Nakita kong tumayo ang lalaki pero inambahan ko na ito ng sunod-sunod na suntok sa mukha bago ko tinuhod ang sikmura niya na ikinadaing nito sa sakit pero wala akong pake.. hayop siya!

Pagkabagsak ay sinipa ko ng ilang beses ang tiyan niya pati ang iniingatan niyang bugok na itlog hanggang sa umiyak ito at nagmakaawa saakin pero hindi ako nakinig hanggang sa naramdaman ko ang mga braso sa katawan ko at inilayo ako sa duguang mukha ng lalaki pero bago pa ako tuluyang mailayo ni violet ay sinipa ko pa ulit ng malakas ang kaligayahan niya na ikinasigaw nito.. damn! serves him right!!! 

pakshit! siya yung lalaki kanina!

"b-baby stop" magpupumiglas sana ako pero mahigpit ang pagkakayap sakin ni violet hanggang sa kumalma ako, sinapo ko ang mukha nito at nanlumo ako ng makita ko ang ilang bakas ng daliri nung lalaki sa may bibig niya kaya hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

Iniingatan ko 'to eh... tapos gagantohin niya lang????!!!

"oh God p-paano kung hindi kita hinanap dito sa taas, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may m-mangyaring masama s-sayo" humihikbing sambit ko sakanya bago ito niyakap ng mahigpit..

"what happened??!" kumalas kami sa isa't isa at nakita namin ang mga kamag anak ni violet at lahat sila gulat na gulat sa nasaksihan.. mabilis nilang tinulungan ang hinayupak kaya ngali-ngali ko itong sipaing muli

"ano ba ang nangyari?" nag aalalang tanong ng tita ni violet samin ng makita niya ang itsura ng pamangkin niya.. ikinuwento ko sakanila ang buong pangyayari habang yakap ko si violet na hanggang ngayon ay nanginginig parin ang katawan. Hindi sila makapaniwala sa mga narinig nila mula sakin lalo na yung fiancé ni tita at ang magulang nito.

Ilang beses humingi ng tawad ang pamilya ng gago hanggang sa nagpaalam ito samin at nakita pa namin na sinuntok pa ito ng fiancé ni tita bago ito naunang umalis... tsk! dapat lang.

~~~~~~~

"masakit ba?" umiling ito habang pinagmamasdan lang ako sa ginagawa ko, kasalukuyan kong ginagamot ang ibang mga galos ni violet... kung hindi ko pa siya pinahubad ng damit ay hindi ko makikita ito

ayon sa kanya pabalik na raw siya samin pero hindi niya inaasahan ang pagbabanta nito sakanya pagkatapos niyang tanggihan ang kagustuhan nitong may mangyari sakanila, hayop talaga kahit alam na niyang buntis yung tao.

Niyakap ko siya ng mahigpit bago ko hinalikan ang bunbonan nito ng buong pag iingat hanggang sa nakuntento akong nasa bisig ko siya.

"yung mga bata?"

"huwag kang mag alala tulog na po sila" sagot ko sakanya bago ko siya hinila pahiga sa kama

"I love you grey" buong pagmamahal niyang sambit habang nakayakap siya sa katawan ko at ganun din ako sakanya

"Mahal na mahal din kita, poprotektahan kita at ang mga bata sa abot ng aking makakaya" sa wakas sumilay na ang ngiti niya sa kanyang labi hanggang sa tuluyan na kaming nakatulog ng mapayapa.

~~~~

~1 month later~

"ma tinatawag ka po ni mommy"

"bakit raw po?" tanong ko kay blue habang karga nito si taffy, nagluluto ako ngayon ng tanghalian namin

"wala pong sinabi ma" sagot nito bago ako iniwan para laruin ang aso, hinubad ko ang apron at tinungo ang masters bedroom.

