Special Chapter

76.3K 1.1K 343
                                    

It's been years ng maikasal kami Violet at ngayon nga ay biniyayaan kami ng mga supling, hindi naging maganda ang simula namin bilang mag asawa.

Syempre hindi maiiwasan ang pag aaway at mga konting tampuhan sa isa't isa, pero ika nga daw for better or worse a blessing or a curse long live this wild wild love.

Oo mahirap magpalaki ng mga bata dahil hindi ko naman naranasan maging ina/ama nung mga panahong nagkahiwalay kami pero hindi naman niya ako pinabayaan para gabayan kaya sobrang swerte ko sa asawa ko.

Sampung taon na ang edad ng kambal habang si Red naman ay anim na taon, na kasalukuyan kong kalong sa kandungan ko.. ang bilis nuh? tapos yung asawa ko-- teka nasaan na pala yung asawa ko, kumukuha lang yun ng inumin ah?

Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong makitang Violet Rodriguez, nakita ko ang tita niya kaya lumapit ako rito na masaya akong sinalubong ng mahigpit na yakap bago niya kinuha si Red sakin

"Tita Janine, nakita niyo po ba si violet?" nandito kami ngayon sa Bahamas dahil inimbitahan kami para sa kanilang engagement party

"huli ko siyang nakita sa loob ng kusina ang sabi niya kukuha lang daw siya ng maiinom, ang akala ko nga nakabalik na" kunot noo nitong sabi na ikinataka ko

"hindi parin po siya bumabalik, pwede po bang kayo muna ang bahala kay Red? hanapin ko lang po ang asawa ko" nagmamadali kong sambit dahil baka kung saan na nakapunta

"fine with me ako narin bahala sa kambal, sige na hanapin mo na ang asawa mo grey buntis pa naman yun" nagpasalamat ako sakanya bago ko tinahak ang daan papasok ng bahay, I don't know I think I'm exaggerating pero may pumapasok na hindi kaaya aya sa isipan ko na sana ay hindi totoo.

Pagkapasok ko sa kusina ay wala akong nadatnan na violet kaya lalo pa akong nabahala

"grey relax don't think too much baka nag banyo lang ang asawa mo okay?" pagpapagaan ko sa sarili ko para mabawasan ang pag aalala kay violet pero ng hanapin ko siya sa living room pati na ang likod ng bahay ay hindi ko parin siya mahagilap.

"shettt Violet nasaan kana ba?! dapat hindi nalang kita pinakuha ng maiinom" gigil kong sabi habang patuloy ko parin siyang hinahanap pero wala talaga hanggang sa pumasok sa isipan ko ang lalaki kanina na laging nakamasid sa asawa ko.

Ayokong mag isip ng kung ano-ano pero kasi napansin ko kanina sa engagement party yung kapatid na lalaki ng fiancé ni tita janine, alam mo yung halos sugurin ko na ito kanina dahil sa sobrang lagkit ng tingin niya sa asawa ko.

Mabuti nalang talaga napigilan ko ang sariling huwag mag iskandalo dahil kung nagkataon paduduguin ko talaga ang mukha niya kaya sana mali lang ang iniisip ko

Hindi ko alam pero kusang dinala ako ng mga paa ko sa 2nd floor pero hinayaan ko ang sarili dahil baka nagawi siya sa taas pero papalapit pa lamang ako sa isang kwarto ay napansin ko ang dalawang imahe sa di kalayuan medyo madilim pero naaninag ko na nakatalikod yung babae sa lalaki..

"shhhhhhh bibilisan lang natin" rinig kong sambit ng lalaki, potek talagang sa hallway??

narinig ko pa ang pagkalas ng sinturon pati narin ang tunog ng pagbaba ng zipper kaya napag desisyonan kong iwan nalang sila dahil nakakahiya naman pero tatalikod palang sana ako sakanila ng marinig ko ang pamilyar na boses ng babae na ikinatigil ko sa paghakbang.

P*T*NG*NA!!!!! Huwag naman sana,
kuyom ang mga palad na tinungo ko ang gawi nila.. inilang hakbang ko at nang makalapit sakanila ay dun ko nakumpirma ang hinala ko at biglang nag kulay pula ang paningin ko

"WHAT THE F--" hindi ko na pinatapos magsalita ang hayop dahil isang matigas na suntok ang pinakawalan ko kaagad sakanya na ikinabagsak nito sa sahig bago ko binalingan ang asawa ko na punit-punit ang damit at magulo ang buhok habang umiiyak.

ANG ASAWA NI TITO(MATURED CONTENT) [INTERSEX]On viuen les histories. Descobreix ara