CHAPTER EIGHT

1.2K 69 4
                                    

SA SAGADA ay umupa siya ng matitirhan. Para iyung maliit na apartment sa second floor ng isang bahay- may balconahe na natatanaw ang kabundukan at mayroong sariling CR. Ayun sa may-ari ay marami nang writers at artists ang tumira doon.

“Kung katahimikan ang hanap mo habang nag-iisip o nagsusulat, dito ang tamang lugar,” wika ni Ka Lourdes, ang may-ari ng bahay.

“Mukha nga pong nakaka-inspire talaga dito.”

“Safe pa dito. Walang magtatangka ng masama sa'yo dito. Sagrado ang lugar na ito,” makahulugang wika ng may-edad na babae.

Pakiramdam nga niya ay at home na siya.

KAPAG umaga ay naglalakad siya bago magkape at mag-breakfast. Saka siya nagsusulat. Bukod sa laptop ay nagbaon din siya ng mga pocketbooks, DVD at player para may magawa kapag napagod sa pagsusulat. Itinuon talaga niya ang atensyon sa pagsusulat- and she loved it.

Bago matapos ang isang buwan ay tapos na ang first draft ng nobela niya.

“Aalis ka na bukas, ineng?” tanong ni Ka Lourdes.

“Opo. Tapos na po yung sinusulat ko.” Nakita niyang tila nalungkot ang may-ari. Siguro ay dahil nasanay na ito sa presensya niya.

“Sana kapag nagsulat ka uli, o kaya ay gusto mo lang magpahinga, dumalaw ka uli dito.”

“Sigurado po yun.” Napangiti siya. Someday, alam niyang babalik siya sa lugar.

MULA Sagada ay bumaba siya ng Baguio City at nag-stay doon ng isang linggo. Pinadala na rin niya thru internet ang kanyang first draft para mabasa nina Lucielle. Tulad ng pangako sa sarili ay hinding-hindi siya nagbasa ng mga emails niya. Talagang pinadala lang niya ang file ng nobela at after three days ay saka niya tinawagan si Lucielle.

“Trisha! Oh my God! Mabuti't nakatawag ka girl!” Excited ang boses ng babae sa kabilang linya kaya napangiti na rin siya.

“Anong balita?”

“Grabe, hinahanap ka ni Miguel. Lahat ng mga kakilala mo, kakilala natin, tinawagan. Nawawala ka daw!”

Napahalakhak siya. Ang gaan ng feeling niya-- nakatulong nga sa kanya ang pagtira sa Sagada.

“Ano ba talaga ang nangyari?” tanong ni Lucielle. “Ang sabi, ni hindi mo daw siya kinausap, lumayas ka nalang daw bigla doon sa townhouse mo.”

“That's not true. Nagsabi naman ako sa kanya that it was over. Ayaw niya lang maniwala na ayoko na.”

“Ganun lang?”

“Well, it was a tough decision but I had to do it. Hindi na ako masaya. Hindi na buo ang pagkatao ko nung kami pa. I was dying everyday. I had to save myself.”

Journey of LoveWhere stories live. Discover now