LCBN 10

7.3K 175 2
                                    

Clark's POV

Sunday na ngayon at 8am na kaya pumunta na ako sa kwarto ko kasi sa bakanteng kwarto ako natulog kasi naman di ako sanay na may katabi at baka pagalitan ako nila mommy at daddy pag di ko pinatulog sa kwarto ko si Reissy kaya siya na dun ako na sa bakanteng kwarto.

Pero pagbukas ko ng pinto wow lang feel niya talagang kanya ang kwarto ko ha para ilock!! Kaya kinatok ko na !!

TOK!! TOK!! TOK!!

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto KO. Pero Ganda ng view hahahahahaha pero di ko naman pinahalatang nasasayahan ako sa nakikita ko. Kasi naman ikaw kaya makita mo ang babaeng maganda na naka nighties na manipis tapos makikita mo ang suot niyang bra at panty. Pero wag niyo pong isiping na mamanyak ako ha?! Suntukin ko kayo gamit siko ko!!

Kaya tinignan ko siya head to toes tapos balik sa mukha niya. hahahahaha ang ganda niya pala kahit bagong gising. At opo inaamin ko namang maganda siya yun nga lang binawe naman pag dating sa ugali niya.

Patingin tuloy siya sa sarili niya dahil napansin ata niya ang ginawa ko kaya napayuko siya at tumabi para maka daan ako papasok sa kwarto kaya pumasok na ako kasi anong oras na baka matalakan ako ni Honey sakit panaman nun sa tenga. 

Kaya pagpasok ko ay kinuha ko na agad ang towel ko sa lagayan at pumasok na ako sa banyo. Pag pasok ko sa banyo ay naligo na agad ako at after ilang minuto di ko kasi alam kung ilang minuto akong naligo ay nagbihis na ako ng sports bra, panty at boxer shorts meron naman kasi akong cabinet ng mga underwear sa loob ng CR ko noh. 

Paglabas ko ng CR ay naka sports bra lang ako at boxer shorts sanay na kasi akong ganito kahit pa may taong maka kita sa katawan ko bahala sila mainggit sa abs ko MWAHAHAHAHAHAHA!!

Habang kumukuha ako ng damit ay nagulat ako dahil sa binato sakin at sakto pang sa ulo ko talaga tumama!! PAKSIW KANG BABAE KA!!

Me:SHIT!! ANO BAT KA NAMBATO!!?? PAREHAS LANG KAYO NI HONEY EH NAMBABATO NG UNAN GAYA NUNG NAKITA NIYA AKONG NAKAGANITO!! 

Sorry di ko napigilan bibig ko kasi ikaw ba naman biglang batuhin ano reaksyon mo kahit wala ka naman ginawang masama. Pero parang may mali ata sa sinabi ko kasi biglang sumama timpla ng mukha ng babaeng dragona na mataray at biglang kumuha ng towel at pumasok sa CR. 

Ehh??? Naka hithit ba ng katol yung babaeng yun o ng vulcaseal?? Bat ganon yon?? Kayo may idea kayo kung bakit?? Kasi ako wala eh.

Ayun pinagpatuloy ko na pag bibihis ko kasi bastos yung babaeng yun tinatanong di sumasagot. Pagtapos kong magbihis ay bumaba na agad ako at dumiretso kusina para kumain kasi kelangan ko ng energy dahil sa gagawin namin ni Honey. Kasi nga diba tuturuan ko siyang mag drive?? Remember? Geh alalahanin niyo kasi kakain na muna ako habang nag iisip kayo. 

Habang kumakain ako ay bigla kong nakita si Reissy na papasok sa kusina at biglang umupo sa tabi ko at kumain. Wow lang si Flash ba tong babaeng to?? Ilang minuto palang bago ako kumain dumating agad tong babaeng to na nakaligo na!

Naayos man lang ba niya ang pagligo ?!

Ay hala oo nga pala may kelangan pa pala akong sabihin sa kanya. Di na dapat pakialaman kung na ayos man o hindi pagligo niya kasi katawan niya yan.

Me: Reissy aalis ako ngayon pupunta ako kila Honey at ayusin mo nalang muna yung gamit mo dun sa kwarto. Tsaka dun nalang ako matutulog sa kwarto na tinulugan ko kagabi kasi di ako sanay na may katabi at kung magtanong man sila mom at dad kung tabi tayong natutulog sabihin mong oo. 

Plain kong sabi kay Jane pero parang badmood ata ang dragon o sadyang meron lang siya ngayon? Kasi bigla niyang binagsak ng pagalit ang kutsara at tinidor niya sa plato katakot~~!  Kaya napatingin ako sa kanya at tama nga badmood ata talaga kasi naka kunot na naman noo niya.

Jane: SASAMA AKO SA PUPUNTAHAN MO AT SASAMAHAN MO KO SA PUPUNTAHAN KO NGAYON!! AT KUNG INIISIP MONG MAG SISINUNGALING AKO SA MGA PARENTS MO AY ISANG MALAKING...................... NO ANG ISASAGOT KO SAYO!! MAGTATABI TAYO SA PAGTULOG MAMAYA!!

HUWAAAAHHH!! Lord please help me. Mommy daddy promise di ko na kayo bababaan ng telephono pag tatawag kayo kahit utusan niyo po akong matulog sa labas ng bahay ay gagawin ko o kung di niyo na po ako bilhan ng bagong issue na mga cars wag lang po ang ganito PLEAAASSEE!! sa isip kong paghinge ng tulong. 

Nakakatakot ang babaeng to huhuhuhuhuhu. WALA NA di ko pa asawa ang babaeng to under ko (T.T)

Me: O-okey p-po. 

