Sabi ko kay Ma'am Nestlee, nagulat nalang ako ng bigla nya akong niyakap.

"Sana naging kasing tapang mo rin ako noon" bulong nya.

Saka ko naramdaman na umaalog ang balikat nya. Umiiyak nya, umiiyak si Ma'am. Hinagod ko ang likod nya.

"Sana katulad ng lakas ng loob mo ang meron ako. Kaya malaki ang pag hanga ko sayo, dahil sa batang edad mo ipinag patuloy mo parin ang buhay mo kahit na may anak kana sa batang edad. Sinasabi ko na against ako sa abbortion pero alam mo nang iyon mismo ang ginawa ko noon? Galit ako sa ama ng dapat any magiging anak ko dahil nakita ko sila mismo ng babae nya sa condo nya, masyado akong masaktan kay pati ang dapat na magiging anak ko ay nadamay. Pero alam ko darating ang panahon mapapatawad ako ng dyos sa kasalanan ko." Sabi ni ma'am at habang mag sasalita sya ay nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Bata pa si Ma'am Nestlee, Tingi ko ay nasa 25 palang sya.

"Alam ko ma'am noong nakaramdam ka ng pag sisisi sa nagawa mo, napatawad kana nya." Sabi ko

Nag paalam na ako sakanya noong nakita kong nag lalabasan na ang mga estudyante sa kanila kanilang room.

Nag madali akong lumakad para maabutan sya sa room nila.

"Castle!" Sigaw ko noong paglabas nya ng room nila.

"Hi" sabi ko pagka lapit ko sakanya.

"Una na kami Cast" sabi ng mga kaibigan nya at tinapik sya sa balikat. Lumingon pa sila sakin at tinanguan ako, nginitian ko naman sila.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko sakanya, tinigna nya lang ako saka pumasok sa classroom nila. Sumunod ako sakanya

Umupo sya sa isang upuan at umupo rin ako sa katabi nyang upuan.

Pareho kaming tahimik, nag papakiramdaman.

"Castle, gusto ko lang mag sorry sayo." Panimula ko.

"Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sayo, natatakot lang kaso ako na...."

"Na ipag kalat ko?" Putol nya sa sinasabi ko. Napayuko ako ay tumango, ano pa ang saysay kung mag sisinungaling ako at sasabihin kong hindi? Iyon nama talaga ang totoo, natatakot ako na madulas ang bibig nya at masabi sa iba.

"Ganon kaba ka walang tiwala sakin?" Malamig na sabi nya.

"Hindi naman sa ganoon, kakakilala palang natin at natatakot ako na iwasan mo ako pag nalaman mo na may anak ako. Kasi ngayon lang ulit ako nag papasok ng isang tao sa buhay ko, simula noong nagkaanak ako. Lahat halos ng kaibigan ko iniwasan ko, dahil alam ko lahat sila iiwan ako pag nalaman nila ang sikreto ko. Sa mata ng ibang tao masama ako kasi nagkaanak ako sa batang edad. Sa lahat ng pag subok na hinarap ko simula noong nagkaanak ako wala akong ibang masandalan kung hindi ang pamilya ko. Kasi sila lang ang mero ako. Kaya sorry kasi hindi ko sinabi ang totoo, sana dumating ang araw na mag kaayos tayo, kasi sa 16 years na existence ko sa mundo ikaw lang ang masasabi kong naging kaibigan ko, ikaw lang ang nakapag patawa sakin ng wagas dahil sa mga kalokohan mo." sabi ko saka tumayo at lumbas ng room nila.

Yun lang naman talaga ang pinunta ko dito, ang mag sorry kay Castle dahil feeling ko may kasalanan ako sakanya. Dahil lahat ng paraan na alam nya ginagawa nya para lang mapatawa ako pag nakikita nyang ang lalim mg iniisip ko. Aaminin ko na isa sya sa mamimiss ko.

Nagugulat ang mga ka schoolmates ko na nakakakita sa akin habang nag lalakad ako. Nag tataka siguro kung bakit nandito ako gayong na kickout na ako sa school na ito, dahil sa pag kakaroon ko ng anak.

Alam kong may gusto pa akong makita bago umalis. Pero natatakot ako na makita sya dahil baka mag bago ang isip ko at tanggapin ang gusto nya.

Ilang lingo na syang hindi nagpapakita. Hindi na sya pumupunta sa bahay para nakita si Artemis. Halos araw araw hinihintay ko sya, pero araw araw rin akong nabibigo.

Ang huling pag uusap namin ay noong nasa duyan sila ni Artemis. Simula noon ay hindi na ulit sya bumalik, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil mas madali ang pag alis namin o mag sisisi sa mga sinabi ko sakanya.

***

"Kallen" napatingin ako kay Papa. Tumango ako saka tumayo.

Lumingon ulit ako sa likod. Umaasa na may tatawag sakin.

"Aral kang mabuti doon ah" sabi ni kuya Mj saka ako niyakap ng mahigpit.

"Mamimiss kita kuya" sabi ko

"Mag facetime tayo araw-araw" sabi nya saka ako hinalikan sa noo. Napapikit ako ng mariin, pinipigila ang pag iyak. May parte sakin na nag hahangad na mag papakita si Pierre at pipigilan ako. Pero alam kong malabo.

"Miguel, alagaan mo si Kallen doon ah" sabi ni Kuya Mj kay kuya Miguel. Tinanguan lang sya ni Kuya Miguel.

Niyakap din ni Kuya si Mama at Papa. At hinalikan sa pisngi si Artemis.

"Let's go" sabi ni Papa.

"Ingat kayo sa Londo ah" pahabol ni Kuya Mj

Huminga ako ng malalim saka sumabay sa pag lalakad nila.

Lumingon ulit ako at nakita ko si kuya na kumakaway.

Magsisimula ulit ako sa lugar na walang nakakakilala sakin, sa lugar kung saan magiging malaya kami ni Artemis.

Walang mga matang nakamasid at walang masasamang salita na lalabas sa mga bibig nila.

Papatunayan ko na maaabot ko parin ang mga pangarap ko kahit na sa edad na dasi sais ay may anak na ako.



THE END





***

Ang hirap makakuha ng 50 votes grabe..

Try nyo 'Bawal na Pag-ibig'

Mom at 16Where stories live. Discover now