Tumango ako at sinulyapan si Rafaela na ngayon ay tahimik nang nakikinig sa aming guro.

Humarap na ulit sa may pisara si Nipol at nakipagdaldalan kina Timmy at Tammy. Ako naman ay nag-drawing lang ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko.

"Okay, class. See you tomorrow," pamamaalam ni Ms. Fernandez.

Bigla ang pag-angat ng paningin ko.

"OMG!" I squealed. "Tara, Rafaela! Samahan mo ako sa gym," yaya ko sa katabi ko. Hinigit ko si Rafaela palabas ng classroom. Kumaway sina Tamtam dahil mauuna na silang tatlo patungo sa cafeteria para bumili ng candies. Bahagya ko na lang silang kinawayan pabalik dahil abala ako sa pamimilit kay Rafaela.

Rafaela looked at me like I just lost my mind.

"Kailangan mong makasali sa team nina Nikos. Dali na," I pleaded.

"Are you crazy? Gusto mo ba'ng mahuli na naman tayo?!" Naiinis na sabi nito.

Hinigit ko si Rafaela palayo sa classroom dahil maingay ang buong klase habang naghihintay kay Ms. Maligalig, ang Literature teacher namin.

"Bilisan na natin kasi baka dumating na si Ms. Maligalig," udyok ko.

"Ayoko na, Anton."

"Please?" Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya habang hinihigit siya pababa sa hagdan. Dali-dali ako at palingon-lingon sa paligid habang naglakakad. Mahirap na, baka makasalubong namin si Ms. Maligalig.

Nasa open field na kami nang biglang huminto si Rafaela sa paglalakad at hinigit ang kamay niyang hawak ko. "Aray ko, Anton! Ayoko nga! Baka mamaya niyan, hindi lang CR ang linisin natin kundi buong school na."

Hinampas ko ito ng malakas sa balikat. "I hate you! I thought we're best friends. I thought you're there to support me all the way," nakasimangot kong sabi.

Rafaela crossed his arms. Tumaas ang dalawang kilay nito at pinanlakihan ako ng mga mata. I've always loved Rafaela's eyes. Hindi ito singkit, hindi rin naman malaki. Tama lang na binagayan ng medyo malago niyang kilay. Hindi gaya ko na medyo pango, si Rafaela ay matangos ang ilong na nakuha niya sa Papa niya. Hindi rin manipis, pero hindi rin naman makapal ang mga labi niya. Pinagdidiinan pa niya na mas makapal pa raw ang labi ko keysa sa kanya, which is true. Maputi naman ako, pero mas maputi siya sa akin. Kaya nga pinagmamalaki niya masyado ang kanyang mukha dahil mas maganda pa raw siya sa akin. Gustuhin ko man siyang kontrahin ay alam kong totoo naman ang sinasabi niya. Hindi gaya ko na kulot ang dulo ng buhok at nagmumukhang bruha pag nalipad ng hangin, Rafaela has dark and straight short hair, though the back part of his hair is a little longer. He knows he's good-looking. That's why he never fails to reiterate that fact to me every effin' day.

Humugot ng malalim na hininga si Rafaela. "Alam mo, Anton, unahin mo muna ang aral bago ang landi. Okay?"

"Pag nagka-crush malandi na agad? Hindi ba pwedeng tao lang na may nararamdaman din? O teenager lang na nagsisimulang madiskubre ang pag-ibig?"

"Wala naman problema na magka-crush ka. Ang problema, e, 'yong pabago-bagong crush mo kada isang Linggo. Hindi iyan normal." Umiling-iling pa ito.

"E 'yang pagpapa-cute mo at pagyayabang araw-araw, normal?" I crossed my arms. Nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Basta walang forever," nakasimangot na sabi ni Rafaela.

"Sinabi ko bang meron?"

"Sa inaasta mo, mukhang umaasa kang meron."

"Sa inaasta mo, mukhang ang bitter mo."

Napailing-iling si Rafaela. "You're hopeless."

"And you're heartless." Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito. "Matitiis mo ba'ng makita na malungkot ang best friend mo? Sa palagay mo, makatwiran ba iyang ginagawa mo?"

The Jerk Next DoorWhere stories live. Discover now