*A WHOLE NEW WORLD*

Start from the beginning
                                    

"Well its a tie!" kibit balikat na tugon ni Rielle habang nauunang pumasok sa isang fastfood chain. Pinagbukas pa ako ng pinto.

"Thanks!" saka ako pumasok at naupo malapit sa may pinto. Hindi ko mapigilang magsight-seeing, ang mga alien sa paligid, they were simply gorgeous!

"Oh, order na." sabay abot ni Rielle sa akin ng menu.

Tumingin ako sa gilid, pati yung crew nila gwapo at matipuno. Nang tumingin naman ako sa waiter na nasa harap namin .. Chinito naman at mukhang Kpop pa ang dating. Siguro pagnandito si Abby at Micah lalabas mga dila nun kakatili. The waiter winks at me, napansin niya sigurong nakatitig na ako sa kanya. Kaya nagbawi na ako ng tingin at itinuon sa menu ang atensyon.

"Steak and rice." tugon ko habang sinusulat naman yun ng chinitong waiter.

"Drinks maam?" tanong nito. Gosh! Yung boses pang disc jockey. "Ah.. Icedtea will do." "Ok, orders will be served in a few minutes. Thank you sir, maam." pagkatapos sabihin iyon ng waiter binalingan ulit ako ng tingin at nagwink. Juicemeeyoow! Hindi ako nandito para kumerengkeng kundi para mag-aral, pero gusto kong kumembot, nameyn!

"Hoy Seantal! Namumula ka na." ngising kalabaw si Rielle habang nakatingin sa akin. Kanina pa ba toh naka-observe sa akin?

"Hindi kaya!" depensa ko at inayos ang eyeglasses. "Asus! Buti nalang wala si Tovy dito kundi --.." hindi ko na siya pinatapos sa gusto pa niyang sabihin. Agad kong ipinasok sa bibig niya ang kararating lang na order niyang burger.

"Kumain ka na gutom lang yan. Daldal mo!" saad ko habang pinipilit hindi matawa sa mukha ngayon ni Rielle.

Sinimulan ko naring kainin ang inorder. Masarap ang kain ko ngayon kaya pati ang mashed potato na inorder ni Rielle ay inagaw ko na.Nagutom siguro ako dahil naninibago ako sa paligid ko. Hehe .. Anong konek? Basta, yun yung conclusion ko.

"Hinay-hinay sa pagkain Seantal, baka madisfigure ang sexy mong katawan." biro ni Rielle. Inirapan ko lang siya, masaya ako dahil nagiging komportable na ulit kami sa isa't-isa. Sana magtuloy-tuloy na.

"Naku! Hindi naman ako naparito para magpaseksi eh. I'm here to study." simpleng tugon ko habang ngumunguya. Natawa lang si Rielle sa sinabi ko.

"Asus, ang sabihin mo wala kasing dapat pagpaseksihan dahil wala si --.."

"Rielle! .. Just drop it." sinaway ko na tuloy. Ayoko siyang topic, ni marinig ang pangalan. Kumikirot lang puso ko.

"S-sorry.." mahinang tugon ni Rielle.

"Okay lang."

Simula nun ay naging tahimik na kami habang pinagpapatuloy ang pagkain. Masarap na sana ang kain ko eh pero nawala rin. Hindi na ako gininahang kumain. Si Rielle naman ay pilit inuubos ang order niya. Siya na din yung nagbayad nung order. Libre nya daw, sa susunod ako naman daw ang manlibre.

Pagkatapos nun ay umuwi na kami at nagprepare na para sa first orientation sa school. Bigla naman akong kinabahan, baka kasi matulad na naman nung dati na mabubully ako lalo't bagohan lang ako sa lugar na ito.

"Ready?!" excited na tanong ni Rielle sa akin.

Nakaayos narin siya at ang bango pa! No wonder kung first day palang ay may magkaka-interes na sa isang toh.

"Yup!" sagot ko at agad ipinakita ang aking killer smile.

"Let's go." yaya ni Rielle nang makarating sa pinto at binuksan iyon. Tumango naman ako at nauna ng lumabas.

"Nervous?" tanong na naman nito ng nasa may parking lot na kami. Hindi makatingin si Rielle sa'kin dahil inaayos niya ang pwesto ng motor niya. Yaman talaga nito ang bilis makabili ng bagong sasakyan. Yun yung gagamitin naming transportation.

"Oo.. Medyo." sabi ko habang minamasdan siyang minamaniobra ang motor. Dun lang siya ulit tumingin sa'kin.

"Don't worry I know you can handle aliens." then smirked at me.

"I hope so, tara na nga!" pagkasabi ko nun ay agad na akong umangkas.

While we're on our way to school I accidentally saw someone familiar near the gate of our school. It couldn't be him! Nakayuko siya habang nakapamulsa. Ang bilis kasi ng pagpapatakbo ni Rielle sa motor kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha niya. Pero ano naman ang gagawin niya dito? Imposible!

Hindi ko na tuloy namalayan na huminto na pala kami sa tapat ng malaking universidad. Kung hindi pa ako tinawag ni Rielle ay hindi ko mamamalayan ang pamusong lugar na nasa harap ko ngayon dahil sa mga pinag-iisip ko. Parang palasyo sa laki ang paaralan. Nagkikita at nagkakakilala pa ba ang mga studyante dito? Really, a whole new world!

"This is Texas University one of the most prestigious school here in States." nakatingalang saad ni Rielle sa'kin. Nakatanaw rin kasi siya sa taas ng building na nasa harap namin.

"Well, welcome to us!" bulalas ko nalang.

Dumiretso na kami sa orientation hall, hindi naman mahirap hanapin dahil may mga freshmens rin kaming nakasabay kaya sumama na kami.As how they look, parang american at african ang mga freshmen na ito. Mag-jowa pa atah, ang african eh yung babae at american naman yung lalaki. Ang higpit ng kapit ji girl kay jowa. Ang friendly pa nila.

"By the way I'm Heinz and this is Tiana my girlfriend." pakilala ng boy.

"Nice to meet you Heinz and Tiana, I'm Rielle and this is Seantal." pakilala naman ni Rielle. Naku, simula na ng nosebleed attack.

"So, is she your girlfriend?" biglang tanong ni Tiana. Ang sweet naman ng tone ng boses niya. Napatingin naman agad kami ni Rielle sa isa't-isa. Ako yung unang nagbawi ng tingin.

"No, we're just close friends." sagot ko. Tumango naman ang magnobyo. Mabuti naman at hindi na nagtanong.

Nagsimula narin ang orientation. Ang daming tao at halo-halo pa ang kulay pero mas dominant yung mga puti. Nanliliit pa ako sa hitsura ko, kasi naman ang gaganda at tatangkad ng mga kasama ko. Pero di bale na nga lang! I should be contented with what the creator had given.

Nagkalayo na kami ni Rielle since hindi naman kami magkapareho ng course. Pero ang hindi ko ine-expect eh ang maging kaklase ko si Heinz. Napakadaldal nito at sobrang friendly lahat na atah ng nasa grupo namin ay nakilala na niya. Ang kulit pero natutuwa rin ako sa kanya nababawasan kasi kaba ko dahil sa pagiging makulit niya.

"Hey Seantal! Meet our classmates, dude this is Seantal.. Isn't she beautiful?" agad ay hila nito sa akin sa mga classmates naming lalaki. Namula tuloy ako sa ginagawa ni Heinz.

"Yeah, beautiful! You really have a good taste dude." sabi nung lalaking may tattoo sa braso na umakbay pa kay Heinz. Pero mas nagulat ako sa naging reaksyon ni Heinz. Kinikilig ba siya? Saan? Sa sinabi nung guy in tattoo o sa ginawang pag-akbay nito?

I am confused ...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY HANKY MANWhere stories live. Discover now