At naiilang na binaba ang palda ng suot ko, hindi naman sobrang kaiklian pero paikli parin para saakin na sanay sa mahahabang palda.

"Let's all welcome! The Candidates for Mr. And Ms. Westeria 2019!"

--------

PAGOD yan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pag rampa at pa ngiti ngiti na sa tingin ko naman ay na gampanan ko ng maayos kahit na sumasakit na ang bukong bukong ko dahil sa heels na suot suot ko. Worth din, kasi naka pasok ako sa finals na kung saan napili ang top 5. Nakaramdam din ako ng masasamang tingin tuwing nababanggit ang pangalan ko hindi ko nalang pinansin pa ang iba pati narin ang iba kong kasamahan dito lalo na si Stacy. May iilan ilang nag sisigaw ng pangalan ko pero mas lamang dito si Nuela na may banner pa na naka lagay ang pangalan ko.

Limang bihis na ang nagagawa namin at nag papasalamat ako at walang swimsuit nako hindi ko na kakayanin yon baka tumakbo na ako papaalis at eto na ang huli... ang evening gown. Pero mukang gusto ko ding umatras sa laban.Paano ba naman kasi! naka suot ako ng reveling backless fitted gown na sobrang kintab at sobrang haba ng slit sa kanang hita ko, kitang kita din ang gitna ng mayayabong kong dibdib. Naka lugay din ang buhok ko na, naka kulot sa dulo at meron ding nilagay si Mrs. Ana na katamtamang laki ng tiara sa ulo ko. May pinasuot din syang necklace at earings na sa tingin ko ay ka partner ang tiara na nasa ulo ko.

Hiyang hiya ako! Kung alam ko lang edi sana ako nalang ang pumili ng evening gown ko pero hindi naman ako marunong sa ganito. Hindi ako sanay, ayoko namang umatras hayss.

At isa pa hanggang ngayon wala parin s'ya na nag pasikip ng dibdib ko.

Dahil huli akong lalabas pinag masdan ko muna silang lahat ang gaganda ng gown nila kintab na kintab. Naka hiwalay ako sa kanila ewan ko ba kay Mrs. Ana bakit nya ako dinala dito sa pinaka sulok, pero ayos na din 'yon para kahit papaano wala akong maramdamang matatalim na tingin.

"Ang sexy mo talaga Ms. Phil! I wonder ano kaya ang magiging reaction nila kapag nakita ka nila"

Naka ngiting sabi ni Mrs. Ana saakin

Akmang sasagot na ako sakanya ng tawagin ang pangalan ko.

"Let's welcome Ms. Philomena Dela Paz for her evening gown!"

Malakas na sabi ng babaeng Mc kaya kahit na ngangatog ako ay huminga ako ng malalim bago taas nong nag lakad papalabas.

Pumswesto ako sa pagitan ng kurtinang naka harang sa harapan ko kung saan kami dumadaan.

Huminga ako ng malalim at sinenyasan ang dalawang babaeng naka tayo na nag bubukas ng kurtinang 'yon.

Kahit ngayon lang...

Kailangan kong taasan ang self-confidence ko....

Naka ngiti akong rumampa, hindi ko alam pero biglang tumahimik ang kaninang maingay.

Nilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat pero lahat sila ay naka tulala na naka tingin saakin.

Naku? Anong nangyari sa kanila? May nag pahinto ba ng oras?

Lihim akong napalunok at ibinalik ang tingin ko sa harapan.

Nakita kong malawak na naka ngiti saakin si Tita marie at si Tito Ellios.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Pero napahinto ako ng may mahagip ang tingin ko.

Ellioner...

Madilim ang mga matang naka tingin sya sa mga mata ko bago bumaba ang tingin nya sa katawan ko na mas lalong kinadilim ng muka nya.

I gulp....

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now