"baby?" tawag ko dito pagkapasok ko sa kwarto at nakita ko itong nakatalukbong ng kumot.. anong trip nito? tanghaling tapat

hindi ito nagsalita kaya lumapit ako dito at naupo sa tabi niya pero bigla niyang tinanggal ang kumot na ikinagulat ko bago ako nito hinigit pahiga at mabilis naupo sa tiyan ko

"ang pangit ko na grey, ang taba-taba ko na" here we go again, ganyan din siya nung magbuntis siya kay Red pabago bago ng mood kaya normal nalang ito sakin tsaka kahit mataba siya ang ganda niya parin, lalo pa nga akong naiinlove

naupo ako bago ko siya niyakap ng buong pag iingat para hindi ko maipit ang baby namin

"Oo nga ang pangi-- arayyyy! biro lang naman eh" kinurot niya ako ng pino sa tagiliran, ang sadista

"hindi mo na ako mahal nuh?! kaya sinasabi mong pangit ako, ano sawa kana dahil ang taba ko na?! o baka naman may kabet kana kaya mo nasasabi yan.. pwes! maghiwalay na tayo!!!" pinigilan ko ang pag alis nito sa kandungan ko habang natatawa kaya nakatanggap na naman ako ng sampal

"hayop ka tal--" mabilis ko itong hinalikan, ito ang ginagawa ko para patigilin siya sa pagsasalita.. hayaan niyo na kabuwanan na kasi niya kaya mas lumala ang topak, mas malala pa nga yung kahit madaling araw ay pinapahanap ako nito ng Ice cream na ang flavor ay langka... kaya magdamag akong naghanap dahil binantaan ako nitong hindi daw ako makakalapit sakanya kung wala akong nakuha.

"hmmm" ungol nito ng lumalim ang halikan namin pagkatapos ay hinawakan ko ang pang upo niya bago ko pinisil pisil nang bigla ako nitong tinulak palayo sakanya at mahigpit na kumapit sa leeg ko, bumaon din ang mga kuko niya sa balat ko hanggang sa naramdaman ko ang basa sa kandungan ko

"nilabasan ka kaagad?" pero sinampal niya ako ng malakas hanggang sa dumaing ito sa sakit na parang hirap na hirap.

"v-violet?" umiiyak na ito kaya nataranta ako at dun ko lang napagtanto na manganganak na siya

"manang, si violet po!!!" tawag ko sa isang katiwala namin at buti nalang mabilis itong rumesponde

"ano pa ang ginagawa mo diyan buhatin mo na ang asawa mo sa sasakyan" utos ng matanda sakin, mabilis kong binuhat si violet at dinala sa sasakyan

"kumalma ka nga parang ikaw pa yung manganganak" naiinis na sabi ni violet habang dumadaing sa sakit, right, pano ako kakalma?!!

pagkarating namin sa private hospital ay mabilis na pinasok sa delivery room ang asawa ko bago ako sumunod.

Kita ko ang hirap na pag ere ni violet kaya naiiyak ako dahil pagod na siya

"you can do it baby, c'mon one more" pagal itong tumango at mahigpit itong kumapit sa kamay ko na halos mamuti na ang kamay ko pero hindi ko ininda ang sakit dahil mas nahihirapan siya.

last na talaga to violet..

makalipas ang ilang minuto ay iyak ng sanggol ang namayani sa loob ng kwarto na ikinahinga ko ng maluwag.

"Congratulations, it's a girl po mga misis" masayang sabi ng doctora bago nito nilagay sa dibdib ni violet ang sanggol at dun na bumuhos ang masagana kong luha bago ko hinalikan sa noo ang pagod kong asawa.

"Welcome to the world baby Scarlet" sabi ni violet bago ako binalingan kaya masaya ko itong nginitian

"Scarlet Madrigal Rodriguez"

THE END


a/n tapos na rin🥲
hindi ko na pinaumaga HAHAH MARAMING SALAMAT po sainyong Lahat😊🥰

ANG ASAWA NI TITO(MATURED CONTENT) [INTERSEX]Where stories live. Discover now