Sumimsim lamang ako sa inumin habang pinagmamasdan silang mag himutok sa gaganaping Halloween party sa susunod na linggo.

"Ikaw? 'Di ka nanghihinayang?" Sebastian suddenly elbowed me.

I shrug my shoulder. "I don't like parties,"

"E? Sayang naman, birthday ko na next-next week, i-invite sana kita,"

I saw how Denver and Cassie turn their eyes on us.

"Kami, Seb? Invited kami?" Asked Cassie.

"Of course! Lahat naman ng kaklase natin," Sebastian turns to me again. "Ano?"

"Saan ba?"

"Sa'min lang!"

Wala nga akong lusot, then...

"Okay,"

"'Yan! Aasahan kita ah!" He said with all smiles. Ngumiti na lamang din ako pabalik.

"E ang birthday n'yan ay next week na e, kami, Callie? Invited ba kami?"

"Huh? Next week?" Takang ani Sebastian.

"Yup. Mama organized a little party, you're all invited."

"Una ka pa pala sa'kin!" Humalakhak si Sebastian, sinamahan pa ng marahang hampas nito sa braso ko.

"Ah," I chuckle before slightly scooching away to get rid of his hand. "Ite-text ko na lang ang venue sa inyo,"

Ilang sandali lang din matapos ang usapang 'yon, dali-dali nang lumisan si Denver at Cassie dahil tumakas lang naman pala ang dalawa sa gawain nila sa Club, while Sebastian and I attend our remaining classes.

Sa kalagitnaan ng klase ay muli nanamang sumagi sa isipin ko ang nakita kanina.

Leon and Sonya are still classmates. Ngayon, mas umugong ang balitang sila na nga ni Sonya. Idagdag pang lagi silang mag kasama, at may ilang usap-usapan din ang kumalat na magkasama sila sa isang concert, at talagang nagde-date na.

I suddenly remember what Rio said before, na wala s'yang naging tiyak na girlfriend at pawang kalandian lang, but judging from what I've been seeing for the past months, hindi malabong in a relationship na nga sila.

I felt a slight pain on my chest, but after all, who am I? I'm just Leon's friend, slash treated like his sister. I have no means to get jealous.


"Sweet sixteen..." I whispered the pink lettering word with glitters in it, plastered on the wall.

Wearing a baby pink over the knee dress, hair and make-up by Mama's stylist, ngumiti ako sa mga nakakasalubong ng tingin ko. Ilan pang bisita ang bumati sa'kin kaya sandali akong tumitigil doon at nakipag tawanan.

"Enjoy kayo," ngumiti pa ako sa kakilala bago hinila ang isang upuan at naupo doon.


"Any liquorish?"

I winced at Denver's entrance. "We're sixteen, Denver."

He just scoffs at me and roll his eyes. "Boring,"

I suddenly felt a hand on my shoulder. Kunot-noo ko pang hinarap iyon, pero nang makitang si Sebastian ay agad akong ngumiti. I showed him the chair beside me na agad naman nitong kinuha.

"Happy birthday, Clamentine. Sorry, I'm late. Kinuha ko pa kasi ang regalo ko sa'yo," he chuckles as he lends me a rectangular red, velvet box.

"Hindi naman na kailangan pa ng regalo,"

"Eh, you should have one. It's your birthday,"

Ngumiti lamang ako at kinuha na ang nakalahad nitong regalo.

Shattered Pieces of TrustWhere stories live. Discover now