BS 1: Chapter 1: Meet Ezekiel

1.2K 54 7
                                    

Ezekiel's Point of View

"Anak!"napagising ako sa lakas ng sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko, kaya agad akong tumayo sa kama ko. Nasa harap na ako ng pinto at binuksan ko ito tumambad sakin ang mukha ni Mama na galit na galit may hawak pa itong sandok.

"Ma! Ang ingay niyo po ki-aga aga eh"sabi ko kay Mama habang kumakamot pa sa batok, napa-aray na lang ako ng hampasin ako ni Mama ng hawak niyang sandok sa ulo.

"Aray mama naman eh ansakit kaya"hinilot kung saan banda masakit dahil sa hampas ng sandok niya sakin.

"Hoy Ezy! Anong maaga pa! Mag-aalas dose na ng tanghali tulog ka parin ah! Dapat talaga hindi ka na lang talaga binilhan ng papa mo ng laptop eh lagi kang puyat! Puro na lang panood ng Attack on Titan at My Hero Academia! Ezy hindi ka na bata para manood ng mga ganyan ganyan"mahabang sabi ni Mama, ewan ko talaga kay mama eh lagi akong pinapagalitan eh si Inday naman laging puyat hindi pinapagalitan palibhasa kase peyboreyt niya yun eh, pero si papa ako ang peyboreyt.

"Mama hindi lang naman bata ang nanonood nun noh, at tsaka rin kase Ma maganda kase, palibhasa ikaw kase Ma puro Cardo ang pinapanood mo"sagot ko kay mama kaya nakatikim uli ako ng hampas ng sandok sa ulo.

"Bumaba ka na dun para kumain at para hindi ka na din makatanggap ng hampas bilisan mo nandun na ang papa mo at si Inday"sabi ni Mama at nauna na itong bumaba ako naman niligpit ko muna ang unan at ang kumot. Kanina pa ako daldal ng daldal hindi pa ako ng papakilala. Ako nga pala si Ezekiel Vaughn Arcel, Ezy ang tawag sakin labing siyam na taong gulang na ako, tapos na rin ako sa pag-aaral two years course lang ang kinuha ko. Baka nga luluwas ako ng probinsya namin para makapag hanap ng trabaho sa Manila. Hindi naman kami gaano kahirap hindi rin kami gaano kayaman may kaya lang kami kaya nabibili din namin ang mga gusto namin. Tama na ang daldalan baka pagalitan pa ako pag hindi pa ako bumaba.

"Oh akala ko hindi ka na baba eh"bungad sakin ni Inday Garutay nabubwesit ako sa babaeng yan eh sarap sabunutan napipigil lang ako baka pagalitan ako ni Mama.

"Ezy sabi ng mama mo puyat ka na naman ah, baka nagbo-boyfriend ka na ah naku ayaw ko pa magka-apo bata pa ako"natawa kami sa sinabi ni papa yes opo tama kayo isa po akong beki pero hindi yung ladlad talaga nakasuot panlalaki pa rin ako hindi kase ako komportable pag pambabae ang sinusuot ko.

"Pa naman! Wala po akong boyfriend imposible po yun wala pong papatol sakin kahit kaya kung magdalang tao, at tsaka kaya po ako napuyat kase sa pinapanood kung Anime"sabi ko isa pang opo at yes kaya ko pong magdalang tao nasa lahi nila papa ang magdalang tao ang lalake. Kwento ko lang yung habang pinagbubuntis pa lang ako, sabi daw ni mama nung nagpakonsulta siya sa doctor at nagpa ultrasound daw si Mama at ang sabi ng doctor babae daw ang anak nila kase daw may parte nga daw ng babae pero nagulat na lang daw sila nung nalabas ako nagulat sila bakit lalake daw ang lumabas pati daw ang doctor nagulat nag try sila ng ilang test at dun napag alaman na maari akong mabuntis at sinabi din daw ni papa sa doctor nasa lahi daw nila yun, ayun lang sorry masyadong napahaba ang kwento ko. Hindi na sila nag tanong pa nagsimula na kaming kumain

Pagkatapos naming kumain si Inday Garutay ang naghugas kaya kami nila papa ay nasa sala nanood ng tv walang pasok ngayun sila papa kase may sakit daw ang boss nila.

"Papa, Mama baka po lumuwas ako ng probinsya natin, sa may Manila po ako maghahanap ng trabaho"sabi kaya napatingin naman si Mama at Papa.

"Bakit sa Manila pa pwede naman dito ah, sa bayan maraming matatrabahuan doon"sabi naman ni Mama, kahit kailan talaga panira ito si Mama hindi na lang sumuport sakin.

