Chapter 75 This is MY REALITY

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pinag uusapan na tayo ng lahat.." inilapit ni Vice ang mukha kay Karylle, Karylle smell his breath.

"Karylle kahit buong araw nila tayong pag usapan, hindi naman yun makaka apekto sa relasyon.."

"Oo, hindi nga sa relasyon natin.. pero sa reputasyon mo.. okay lang ako eh.. pero Vice.. ikaw CEO ka ng Viceral Empire.. Your one of the richest business man in the world"

"Wala namang kwenta ang yaman ko kung wala kayo ng anak ko. Kaya kahit ano pang sabihin nila mas gugustuhin ko ang simpleng buhay kasama kayo ni Peter"

"Oh Vice.."

"At hayaan mo na lang akong kausapin si Angel."

"Basta promise me na dito ka mag di dinner.." napangiti si Vice sa narinig.

"Oo naman.."

.

.

.

.

.

.

.

.

.
*--*--*---*---***---*

Nakita ni Vice ang nag aantay na si Angel sa sinabi nyang resturant. Pagkaupo nya kaagad itong napatingin sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Hi" bati ni Vice na may nilabas na folder.

"Hi" tugon ni Angel. 

"Umorder ka na ba?" Tanong ni Vice.

"Oo.."

"Good" tugon ni Vice. Bumaling si Angel sa labas pagkatapos ay nag salita.

"Vice.. kamusta kayo.. it's been a week simula nung.. umalis ka"

"Were fine.." tugon ni Vice.

"Bakit?" Pinag masdan ni Vice ang emosyon ni Angel. Nasasaktan ito.

"Angel.. hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng ito.. I'm sorry.. yan lang ang kaya kung sabihin sayo kasi.. hindi ko naman akalain na mag kikita muli kami ni Karylle at my bonus pa----"

"Daddy!!!!" Lahat ata ng tao sa resturant na yun ay napalingon sa batang sumigaw ng Daddy. Palapit ang bata sa table nila.

"Anak.. sinong kasama mo?" Yumakap kaagad si Peter sa ama.

"Si Tito Luis po.. " umupo ito sa lap nya. "Hi . Tita Angel kilala nyo po pala ang Daddy ko" nakangiting sabi ni Peter. Napalingon si Vice kay Angel na halatang gulat na gulat.

"Am.. Angel my son Peter Jose Viceral.. anak.. si Tita Angel... am.." bahagyang nag alangan si Vice sa sasabihin.

"Your Dad's friend" usal ni Angel.

"Daddy na met ko po sya sa may beach nung isang araw.." sabi ni Peter. Nakita nila si Luis na hingal na hingal dahil siguro sa paghabol kay Peter. Si Luis ang pediatrician ni Peter at madalas ring kasama nito.

"Ikaw na bata ka.. pinahirapan mo ako.. Nako pare pasensya kana halfday daw kasi sila at tinawag lang sya ni Karylle sa akin na kung pwede ko raw sunduin.. nag aya syang kumain kaya dito ko sya dinala" naupo ito sa isa sa mga silya dun. At natawa ng bahagya si Vice sa sinabi nito.

"Pasensya kana.. pare.. sige order ulit kayo" sabi ni Vice.

"Mukhang may naistorbo ata kami ni Peter sa paguusap nyo" sabi ni Luis.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon