Simula

9 2 0
                                    

MASARAP SA PAKIRAMDAM ang marahan na hampas ng alon ng dagat sa aking mga paa. Dagdag pa ang maaliwalas na kalangitan. Hindi ko batid ang dahilan kung bakit ako laging nakadungaw sa kalupaang ito tuwing sisikat ang araw. Ang tanging alam ay ang pakiramdam na ako'y nananabik sa isang bagay na lagi kong tanaw.

Hindi na ako nagulat nang muling makakita ng ningning mula sa pusod ng dagat. 'Di ko na mapigilan ang mga katanungang pilit na dumudungaw mula sa aking balintataw. Nilapitan ko ang bangkang nasa tabing-dagat at sinubukang gamitin. Tagumpay ako sa planong 'di ko rin alam kung bakit ginagawa.

Nakakaakit ang hatid ng lumiwanag. At nang ako'y makalapit, bigla na lamang akong tumalon patungo sa kailaliman ng karagatan. Kung titingnan mula sa ibabaw ay malamyos ang alon nito ngunit sa ilalim ay kakaibang lakas na galaw ng karagatan ang naroroon. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at nilangoy ko ang inaasahang liwanag ngunit kalauna'y unti-unti na akong nauubusan ng hininga kung kaya'y sinubukan kong lumangoy pabalik. Ngunit nauubusan na ako ng lakas dala na rin sa enerhiyang pilit na humihila sa akin pababa. 'Di ko namalayang bigla nalang nandilim ang lahat.

NAPABALIKWAS AKO NG bangon mula sa pagkalunod sa aking panaginip. Nilibot ko ang paningin at nakitang nasa hindi ako pamilyar na silid. May iilang kagamitan akong nakita na bago sa aking paningin ngunit nakaagaw sa aking pansin ang isang lamparang luma na. Sobrang lambot ng aking inuupuan at ako'y naninibago sa nararamdaman. Napaubo ako nang makalanghap ng 'di kaaya-ayang usok. Amoy tabako?

"Oh, you're awake," usal ng kung sino man gamit ang bayagang salita. Mabilis na nilingon ko ang kinaroroonan ng boses sa gulat. Lalaki. Silid ito ng isang lalaki? Nagmamadali akong tumayo mula sa kama at marahang yumuko sa ginoo.

"Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan, ginoo. Ngunit 'di ko batid kung nasaan ako. Maaari ko bang malaman kung anong lugar itong kinaroroonan ko?" Nagugulumihanang tanong.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ng lalaking nasa aking harapan at bigla na lamang nitong tinakbo ang pagitan ng distansya namin. Tinulak n'ya ako sa malambot na kama, batid kong higaan ito sa lugar nila, at saka ako pinaibabawan. Nanlaki ang mga mata ko sa kan'yang kapangahasan.

"A-Anong... Pakawalan mo ako! Hindi mo ako nararapat na hawakan. Lumayo ka sa'kin!" Nahihintakutan kong sigaw. Ngunit napahinto ako nang bigla akong makaramdam ng likido na tumutulo sa aking mukha. Tinitigan ko s'ya at nagulat na s'ya'y lumuluha. Napatulala ako. Ito ang unang beses na nakakita ako ng isang lalaking umiiyak.

"B-bakit ka umiiyak, ginoo?" Mali ang aking nararamdaman sa kasalukuyan ngunit gusto ko ang init na dala n'ya sa aking katawan. Nagulat ako sa aking naisip. Mali. Tigilan mo yan, Yna.

"M-Masaya lamang ako na makakita ng isang taong galing sa mundo ko. K-Kumusta ang Sugbo? Nakakatakot parin bang lumabas sa gabi? Naghihimagsik parin ba ang ating mga kalahi? Anong balita? S-sabihin mo, binibini." Ang bilis n'yang mgsalita. Ngunit sandali... Paano n'ya nalamang galing ako sa Sugbo? Ngunit 'di ko pa kabisado ang Sugbo dahil bagong lipat pa lamang kami sa lugar na iyon.

"P-Paano mo nalamang..." Hindi ko matapos ang aking dapat na sasabihin dahil sa kahihiyan. Masyado s'yang malapit sa'kin.

Tingin ko'y naramdaman n'yang hindi ako komportable sa posisyon namin kaya't dahan dahan s'yang umalis sa ibabaw ko. Lumapit s'ya sa isang bintana kaya't sinundan ko s'ya. Napangiti ako nang makita ang nasa labas. DAGAT!

Tatakbo na sana ako upang bumaba ngunit bigla s'yang nagsalita.

"Nakita kita sa tabi ng dagat na iyan. Akala ko isa ka lang sa mga taong nagkataon na napadpad sa lugar na ito ngunit nang magsalita ka, at sa pamamaraan ng iyong pananamit, alam kong galing ka sa mundong pinagmulan ko," turan n'ya na kumuha ng aking atensiyon. 'Di parin n'ya ako nililingon. Ngunit... Ano'ng mundong pinagmulan?

"A-anong mundo ang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya.

"Sabihin mo, anong taon na ngayon?" Nahihimigan ko ang lungkot sa boses n'ya. Nalilito man ngunit sinagot ko parin ang tanong n'ya.

"1878. Anong meron? Bakit mo-"

"2021. 'Yan ang kasalukuyang taon," sagot n'ya na nagbigay ng kaba sa'kin.

"A-Ano? Imposible a-ang sinasabi m-"

"Kung imposible 'to, mapapaliwanag mo ba ang mga kagamitang nasa paligid mo? Ang paraan ng pananalita ko kanina? Sabihin mo," sagot n'ya bago ako nilingon.

Umiling-iling ako sa takot.

"Sa loob ng halos isang-daang taon, hindi ko parin makita ang daan pabalik. Naiwan ko ang asawa ko sa Sugbo, binibini. Sa tingin mo, makukuha ko pang magbiro sa'yo?" Malungkot n'yang tugon. Hindi ko alam ngunit bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang salitang 'asawa ko'.

"B-bakit ka rin nandito?" Kahit nahihirapan ay pinilit kong magsalita.

"Liwanag," malungkot na turan n'ya at sinundan ito ng malungkot na ngiti. "Sinundan ko ang liwanag at dinala ako sa mundong ito. Galing ako sa taong 1798 at dinala ako ng liwanag sa taong 1941. Isang-daan at apat na pu't tatlo ang pagitan ng taon gaya nang sayo. At alam mo kung anong mas nakakatakot sa lahat nang nangyayari?"

"A-Ano?" Nagsisimula na akong kabahan.

"Hindi tayo tatanda o mamamatay sa panahong ito, kailangan nating bumalik sa nakaraan upang matapos ang paghihirap na nararanasan at mararanasan pa natin."

H-Hindi maaari.

_____
AiriniFrieda

LiwanagWhere stories live. Discover now