"Thanks, Ma."


Kahit may iringan pa rin sila ni Tatay Bear, natutunan nilang magbigayan para sa akin. Lumalabas ng likod-bahay o kaya naman ay nagkukulong sa kwarto si Tatay Bear para bigyan ng space si Mama tuwing pumupunta rito para asikasuhin ako at ipagluto.


Kapag wala naman si Mama ay hindi pumapalya si Tatay Bear sa pagpapayo sa akin na matutong magpatawad. Nakapagpatawad na siya kaya ang gusto niya, hanapin ko rin sa puso ko na mapatawad ko na si Mama. Hindi naman ako bato para hindi lumambot lalo na at nakikita ko ngayon ang pagsisikap ni Mama para lang makabawi sa mga pagkukulang niya sa akin.


Bago matapos ang buwan ay hindi ko na iniiwasan si Mama. Hindi man siya direktang humingi ng patawad sa akin, naa-appreciate ko naman ang lahat ng ginagawa niya. Kahit malaki ang pagtatampo ko sa kanya, siya pa rin ang mama ko. Tinanggap ko na lang na hindi siya perpektong tao para maintindihan ko ang mga nagawa niyang desisyon sa buhay.


Bago umalis ay nagsalita ulit si Mama. "Pupunta raw ang lolo at lola mo mamaya."


"Hindi naman kailangan. Pwedeng ako na ang pumunta sa kanila." Na-meet ko na ang parents ni Mama, ang grandparents ko, through a video call last week. Nang makita ko na pareho nang mahina at may sakit ang dalawang matanda ay bumigay na ang puso ko.


"May sasakyan naman sila at private nurse na kasama," sagot ni Mama. "Saka gusto nilang makita itong bahay kung saan ka nakatira, anak."


Tumango ako. "Sige po."


Nang makaalis na si Mama ay nahiga ulit ako sa kama. Maaga pa naman, wala pang 9am kaya hihilata muna ako. Tinatamad pa akong bumangon at bumaba. Parang lahat ng kasipagan ko sa katawan ay nawala buhat nang umuwi ako rito.


Nakahiga ako sa kama nang biglang may magbukas ng pinto. Napabangon ako nang pumasok ang isang maganda at mukhang mahinhin na babae, oo mukha lang. Naka-yellow summer dress siya at nakalugay ang kinulot na buhok. 


"Susana girl!" Nilusob niya ako ng yakap. Hindi niya na nahubad ang sandals niya nang sumampa siya sa kama ko. "Nandito ka na pala sa Cavite, bruha!"


"Kumusta?" natatawang tanong ko kay Carlyn. Kung makapag-react siya ay para bang sa Dubai ako galing.


"Anong kumusta? Ikaw ang kumusta? Nandito ka pala pero hindi ka man lang nagpaparamdam!"


"Sorry, naging busy lang..."


"Saan ka naging busy? Sa paglamon at paghilata?"


Lumabi ako.


"Naabutan ko mudra mo sa baba! Ang chika niya, mula nang umuwi ka raw ay nagkukulong ka na lang rito sa kwarto mo. Maghapon ka na lang nakahiga, bumababa ka lang kapag kakain at magba-banyo. So anong drama, girl? Wag mong sabihing buntis ka rin?"

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon