Ligaw Part 1

619 12 2
                                    

May isang babae na laging may dala dalang notebook kahit saan sya magpunta, sa school, sa bahay at kahit saan sya mamasyal. Dito nya sinusulat lahat ng nangyayari sa kanya araw-araw. Isang araw namatay ang babae, ngunit wala ang notebook sa kanya. Walang pamilya ang babae, ulila na sya.

Makalipas ang 8 taon. May nakakita ng notebook nya sa waiting shed, naka ipit sa may pagitan ng yero at kahoy na pinagsisilungan ng waiting shed. Naka plastic para di mabasa. Doon tinabi ng babae ang notebook nya bago sya namatay. Isang lalake ang nakakita nito. Binuksan nya ang plastic na laman ay ang notebook ng babae. Binasa nya ito. Sa mga unang pahina, normal lang ang mga nababasa ng lalake, pero ng mga bandang nasa kalagitnaan na sya ng notebook, bigla syang nagtaka sa mga nabasa, di nya masyado maintindihan ang mga nakasulat, mali mali ang spelling ng ibang nakasulat. Mukang minadali ang pagsusulat.

Binasa nya haggang sa huling 5 pahina ng notebook. Pagdating nya sa panlima sa huling pahina. May nabasa syang ikinatakot nya.

"Nakita nila ko, di nila ako hahayaang mabuhay, kung sino man ang nakakabasa nito. Tulong, Tulungan mo ko. Maraming tao ang mapapahamak kung di mo ko matutulungan. Parang awa mo na."

LigawWhere stories live. Discover now