Prologue

34 17 6
                                    

"Kaya ayokong maging matalino, dahil habang unti unti mong naiintidihan ang lahat nagsisimula ka ring wag intidihin iyon dahil sa hindi matanggap na realidad"

Sabi ko iyon sa kanila habang umiinom kami sa bar yun palagi ang sinasabi ko sa kanila kapag masiyado silang nagpapakatalino a piece of advice lang naman!

"Oo nalang" walang pakialam na sagot ni Mauri sakin

Sasapakin ko to mamaya kita mo! Teka lang lumilindol yata. Napahawak ako lamesa nang tumayo ako.

"Taena may lindol!!" Sigaw ko iyon

Tinakpan naman ni Rehan ang bunganga ko.

"Shh... Lasing kana lets go" hatak niya sakin

"Lettts go!"

"Damn this woman is so hard to handle..."reklamo ni Rehan

"Sige bibitawan mo'ko o susukahan kita?"

"Hayaan mo na" sabi naman ni Mauri

Agad naman akong bumalik sa aking upuan at uminom ulit. Broken ako kaya ako nagpapakalasing Kahit ngayong gabi lang. Papatayin ko 'yung atay ko kakainom kahit ngayon lang.

"Tanginang yan!!"

Hindi ko alam kung naiiyak nako o ano kasi naman tangina hindi ako malandi pero bakit!?

"Mauri alam mo...-"

"Hindi ko alam"

"Hindi pa'ko tapos!"

"Ingay mo kasi itahimik mo nga 'yang bibig mo" Reklamo ni Mauri

"Kaya ayaw sayo ni Rehan kasi ang sama-sama ng ugali mo!" Asik ko sa kanya

"Hoy! Tapos na yon!" Nag react naman agad si Rehan

"Kaya walang sumeseryoso sayo eh kasi ang ingay mo!?" Pabalik na sagot ni Mauri

"Gago foul 'yon ha!?" Ang sasama talaga nilang nga kaibigan nakita na nga nila na broken ako tapos inaaway pa tang'na!

"Hayaan mo na mukhang wala na talagang pag asa 'yan. Ikaw paano mo nalampasan ang pagiging broken mo sakin?" Tanong ni Rehan kay Mauri. Ang cocky naman ni Rehan masiyado para maitanong yon. Parang gago!

"Nagmahal ng iba?" Simpleng sagot ni Mauri.

Gumuhit naman ang pagkadisgusto sa mukha ni Rehan at nauwi sa ngiwi ng tignan siya nang masama ni Mauri.

Hindi ko na sila pinansin dahil bumabalik nanaman sa isip ko ang mga nangyari at pinapalungkot ako.

Nang una okay naman kami eh wala namang problema masaya naman kami at alam ko naman na minahal niya ako e! Saan ba ako nag kulang?

Hindi ba ako maganda? Nagtatampo ba siya kasi never pako nakipag talik sa kanya? Bakit ganon? Bakit kailangan iwan ako? Hindi pa ba sapat na mahal ko siya para mahalin ako?

Lahat nalang ng katanungan nasa isip ko na lahat nalang ng doubts na isip ko na. Deserve ko bang masaktan ng ganito e buong buhay ko nilaan ko lahat ng oras at pagmamahal ko sa kanya kasi siya lang ang taong nandiyan kasama ako—naiintindihan ako dinadamayan ako.

"Hoi tahan na" hi-nug ako ni Rehan napansin niya yata na umiiyak na ako. Hindi ko naman mapipigilan ang luha kaya ilalabas ko lahat hanggang sa maubos na, at paano nanaman bukas iiyak pa rin ba ako?

It was damn tiring. Sa lahat ng taong nakilala siya pa ang nangiwan ni hindi man lang ako nakasama sa mga plano niya. Sa tagal namin bakit ngayon pa.

Impossible to Rain ForeverWhere stories live. Discover now