"Hala! Hindi naman ako uminom, ah?!" Sabay tingin niya sa mga itinumba naming bote ng red Horse. 


Pareho kaming nagkukusot ng ilong nang mula sa entrance ng Kiss Bar ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Katulad ni Arkanghel ay nakasuot din siya ng button-down down longsleeve polo. May specs din at kagalang-galang ang itsura.


The man was Achitect Jordan Moises Herrera. Magkasing-tangkad sila ni Arkanghel at magkasing-seryoso ng mukha.


"Uy, hala!" Napatakip ng bibig si Carlyn nang makita ang palapit na lalaki.


Huminto sa table namin ang lalaki at hinawakan sa braso ang kaibigan ko. "Let's go home."


Napatayo ako dahil napatayo si Carlyn. "Carlyn, 'wag mo akong iiwan dito! Wala akong pambayad sa inorder natin!"


"O mayaman ka na, di ba?!" Pinanlakihan ako ni Carlyn ng mata. "Saka treat mo ito!"


Napikon na pinanlakihan ko rin siya ng mata. "Wala naman akong sinabing treat ko 'to, ah! Tinakot mo lang ako na magpapadala ka ng panty kina Arkanghel kaya ako pumunta rito!"


Nang mapasulyap ako kay Arkanghel ay nahuli ko ang pag-alon ng Adam's apple niya.


"Panty?!" shocked na bulalas ni Carlyn. "I don't remember saying that! At bakit naman ako magpapadala ng panty?! Wala na nga akong matinong panty dahil laging sinisira nito!" Galit na dinuro niya ang katabing si Jordan.


Adam's apple naman ni Jordan ang umalon this time.


Pinagtitinginan na kami ng ibang customers sa restobar. Kahit ang owner na sina Zandra at Miko ay nagtatakang nakatingin sa aming apat. Iniisip siguro nila kung ano bang kaguluhan ang nangyayari rito. Wala naman e. Nagkakasiyahan lang naman kami rito ng best friend ko. Minsan na nga lang kami maghappy-happy, uusyoso pa sila. 


Si Isaiah naman ay wala na sa bar. Ewan kung saan nagpunta. May tumawag dito kanina, 'tapos bigla na lang itong nataranta at hindi na tinapos sa stage ang kinakanta. Tumalon ito pababa at boom! Naglaho.


Hinawakan ako ni Arkanghel sa kamay at marahang hinila palabas ng restobar. Hindi ko alam kung paano niya ako nahila, basta pagdilat ko ay nasa labas na kami. Ang galing.


Kasunod namin si Carlyn na ngiting-ngiti habang hila-hila rin siya ni Jordan.


Ngumiti rin ako. Masarap ang pakiramdam ko ngayon. Mas masarap kaysa noong nag-inuman kami ni Hugo sa Tagaytay. Iba talaga ang feeling kapag girl best friend mo ang kasama mo, nagkakaintindihan kasi kayo. Saka mas safe at mas malaya mong nai-express ang sarili mo.


Nang nasa na namin sila ay pinagpag ni Carlyn ang pagkakahawak ni Jordan sa kanya. Ginaya ko naman siya. Pinagpag ko rin ang pagkakahawak ni Arkanghel sa akin.


Nilapitan ako ni Carlyn at binulungan sa malakas na boses. "Kilala mo sila?"


South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora