Ligaw Part 3

324 11 1
                                    

"BOO gumalaw sya, buti nakatago ako, hanggang ngayong sinusulat ko to ay nagtatago parin ako, kailangan kong tumahimik kundi makikita nya ako. Gusto kong sumigaw para makahingi ng tulong pero, walang maniniwala saken. Kung sino man ang nakakabasa nito tulungan mo ko. WAG MO NG BASAHIN ang susunod na pahina. BASAHIN MO NA ANG HULING pahina, daliaan mo. Alam kong di nako magtatagal, pero kelangan kong isulat sa huling pahina kung pano mo ko matutulungan." lumaktaw sya ng mga ilang guhit "Ayan na, naririning ko nanaman,  natatakot na ko sa tunog na to, ayoko na marinig to nakakakilabot. TULONG----"

Nagulat ang lalaki sa kanyang mga nabasa, di sya gaano naniniwala sa kababalaghan pero mukang napaka saklap ang mga nangyayari sa sumulat ng notebook. Bakit ayaw ng pabasa ng sumulat ang ikalawa sa huling pahinana ng notebook? ang isip isip ng lalaki. Nang bubuklatin nya na ang huling pahina, bigla nalang may sumigaw sa bintana sa kanyang likuran. "aeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!" Isang babae na nakatingin sa kanya na nakanganga at sumisigaw habang hawak hawak ang salamin ng bintana. Nakakatakot ang muka nito, nakakanganga lang at di tumitigil ang pagsigaw, sobrang ingay. Natakot ang lalaki sa nakita, ng susubukan na sanang lumabas ng bahay bigla syang napatigil at halos mahimatay sa kanyang mga nakita. Puro nakabigting tao ang nakasabit sa kisameat laylay ang mga dila na halos umabot na sa kanilang mga paanan. Wala naman kanina ang mga yon ng pumasok sya ng kanyang bahay, sa sobrang takot kumaripas ng takbo ang lalaki palabas ng bahay na dala dala ang notebook. Di sya makapaniwala sa kanyang mga nakita. Hingal na hingal sya ng lumabas ng bahay. 

Makalipas ng ilang saglit, tumigil ang sumisigaw na babae. Gusto nyang tingnan ang loob ng bahay na baka guni guni o kathang isip nya lang ang mga nakita kanina. Dahan dahan syang lumalapit sa pinto, Dahan dahan nya ring binuksan ito. Sumilip sya ng dahan dahan sa loob ng bahay. Pagsilip nya halos mapaiyak sya sa nakita. Nasa loob na ng bahay ang babae nakatayo malapit sa bintana at nakatingin sa kanya habang nakangiti at nanlalaki ang mga mata, at nandoroon parin ang mga nakabigting tao at nangigisay. Tiningnan nya ulit ang babae, lumalapit ito ng dahan dahan sa pinto patungo sa kanya, di makagalaw ang lalaki sa takot, hanggang sa gumapang ang babae ng mabilis patungo sa kanya. Nang malapit na ang babae bigla nya itong sinara. At tumakbo papalayo ng bahay. Totoo ang mga nakita nya at hindi guni guni at kathang isip lamang. Inisip nya na ang notebook ang dahilan kung bakit nya nakikita ang mga yon. Binuklat nya ang huling pahina. At nabasa ang huling sinulat ng may ari ng notebook.

"Sundan mo ang mapa nato, dito mo ako MAKIKITA at MATUTULUNGAN" at sa ibaba ng sulat ay may nakaguhit na mapa.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon