ACF 3

216 16 4
                                    

Avy's POV:

"Ma'am pwede po bang mag quit?" Ayoko talaga sa mga ganitong pakulo ng mga school lalo na at si yabang pa ang magiging kapartner ko. OO SYA! Syempre sa dami ba naman nyang mga fans di pa ba sya mananalo ang nakakapagtaka lang eh bakit niya ninominate ang sarili niya eh diba sabi ng mga fan girls niya ayaw niya sa mga ganun.

"Sorry Ms. Ocampo. Bagay na bagay nga kayo nitong si Mr. Tadeja eh kaya for sure mananalo ang section natin" iyak na huhuhu bwisit!

Uwian na nasa labas na yung barkada at ako eto naiwan dahil nag aayos pa ako ng gamit ko ng biglang may lumapit sakin

"Oy Ms. Antukin dahil tayo ang magkapartner sa Mr and Ms Winston dapat maging close tayo sa isa't isa" tsk ako makikipag close sakanya TSK! IN HIS UGLY FACE! Inirapan ko lang siya

"Alam mo ba maraming mga babae dyan na gusto ako maka usap, makatabi at maka partner pero ikaw naka hain na saiyo ang grasya tinatanggihan mo pa" sabi niya sabay kindat ewww kadiri

"Pwes hindi ako kagaya nila" sabi ko at balak ko na sanang umalis sa loob ng room pero hinawakan nya ang kamay ko at hinigit kaya napaharap ako sakanya

"Okay alam ko hindi naging maganda ang una nating pagkikita akala ko kagaya ka din ng ibang girls dito sa school pero mali pala ako" huminto siya saglit at tinignan niya ang kamay niya na hawak hawak ang kamay ko at saka inalis iyon mula sa pagkakahawak

"Hi I am Theo Enrique Tadeja and you are?" Mukhang mabait naman pala siya siguro hinusgahan ko lang siya kaagad kaya ganun

" I am Aveona Jane Ocampo" masayang sabi ko sakanya

"Friends?" Tanong nya

"Friends"

Nginitian niya ako "Halika sabay na tayong lumabas" tumango naman ako

"Avy! Ang tagal tagal mo naman" inis na sabi ni Tricia "Hi Prince Theo" kilig na bati ni Tricia at Sophie. Hindi ko alam sa dalawa na 'to kung kasali din sila sa mga fan girls nitong si Theo. At ayun si Theo umalis na ng hindi man lang binati o nginitian yung dalawa

"Hoy Avy ano yun bakit ka hinatid ni Prince Theo?" Kulit na tanong ni Tricia

"Sabi niya siguro daw dapat maging close kami dahil nga magkapartner kami sa Mr and Ms Winston kaya inalok niya ako bilang friends yun lang" paliwanag ko

"ANONG YUN LANG? ALAM MO BA NA IKAW PA LANG ANG INAALOK NA BABAE NI PRINCE THEO BILANG KAIBIGAN NIYA" sabay na sigaw ni Tricia at Sophie. Ang lakas ng boses nila nakakabasag eardrums. Pati sila Pauline at Ritz ay napatakip ng tenga pano ba naman ang OA ng dalawa kong kaibigan. At saka saan naman nila nalaman yung mga ganoong impormasyon eh transferee lang naman kami dito?

"tsk eh ano naman di naman big deal yun eh at saka oo nga pala sabi ni Christian magkita daw tayo bukas ng uwian sa school nila" sabi ko

"Sige" sagot nilang lahat at nagsi datingan naman na ang mga sundo namin

---------------

Nandito na ako sa bahay. Naligo na ako at nagpalit ng damit at kinuha ang iPad ko at dumapa na sa kama

Hayys nagbukas ako ng facebook tinignan ko ang notifications ko puro mga naglike lang ng pictures ko sunod ko namang tinignan ang friend request nung una nagulat ako kasi ang dami 103 friend request iniscroll ko kung sino sino yung iba na kakilala ko inaaccept ko. Pero ang nakakagulat ay inadd niya ako....

Inadd ako ni Theo Enrique Tadeja

Dahil friends naman na kami inaccept ko na sya

From: Prince Theo Tadeja
Hi friend!

Nagchat pala si Theo

To: Prince Theo Tadeja
Hello :)

At after nun di na sya nagreply sineen pa ako oh diba? Siya unang nag chat pero ako ang naseen

Nagdesisyon na akong mag log out ng account

Dahil sa sobrang antok ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako

-------------

Nagising ako dahil sa tiyan kong kumakalam pag mulat ng mata ko nagulat ako na umaga na pala. Kaya pala kumakalam ang tiyan ko dahil hindi ako nakapag dinner eh.

Naligo na ako, Nagbihis, kinulot ang dulo ng buhok ko, nagmake up ng light lang. Daily routine ko na 'to.

Pagkatapos kong gumayak ay bumaba na ako para kumain pero sa pagkagulat ko ay ako lang ako tao sa lamesa

"Manang nasan po sila?" Tanong ko dun sa isa sa mga katulong namin

"Ayy nako ma'am Avy tanghali na po kasi mag a-alas syete na po kaya kanina pa po sila nakaalis" tinignan ko ang relo ko at oo nga hindi na ako kumain at nagpahatid na ako kaagad sa driver

-------------

Lunch break na pero wala akong balak kumain dahil ipapass ko pa 'tong group activity namin

"Avy halika na kain na tayo" aya sakin ni Pauline

" sige kayo na lang tatapusin ko muna 'to" sabi ko sakanya at umalis na rin sya

Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil hindi ako nakapag breakfast kanina

Ng natapos ko na yung group activity namin ay pinass ko na dun sa teacher namin balak ko sanang dumiretso sa canteen para bumili ng pagkain pero biglang nagbell na

Hayyy nako ayoko naman malate kaya dumiretso na lang ako sa room namin

Natapos na ang buong klase at uwian na. Uuwi na sana ako ng biglang may nagtext sakin

From: Christian

Hintayin namin kayo ah.

Ayyy oo nga pala nakalimutan ko na.

"Guys oo nga pala pupunta pa tayo sa school nila Christian" sabi ko sakanila

"Ayy oo nga pala gosh nakalimutan ko na" sabi ni sophie

"Ako rin eh" pagsa sang ayon ng iba

Pumunta na kami sa school nila Christian ang Xander High University itong school na 'to ang palagi kong nababalitaan na kalaban ng Winston University

Inabangan namin sila sa may guard house at ilang minuto lang ay dumating na sila

*Krrrr* *Krrrrr* *Krrrr*

Gutom na talaga ako ano ba yan pagdating ko talaga sa bahay kakain ako ng kakain

"Guys sorry ha pinaghintay pa namin kayo. Ito nga pala yung new friend ko si Lucas" ahhh eto pala yung sinasabi ni Christian

"Hi i'm Tricia"

"Hi i'm Sophie"

"Hi i'm Ritz"

"Hi i'm Pauline"

Bati ng mga kaibigan ko kay Lucas

Ako na lang pala yung hindi bumabati sakanya

Hmmmm

"Hi" winave pa nya yung kamay nya sa harapan ko "I'm Lucas Matthew Lopez and you are?"

"I'm A-a--------"

Hindi ko na naituloy ang pagpapakilala ko dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko

A/N:

Dahil birthday ko pinilit kong mag update Hahaha.

Siguro po sa bakasyon na po ulit yung update. Sorry po : (

Enjoy reading!

A childhood friendWhere stories live. Discover now