinga mamaya.

"As usual tinanggihan mo. Hay nako. You know how much he likes you. Kaya nga ayaw na magpa bayad ng tao sa research paper para sayo." Alam ko naman iyon. Pero kahit naman ipilit ko ang sarili kong magustohan si Hirro ay hindi ko kaya.

Hindi ko alam kung bakit. Maybe he is so good to be true. Sa sobrang okay nya ay nakakatakot na. Baka hindi totoo na ewan. Isa pa wala pa naman akong balak magka relasyon. Ang akin lang ngayon ay makapag tapos ng pag-aaral at masuportahan ang pangangailangan ni Angelo.

"Aalis nako ha." Paalam ko kay Farah. "Carlos una nako. Ikaw na bahala sa kaibigan ko." Baling ko naman kay Carlos na ngayon ay nag hihintay na kay Farah. Matagal ng nanliligaw si Carlos kay Farah.

"Yes ma'am ako ng bahala kay Baby girl ko." Sumaludo pa si Carlos saakin na ikinatawa ko at ikinainis naman ni Farah. Ayaw nyang tinatawag na baby girl ni Carlos. Pero I know better. Kinikilig ang loko.

Loving the Badass manWhere stories live. Discover now