Chapter 1

4.6K 95 31
                                    


Hiraya Eesome Endrada

"Pack up! Good work guys!" Sabi nang director nang pinagbibidahang pelikula ni Esom. Isa sa pinaka sikat na artista ngayon. Kakatapos lang nilang kuhanan ang huling eksena.

Lumapit sya dito para magpasalamat. "Direk Tom." Tawag pansin nya dito "Thank you po. It's a great opportunity to work with you." Pasalamat nya rito kahit pa sa loob-loob nya ay nasusuka sya.

She hated the guy. May pagka manyak kase ito at mahangin. Hindi mapagkakaila na sikat itong direktor pero sa likod nang camera ay touchy ito sa mga babae. Kaya naman iwas sya dito hanggat maaari. Dahil baka mapatulan nya ang lalaki dahil matagal na syang nagtitimpi rito.

Nasa mid 40s na ito pero hindi umaayon ang edad nito sa ugali. Bastos na nga mayabang pa. "He should act as his age. jeez.." Nasabi nalang ni Esom sa sarili nang akbayan sya nito.

"No worries my dear. You're my favourite, magkikita pa tayo sa susunod." Malanding sabi nito sakanya habang hinahaplos ang braso nya at inaamoy ang buhok nya.

Kinilabutan sya sa ginagawa nito kaya pasimple syang kumalas. "Sure. I'll get going. Thank you again." Sabi nya at nginitian ito para mapagtakpan ang pandidiring nararamdaman nya bago nagpaalam sa ibang staffs.

"Damn that pervert! tsk!" Inis na sabi ni Esom pagkasakay nya sa sasakyan nya. "Sa susunod na tumanggap ka pa nang project na sya ang direktor ay masasakal na talaga kita Katara!" Inis na baling nya sa kaibigan nya na handler nya din na nakaupo katabi nya.

Napasandal nalang sya at pumikit nang mariin. Pinipigilan ang sarili, dahil talagang nagiinit ang ulo nya.

"Sorry na.. Promise last na to. Magkaka issue kase kapag tinanggihan natin yung kupal na yun. Alam mo naman yun. Masahol pa sa demonyo." Iritado ding sabi ni Katara sakanya.

Alam nya iyon. Dahil hindi pa man sila ino-offer'an nito nang project ay pinagkakalat na nito sa media na pumayag sya. Kaya wala silang nagawa kundi ang pumayag nalang. Dahil may issue na kumakalat na ayaw nya sa direktor.

Totoo naman yun pero hindi pweding malaman nang publiko dahil iniingatan nang big boss ang koneksyon nito kay Direct Tom. For the sake of projects, para artista sa entertainment company nila ang laging kunin nang direktor.

"Can't we just try to be independent? Paniguradong si Boss padin ang masusunod kapag nag offer nanaman ang manyak na iyon. Tsk." Asar na sabi nya at nagmamakaawang tiningnan ang kaibigan.

Matagal nya na itong pinipilit na maging self employed nalang sila. Tutal ay sikat naman na sya. She can stand on her own. At isa pa may mga business na din sya at investments. Hindi na sya maghihirap.

"I'm sorry my dear friend. Hindi natin kaya, lalo na at madaming koneksyon ang manyak na yun. Madaming baho ang hawak nun kaya napapasunod nya ang mga entertainment company dito satin. Parepareho kase sila nang mga baho. tss.." Sabi nito sakanya at paumanhin syang tinitingnan.

"Damn that man! Sisiguraduhin ko talagang babagsak sya kapag may ebidensya na ako nang mga kabalastugan nya. tsk."

Binabalak nya na talagang pabagsakin ang manyak na yun. Pero magaling itong magtago nang baho at talagang walang nagsasalita laban dito o ebidensya na makuha ang tao nya.

"I'll pick you up tomorrow evening. Okay?" Sabi ni Katara nang maihatid sya nito sa bahay nya. Umikot ang mata sa sinabi nito.

Stomach, meets Butterflies.Where stories live. Discover now