Prologue

28 0 0
                                    



"What I'm saying is true! Mukha bang magsisinungaling ako sa'yo ha?" inis kong sabi sa kanya. Hanggang kailan niya ako hindi paniniwalaan?

"Because what you're saying doesn't make sense, Kita. Anong paniniwalaan ko sa mga sinasabi mo?" inis niya ring sabi sa akin. Ano, magsisigawan na lang ba kami magdamag dito?

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nais kong iparating. "I'm a regressor, Ares." ulit ko sa sinabi ko kanina.

Pinandilatan niya na naman ako ng mata.

"Tigilan mo ako sa regress-regress na 'yan at baka ipadala na kita nang tuluyan sa mental hospital." sabi ni Ares saka ako tinalikuran.

Hindi ako baliw, engot! Ikaw kaya dito?

Hinapit ko ang braso niya upang iharap siya sa aking muli. Dumiretso ako ng tingin sa mga mata niya, umaasa na kahit ngayon lang ay paniwalaan niya ang sinasabi ko.

"I won't believe you, Kita. Never." mariing sabi niya. Pero hindi ako nagpatinag.

Lalong sumeryoso ang mukha ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Ares." tawag ko sa pangalan niya.

Bahagya siyang nagulat sa paraan ko ng pagtawag sa kanya.

Please, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang. I need you, at least, to understand me.

Napapikit siya na para bang nauubusan na ng pasensya.

"Ares." sabi kong muli at hinawakan ang kanyang kamay. "Alam kong hindi kapani-paniwala ang sinasabi ko. Pero, please, maniwala ka naman sa akin oh. Alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin." sambit ko. Nanahimik siya dahil doon at ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang ipaliwanag na ang lahat sa madali at mabilis na paraan.

"This is my second life. I died in my first one but when I woke up, there I was again, in my 16-year old self." pagsisimula ko. "Hindi ko alam kung paano o bakit. Nung una hindi ko rin sigurado kung panaginip lang ba iyon. Pero lahat ng nangyari noong unang buhay ko ay naaalala ko. Natatakot akong mangyari ulit ang mga iyon ngayon kaya gagawin ko ang lahat upang mabago ang lahat ng pagkakamali ko." paliwanag ko.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin na parang wala talaga siyang pinaniniwalaan sa mga sinabi ko. Makakaramdam na sana ako ng lungkot nang bigla siyang magsalita.

"How... did you die back then?" mahina ngunit dinig na dinig ko ang tanong niya.

Pilit kong inalala ang mapait na pangyayaring iyon. Ayokong balikan, pero kung ito ang paraan upang maniwala siya sa akin ay sige, sasabihin ko.

"I wasn't alone when I died, Ares." sabi ko at kumunot ang noo niya.

"Did someone... kill you?" sabi niya habang nakakunot ang kanyang noo.

Mapait akong napangiti. "No, Ares. It was an accident." sabi ko at parang nakahinga naman siya nang maluwag. "Pero sa nangyaring iyon, hiniling ko na sana nga ay may taong pumatay na lang sa akin."

"What?"

"I died from drowning. Nasa yate tayo para sa isang selebrasyon. Nagkaroon ng aksidente at nahulog ako sa dagat." yumuko ako. "Walang nagtulak sa akin. Pero sa pagkalaglag kong iyon ay may isang tao akong nasama." kinagat ko ang aking labi dahil ramdam ko ang magkahalong pagsisisi at sakit.

"Isang taong napakaimportante para sa taong mahal ko." tumingin ako kay Ares at nakita kong alam niya na agad kung sino ang tinutukoy ko.

"Where was I when that happened?" tanong niya na hindi ko nasagot agad. "Where was I?" pag-uulit niya.

"Hindi ko alam." sagot ko sa kanya at nag-tiim ang kanyang bagang.

"I left you..." kunot noo siyang umiwas ng tingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

"No, Ares. You saved me." paglilinaw ko. Napatingin siyang muli sa akin.

"But why.. did you die?" naguguluhang tanong niya.

If I tell you, you'll get hurt.

Mahirap man, sinikap ko pa ring kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang dahilan sa kanya.

"Malabo na pero nakita ko, Ares. Kitang-kita ko. Dalawa kaming nahulog sa tubig... Dinig ko ang sigaw ng mga kasama natin... Halos lahat sila ay tumalon upang iligtas kami..."

"Pero sa dami ng taong nandoon, lahat sila ay sa kasama kong nalunod pumunta. Naiwan akong mag-isa." Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ares. "Ikaw lang.." tumulo ang luha ko nang tuluyan. "Ikaw lang ang pumunta sa akin." napangiti ako nang maalala ko iyon. Dahil kahit papaano, ramdam ko ang sinseridad ni Ares nang makita ko siyang pilit na lumalangoy papunta sa akin.

"Kaso huli na ang lahat. Bago ka tuluyang makapunta sa akin, nawalan na ako ng hininga." dahan dahan kong binitawan ang kanyang kamay.

"At sa pagkagising ko, doon nagsimula ang pangalawang pagkakataon na binigay sa akin ng Panginoon."

Pangako, magbabago na ako. At sa pagkakataong ito, lahat ng mali ay itatama ko.

Reincarnate System: Begin AgainWhere stories live. Discover now