Prologue

4.8K 142 60
                                    

Today is the day! Ang tagal ko rin hinintay ang araw na ito, sana sa pagkakataon na ito makapasa na ako sa interview bilang Flight Attendant.

Inayos ko ang aking skirt, bago bumaba sa aking kwarto.

"You look so pretty, Isadora." Mommy greeted me with a big smile on her lips. "Ayaw mo ba talaga tanggapin 'yung offer ko?"

Okay na sana, pero palagi pa rin itong binabanggit ni Mommy.

She's a Flight Attendant, gusto niyang tulungan akong makapasok sa airline nila ng hindi na ako dumaan sa interview, diretso Training agad.

"Mommy, ilang beses ko naman na pong uulitin, gusto ko maging fair sa lahat, ano 'yun Mommy, gusto niyo po marinig pangalan ko o makilala ang pangalan ko dahil lang sa may backer ako?" I gasped.

Ang aga-aga ito na naman ang pag-aawayan namin ni Mommy.

Oo aminin ko, gusto ko na maging isang Flight Attendant, pero hindi naman sa ganoong paraan. Gusto ko pa rin pinaghiraparan ko.

"Gusto ko lang bumawi lalo noong mga panahong wala ako."

"Past is past, Mommy. Nakalimot na ako roon, please, sana po kayo rin." I smiled at her.

Alam ni Mommy na pilit iyon, nakita kong gusto niya akong lapitan pero agad din akong umiwas.

Hinatid ako ni Mommy sa venue, nabago ang rules dito sa Interview, may online submission na ang naganap, 2 weeks before the interview. Pasok kami sa 500 applicants na pasado for the interview.

"I don't have flights today until Sunday. I'll wait you  sa Starbucks?" tanong ni Mommy bago ako bumaba. "Good luck, my love. Good luck sa inyo nila Des and Grizela."

"No Mommy, sabay na lang ako sa kanila umuwi later. May pupuntahan din po kaming tatlo." Kinuha ko ang ilang papel bago ako bumaba. "Bye Mommy! Drive safely!"

Nakita ko rin agad si Desiree at Grizela. Unang beses pa lang nila ito, habang pangalawang beses ko naman. Bakas sa mukha nila ang kaba, kaya natatawa ako habang papalapit sa kanila.

Ibang-iba na ang way nang pag-a-apply bilang isang flight attendant ngayn, kaysa noong panahon nila Mommy.

"Balita ko, masungit mga nasa loob, strict daw lahat ng nasa loob."

"Isadori Lori Guanzon!" malakas na sigaw nilang dalawa. Bakas sa boses nila ang kaba.

Sinabihan na sila ni Mommy, na huwag ipakitang kinakabahan lalo mamaya, dapat naka smile lang palagi, kung may makasalubong man kami na kung sino ay dapat nakangiti pa rin kami.

"Jusko! Aatakihin ako rito," bulong ni Des habang pinapaypayan ang kaniyang sarili.

Natawa na lang ako sa kanila, marami akong nakitang mga mukha rito na pamilyar na sa akin, mga nakasama ko na rin noon sa Interview, mga kasama ko rin bumagsak.

Ilang oras na ang lumipas, malapit na rin ang turn namin.

"Teh! Musta interview?" tanong ni Grizela sa isang applicant na lumabas.

Bigla namang namula ang babae at kinilig.

Palihim naman akong napairap, alam ko na ang isasagot nito, na may gwapong interviewer sa loob.

"Jusko dai! Ang pogi ng isang interviewer doon, halos siya na ang nagtanong sa akin, hindi ako makasagot! Siguro babalik na lang ako next time."

"Bruha!" sabay na sambit ni Desiree at Grizela.

Ilang minuto pa ang lumipas ay sabay na pumasok si Grizela at Desiree, hindi ako umabot dahil limang tao kada pasok.

