ACF 4

199 15 2
                                    

Lucas POV:

Ngayon daw sakin ipapakilala ni Christian yung mga kaibigan niyang babae. Kaya pagka dismiss pa lang ng teacher namin ay agad na nya akong hinatak papunta sa exit ng school dahil kanina pa daw naghihintay yung mga babae

Pagpunta namin dun nakatalikod yung isang grupo ng mga babae yun yata yung tinutukoy ni Christian na mga kaibigan niya

Humarap na sila at sa gulat ko parang di na ako makapag salita. Siya? Isa siya sa tinutukoy ni Christian na kaibigan niya?

"Guys sorry ha pinaghintay pa namin kayo. Ito nga pala yung new friend ko si Lucas" pagpapakilala ni Christian sakin kila Avy

Nginitian ko naman sila kasi nga walang lumalabas ni isang salita sa bibig ko.

"Hi i'm Tricia"

"Hi i'm Sophie"

"Hi i'm Ritz"

"Hi i'm Pauline"

Bati sakin ng mga ka barkada nya

Pero si Avy ayun pa rin tulala hindi ko alam kung bakit.

"Hi" Winave ko yung kamay ko sa harapan nya at ayun natauhan naman siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hi" Winave ko yung kamay ko sa harapan nya at ayun natauhan naman siya. "I'm Lucas Matthew Lopez and you are?"

"I'm a-a-----" nagulat na lang ako ng bigla siyang bumagsak, buti na lang ay nasalo ko siya

"Iuuwi ko na siya sa bahay nila ako na bahala ako na magpapaliwanag kay tita Anj" natataranta kong sabi at saka kinarga siya buti na lang nandito na yung driver namin

"Ha? Paano mo nalaman yung pangalan ng mommy niya?" Tanong ni Tricia

"Alam mo ba kung saan ang bahay nila?" Tanong naman ni Sophie

"Ayy nako tama na yung mga tanong na yan" seryoso sabi ni Pauline at binawal niya yung dalawa "sige na lucas ihatid mo na siya" sabi niya at tumango siya sakin. May pagka misteryoso itong si Pauline.... Mukhang may alam siya

Mabilis na nagdrive si manong papunta sa bahay nila Avy. Oo alam din niya kung saan ang bahay ni Avy dahil kapit bahay ko lang siya. Siguro hindi niya ako kilala dahil hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay simula nung mga di inaasahang pangyayari. Hindi man niya ako kilala pero ako kilalang kilala ko siya.

Kahit di man niya ako naaalala okay lang hindi naman mahalaga yun sangayon

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila

Hindi ko alam kung bababa ako para ihatid sya o yung driver na lang namin ang bahala sakanya

Para akong naduduwag.....

Mas importante sakin ang kalagayan niya kesa sa pride ko

Buhat buhat ko siya at yung driver naman namin ang nag doorbell

Pinagbuksan kami ng isang matandang babae..... si Manang

"Hijo ikaw pala yan binata ka na, matagal na kitang di nakikita di ka man lang lumalabas sa bahay niyo at hindi ka rin naman na dumadalaw dito" sabi ni manang "ayyy ano nangyari kay Avy sus maryosep" napahawak siya sa kanyang noo "halika dalin natin siya sa kwarto niya"

A childhood friendWhere stories live. Discover now