"Anak, bakit gising ka pa?" napalingon naman ako sa tumawag sa akin, si papa. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Ah, wala po. I'm just star gazing." Pagsisinungaling ko habang naka-tingin sa kalangitan. Sa totoo lang naiisip ko ang mama ko, mula kasi sa pagkabata ko ay ni hindi ko man lang siya nakita. Pero ang sabi ni papa she's always watching us. If she's always watching us, bakit hindi siya sa amin magpakita? Ayaw ba niya sa amin? Ayaw ba niya kaming makasama? Kasi ako gustong-gusto ko na siyang makita at makasama.
"Anak, alam mo sabi nila, when you see the farthest the star, make a wish and it will come true." Sabi ni papa habang pinagmamasadan din ang kalangitan, napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi, pero mukha s'yang seryoso nang sabihin niya iyon.
"Talaga po?"
"Oo naman..."
"So... Have you ever tried to make a wish upon a star?"
"Yes. I was 20 that time." He answered
"Really? What did you wish for? Did it come true?... Or not?" Sunod-sunod na tanong ko na para bang sabik na sabik sa kung anong susunod na sasabihin n'ya.
"Well... I wished for my true love, then it came true." He said, then smiled.
"The stars gave me your mother... Dalawang taon na kaming nagsasama noon, when you came into our lives, that was one of my happiest moments with her. But sadly she needs to go back to where she came from, to fulfill all of her duties and responsibilities. Pero nangako s'ya, she will come back."
"I missed her so much." Dagdag pa ni papa, kasabay noon ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
"Pa? Kelan po babalik si Mama?" Iyon na lamang ang aking naging tanong, pero sa totoo lamang, I have so many questions about my mother. Hindi kasi s'ya masyadong binabanggit ni papa sa akin.
"Soon... You'll see her soon..." He answered then kissed me in my forehead. Matapos iyon ay tumayo na s'ya mula sa kanyang pinag-kakaupuan, then he went back inside the house.
Tumingin muli ako sa kalangitan at pinagmasdan ito.
"I wish, I could see my mother now." I whispered through the air, while looking at the farthest star I see.
I was about to go back inside the house, when the star moved. It literally moved and it's moving towards my direction.
Gusto kong umalis sa pwesto ko, gusto kong tumakbo palayo, but I can't. May kung anong nag-uudyok sa akin na pagmasdan lamang ang bituin na pabagsak mula sa kalangitan.
I don't know what to do. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Is this the end? Hindi ko na ba talaga makikita ang mama ko? Iyon na lang ang tanging tanong na nanatili sa aking isipan.
Malapit na sa akin ang bituin, pabilis din nang pabilis ang pagbagsak nito. Pinikit ko nalang ang ang mga mata at hinintay ang pagtama nito sa akin, pero makalipas ang ilang sandali ay wala akong naramdamang pagtama.
Anong nangyayari? Nananaginip lang ba ako?
Dahan-dahan kong minulata ang mga mata ko. Instead of a star, I saw a lady. Who is she? She's so beautiful, she's like a goddess. And she's shining.... Like a... Star.
"W-who are you?" I asked curiously. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.
She's so warm. Wait what's happening? Who is she?
"My darling... I'm sorry if i've been gone for a long time. Pero ngayon... Pangako, mabubuo na muli ang pamilya natin." She said while hugging me, I can sense that she's crying now.
Wait, did I heard it right? Pamilya? What is she talking about? Tanong ko sa aking sarili.
Pamilya...
She's talking about family, right?
Family... My family? Our family?
Dad...
Me... And...
Could it be....
"A-are you my...." I said, then my tears started rolling down to my cheeks.
"Yes, my darling... I'm your mother."
"Y-you're a s-star?..." Hindi ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko sa kanya, bigla nalang kasi iyong pumasok sa aking isip. I don't know what she'll say, because it's impossible. How can a star be a human?
"Yes, my darling... I'm a star and the heavens sent me back to fulfill my duty to my family. They sent me back for you and your father." She said then kissed me in the forehead. She's a star? How did it happened? Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kung ano bang sasabihin ko. But, there is one thing that I know for sure...
She really is my mother.