"E kung dun ka sa Manila magtatrabaho pano na ang mama mo at si Inday dito alam mong dun din ako nagtatrabaho eh"saad naman ni papa napasimangot naman ako, sayang kase ang two years course ko no kung sa bayan lang ako magtatrabaho.

"Eh papa matanda na yan si Inday, gusto ko po kase dun eh para makatulong narin sayo"sabi ko pero nakasimangot pa rin, alam ko kase ang kahinaan ni papa pag nakasimangot ako papayag yan.

"Oh sige ikaw na lang ang magtrabaho sa Manila sasabihin ko kay Boss ikaw na lang palit sakin, secretary ako dun kaya pagbutihin mo at wag na wag kang mahuhulog kay boss kase pagkakaalam ko nasa 23 years old palang si boss matinik sa babae yun pati nga mga empleyado dun may gusto kay Boss pero hindi niya pinapansin sabay pagdating tropa tropa kami, basta pagbutihin mo lang para tumagal ka ah"mahabang sabi ni papa, 23 years old palang boss ni papa sabay may sakit na.

"Naku papa si Kuya pa syempre gagamitin niya yung charm niya para mabighani ang magiging boss niya, Kilala kita kuya wag ako!"bigla namang sabat ni Inday Garutay nabubwesit talaga ako sa babaeng to pag hindi ako nakapag pigil kakaladkarin ko yan hahaha joke lang.

"Hoy ikaw-ng bata ka tumigil tigil ka nga jan parang ikaw pa ang nakakatanda sa kuya ko ah para pagsalitaan mo siya nang ganya ah"bulyaw ni Mama kay Inday kaya dinilaan ko siya oh.

"Papa oh si Kuya"sumbong ni Inday kay pala pero tinawanan lang siya ni Papa.

Actually hindi naman talaga Inday ang pangalan niya. Scarleigh Tanya Arcel ang totoong pangalan niya, kaya naging Inday ang nickname niya dahil sa Lola ko, Hanggang nakasanayan na lang na Inday ang itawag namin sa kanya.

"Nagtext sakin si Boss Ezy baka daw sa lunes pwede ka nang pumasok sa kanya pero tatawagan ka daw niya kaya binigay ko na ang number mo, hintayin mo lang"sabi ni papa kaya tumango na lang ako.

Umakyat na ako sa taas hindi na ako manonood ng TV bigla kase silang nanood ng horror movie kaya umakyat na lang naboboring kase ako manood ng mga horror movie at drama, hindi ko rin type ang mga kpop kpop na yan. Nakarating na ako sa kwarto ko agad kung kinuha ang laptop ko at inopen ito, pagkaopen nagfacebook muna ako pero biglang mag nag friend request sakin tinignan ko ito, gwapo siya mga beh, inistalk ko ito grabe ang gwapo niya sa mga post, peymus siya o baka poser lang ito. Napatigil ako sa pang iistalk ng may tumawag sa cellphone ko tininignan ko ito unknown number siya, baka siguro ito yung boss ni papa kaya sinagot ko ito.

"Hello ito ba yung anak ni Everson Arcel"mga beh ang lalim ng boses hawt na hawt grabe naku Ezy masyadong kang malandi.

"Ah hi po, ako nga po ang Anak ni Everson Arcel"sabi ko hindi magkanda-ayos ayos ang pagsasalita ko kase sa kalandian ko.

Pierce's Point of View

"Hello ito ba yung anak ni Everson Arcel"paninimula ko dito matagal tagal pa ito bago sumagot sakin.

"Ah hi po, ako nga po ang anak ni Everson Arcel"sagot naman niya damn hes voice like an angel.

"So you are my new secretary on monday papasok ka na"sabi ko dito, im excited to see him, lagi siyang kinukuwento sakin ni Tito Ever, tito ang tawag ko sa kanya because we're super close as in. Pinapakita niya sakin yung picture ng anak niya na si Ezy kala ko nga babae eh yun pala lalake.

"Ah sige po baba ko na po may gagawin pa po ako"sabi niya at pinatay niya na ang tawag, bakit ganon para talagang angel ang boses niya. Ako yung nag friend request sa kanya kanina inistalk ko siya pa ulit uli kase ang ganda niya sa mga picture niya, Ezekiel Vaughn Arcel hindi ako papayag na mapunta ka iba dapat akin ka lang, gagawa ako ng paraan para hindi ka umalis sa tabi i won't share what is mine.

****

Ito muna ang uunahin ko at Comethru support niyo po ito!

Win of MCND as Ezekiel Vaughn Arcel

bassyyyyie

BS 1: Babysitting The Billionaire | BXBOnde histórias criam vida. Descubra agora