"Order! Table 3!" Ani ko.




Agad naman lumapit sakin si Coleen, inagaw niya sakin yung tray, at biglang umirap.




"Huh? Bat galit nanaman yun?" Tanong ko kay bruno.






"Ewan ko?" Ngising sagot nito.






Agad na dinala ni Coleen yung order sa table 3. Sinundan ko lang siya nang tingin nagtataka pa rin ako kung ba't ang sungit nanaman niya.







Narinig kong sumipol yung grupo ng lalake sa table 4 habang nakatingin kay Coleen, hindi ako nagkakamaling nambabastos sila.

"Order! Table 4!" Ani ko.






Agad na lumapit si Coleen.
"Akin na." Utos nito.






"Wag na, si bruno na lang maghahatid." Sabi ko.






"Akin na, trabaho ko to." Pagpupumilit niya at inagaw na sakin yung tray.




"Babastosin ka ng mga lalaking yon, Coleen!" Bulong ko pero inirapan lang niya ako.






COLEEN's POV.

Tss! Babastusin? Edi ipagtangol mo 'ko.

Agad akong dumeretso sa table 4 at walang ganang nilapag sa mesa nila yung order nilang ice cream at frappe.





Ramdam ko ang lagkit ng titig ng apat na lalaki na 'to habang isa isa kong nilalapag yung order nila.






Biglang hinawakan ng isa yung kamay ko habang nakangisi, agad ko naman itong inalis. Mabilis kong inangat ang kanang kamay ko para matampal ko ito, oo nanggigil ako.




Biglang may pumigil sa kamay ko, mabilis ko itong nilingon, Si Gabb.

"Anong ginagawa mo?" Iritang tanong ko, pero hindi niya ako sinagot. Binaling niya lang ang tingin sa lalaki.





"Sir, you can't touch a women without their consent."  Kalmadong sambit nito.





Parang bigla ako nakaramdam ng dismaya, iniisip ko sasapakin niya yung lalaking 'to.




GABB's POV.

I have to hold myself accountable.




Kahit gigil na gigil na ko sa lalaking 'to kaylangan kong pigilan ang sarili ko.

"Coleen, come here." Ani ko  kay Coleen, at hinila ito sa braso.







Agad kaming nagpunta sa locker room. Huminga ako ng malalim bago siya tignan.

"Bakit hindi mo sila binugbog?" Biglang tanong nito.






Tinignan ko ang reaksiyon niya, naka iwas ang tingin at namumugto na ang mga mata, nagtatampo.









Marahan kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinarap sa akin.

"Violence is not the answer, kaylangan natin habaan ang pasensya natin sa mga ganong tao." Sagot ko pero umirap lang siya.







Dahan dahan siyang tumango pero nakasimangot parin siya. Bumalik na ako sa counter. Nagpatuloy na kami sa trabaho na parang walang nangyari.






Binalik ko ang tingin kay Coleen, tinawag nanaman siya ng grupo ng lalake at nagpakuha ng extra ketchup.

Kumunot na ang noo ko sa kadahilanang Ice cream at coffee frappe lang inorder nila, para saan yung ketchup?





"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now