Nakikipagkwentuhan ako sa ibang mga kasama namin dito sa labas. Kakaunti na lang din kaming mga natira dito, nagulat ako dahil hindi masiyadong matagal ang interview ngayon, hindi kagaya noon, na akala mo hindi na natatapos ang  tanungan.

Ilang minuto pa ang lumipas nakita ko ang balisang mukha ng aking dalawang mga kaibigan.

"Why? Bakit nakabusangot kayong dalawa?" kinakabahang tanong ko.

Iniisip ko na kaya siguro mabilis matapos ang interview dahil strict talaga ang mga nasa loob.

Nagtinginan silang dalawa bago humarap sa akin. "G-Good luck sa 'yo."

Sasagot pa sana ako nang narinig ko ang pangalan ko, kasama ang apat pang ibang babae.

Malamig na hangin ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa loob, napabuntong hininga ako bago pumasok sa loob ng isang kwarto.

"Ma'am Isadora Lori Guanzon, pasok na ho kayo." Pinagbuksan ako nito ng pinto.

Pagkapasok ko rito ay parang gusto ko na lang lumabas bigla.

Anong ginagawa niyan dito?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, bigla akong nawalan ng gana, pero hindi pwede, andito ako para sa pangarap ko.

"Please, take your seat, Ms. Guanzon."

Patay malisya na lang akong ngumiti at umupo.

"Since, tapos naman na ang introduction video mo, Here's my question." Binuklat nito ang papel na hawak nito. "Why do you want to be cabin crew?"

"I've always had a desire to help and to serve others. I enjoy traveling and flying to new places, so, I am looking forward to providing 5-star service to passengers. And, our job, entails making the customers to feel welcome, important, and secure."

Tumango-tango sila sa akin. Hindi ko alam kung naging masaya ba sila sa sagot ko.

"What do you think are the main duties of the flight attendants?"

I smiled at them. "Passengers' comfort and safety. The flight crew members'  primary responsibility, extends from the time they board on the plane, until they exit the plane."

Tumingin ako sa kaniya, nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang ipinapaikot-ikot ang kaniyang ballpen.

"Last question. For you, what characterizes a great flight attendant nowadays?"

"Staying courteous, and attentive to passengers' needs throughout the flight, and being ready to handle every situation that can occur on board, characterizes a great cabin crew member, and also, dealing with undisciplined passengers is the toughest aspect, or perhaps smiling and showing positive emotions while you experience a difficult period in your personal life."

Nagtinginan silang apat bago pumalakpak, maliban na lang kay Ethan na nakataas lang ang kilay na nakatingin sa akin.

"Good job, Ms. Guanzon."

"Are you related to Mrs. Isabel Guanzon? She's our flight attendant here."

Gusto ko na lang umalis dito sa loob ng room. Hindi ko na nga binanggit si Mommy sa aking introduction video, pero kilala pa rin talaga siya.

"Yes, she's my Mom. And,  Captain Angelo Guanzon, is my father."

"Really?!" sabay na tanong nilang tatlo.

"Yes." I answered.

"Kaya pala magaling kang bata, kasi manang-mana ka sa mga magulang mo."

"Thank you, and nice meeting you. Good morning."

Palihim akong napasulyap kay Ethan, nakangiti na ito ngayon, habang nakatitig lang sa papers na iniabot ko kanina.

"We will call you, para malaman mo kung pasado ka or hindi. Thank you and great job, Ms. Guanzon."

Binigyan nila ako ng isang magandang ngiti bago ako lumabas ng room.

Palabas na sana ako ng office ay hinarang ako ni Ethan.

"C-Congrats, Lori. Ikaw pa rin si Lori na palaban na nakilala ko. I'm so proud of you, always."

Humarap ako sa kaniya at blanko ang mukhang tumingin. "Thank you, Sir Ethan. Nice meeting you."

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, ang araw na kung saan ako sinira ni Ethan, kung kailan niya sinira ang tiwala ko. Never.

--
Ey. :>

Love is in the Air Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt