Prologo

164 4 2
                                    

•••

Si Angelo o mas kilalang 'Aeyo' ay miyembro ng GayBand Group na 'StarGays', ang pinakasikat na P-Pop Idols sa bansa. Sumikat sila dahil sa kanilang mga nakakamangha at nakakaaliw na music video na umaabot ng more than hundred million ang views.

Ang 'StarGays' ay binubuo ng limang miyembro, ito ay sina Maui, Glen, JL, Yuri, at si Aeyo. Sa kanilang lima, si Maui ang Main Visual, si Glen ang Lead Vocalist, si JL ang Lead Rapper, si Yuri ang Lead Dancer, at si Aeyo ay tamang extra lang.

Ang 'StarGays' ay under ng High-Five Management, na kung saan ito rin ang may hawak ng pinakasikat ng BoyBand Group sa bansa na 'Elite 5'. Ang Elite 5 ay binubuo din ng limang miyembro at ito ay sina Spenzer, Calid, Jonas, Renzo at Kairo.

At dahil nga iisa lang ang management ng 'StarGays' at 'Elite 5', napagdesisyunan ng management na pagsamahin sa isang hotel ang dalawang grupo at pagsamahin din sa isang show.

Ang pagsasama ng dalawang grupo ay ang siyang magiging dahilan upang mabuo ang lihim na pag-iibigan at pagtingin sa isat isa ng mga miyembro nito.

Ngunit paano kung si 'Aeyo' na laging extra lang ay maging thirdwheel lang din at walang ka-partner? Makaya niya kayang magtiis gayong pakiramdam niya ay parang hangin lang siya na kailangan pero hindi napapansin.

Halika't samahan natin si 'Aeyo' sa kanyang madramang journey bilang isang 'Lonely Star'.

On-going.....

•••

The Lonely Star (BXB)Where stories live. Discover now