Jane: Good (-.^)

Nakataas kilay niya pang sabi niya huhuhu demonya. DEMONYA ang babaeng to!!! Siguro tuwang tuwa tong babaeng to! huhuhuhuhu.

Pagtapos namin kumain ay umalis na kami sa bahay at gamit ko ngayon ang bago kung car na pinabili dati kila mom at dad na katulad sa binigay ko kay Honey.

Habang bumabyahe kami tahimik lang ako pati rin si Jane. Ewan ko kung bat siya tahimik kasi ako takot akong magsalita baka mabugahan ako ng apoy netong babaeng to.


Jane's POV

Habang bumabyahe kami ay naiisip ko parin yung sinabi ko kanina habang kumakain kami. Gusto kong tumawa kanina dahil sa reaksyon niya. HAHAHAHAHAHA

Ganon lang naman pala dapat eh para mapatabi ko siya sa pagtulog. Pero talagang nag init ulo ko kanina dahil sa sinabi niya. Honey na naman kasi lumabas sa bibig niya kahapon may honey ngayon naman merong honey pakainin ko kaya to ng maraming honey para mag sawa!!

Pero ang tahimik eh. Nakakarindi ang katahimikan dito sa loob ng kotse niyang mamahalin sarap sirain kaya nag salita na ako.

Me: Hoy Clark san tayo pupunta?!

Pataray kong tanong wala eh trip ko siyang takutin kasi alam kong kanina pa to takot.

Clark: K-kila H-honey...

Di pa ata tapos sasabihin niya kasi naka bukas pa bunganga niya nung tinignan ko siya ng masama at naka taas pa ang isang kilay ko tapos bigla niyang sinara bibig niya nung napansin niyang nakataas ang isang kilay ko.

Me: ANO MO BA TALAGA YANG HONEY MO NA YAN!? GIRLFRIEND MO BA YAN HA!? KASI KUNG GIRLFRIEND MO SIYA HIWALAYAN MO NA KASI ISUSUMBONG KITA SA MAMA MO AT PAPA MO!!

Galit kong sabi sa kanya parang natakot naman siya kaya na uutal pa siyang mag salita.

Clark: N-no s-she's not m-my g-girlfriend just k-know all about her f-first. 

Me: SIGURADUHIN MO CLARK TANDAAN MO FIANCE KITA!! 

Tapos kong sabihin yan ay umayos na ako ng upo at nag cross-arms pa habang nakataas parin ang isang kilay. Wag niyo kong sisihin kung bat ako ganito kasi naiinis talaga ako ngayon kasi di ko rin alam kung bat ganito nararamdaman ko.

~after 10minutes~

Nakarating kami sa isang bahay na kasing laki ng bahay namin. Tapos may lumapit na guard sa driver side kaya binuksan ni Clark ang bintana. Pero nag tataka ako kung bat pinapasok agad nung guard si Clark. Lagi ba siya dito kaya kilala na agad siya?!

Pagpasok namin ay pinarada ni Clark ang kotse niya sa harap ng pinto ng bahay nila Claire. Sigurado akong kila Claire to kasi meron pang apelyido nilang nakalagay dun sa gilid ng gate nila na medjo maliit na tama lang para mabasa.

Bumaba na agad si Clark ng kotse tapos niyang pinatay ang makina ng kotse. Tapos bigla niyang binuksan ang pinto sa shotgun seat kung saan ako naka upo. Good buti alam na niya ang dapat gawin. 

Nang makababa ako sa kotse ay pumunta na agad kami sa pinto nila at si Clark ang nag doorbell. Pero sandali lang matapos siyang mag doorbell ay biglang bumukas ang pinto at nagulat ako ng bigla siyang niyakap ng BABAE!! PUTSPA!! Fiance ko palang ang unggoy na to may kaagaw na ako?!! 

Pero wait tinignan ko ang itsura ni Clark parang kinakabahan at tinignan ko naman yung babae na yumakap sa kanya ng masama at nakilala kong si Claire ang yumakap sa kanya. Nung nakita ako ni Claire sa likod ni Clark ay bigla siyang napabitaw sa pagyakap.

Clark: H-hon pasok muna t-tayo.

Tumango naman si Claire at pumasok na kami. Andito kami sa sala ng bahay nila claire at may nakita naman akong family picture ni Claire at nakita ko ang MAMA ni CLARK??!

Tignignan ko naman si Clark na parang nag tatanong ng is-that-your-mother-look habang papalit palit ng tingin kay Clark at sa Family picture na naka sabit sa ding-ding.

.
.
.
Clark's POV

HUHUHUHUHUHUHU nakakatakot talaga tong babaeng to. Lalo na kaninang nasa loob kami ng kotse. Buti nalang nakarating na kami sa bahay nila Honey kaya pagkarating namin ay pumasok agad kami sa bahay nila Hon kasi nakakatakot po yung tingin kanina ni Jane lalo na nung nakita niyang niyakap ako ni Honey kaya kinabahan ako.

Pagpasok namin sa bahay nila Honey ay inikot ni Jane ang mata niya sa bahay nila Honey at pansin kong napako ang tingin niya sa Family pic nila Honey. Kaya tinignan ko siya at bigla naman siyang tumingin sakin na parang is-that-your-mother-look. Ay hala oo nga pala. Kaya nagsalita na ko baka kasi ano isipin niya.

Me: That's not my mother, Mommy yan ni Honey actually Kambal yan ni mom. 

Opo kambal po ni mom ang mama ni Honey di lang kapatid kundi kambal talaga. Kaya parang nawala naman yung inis niya na kanina pa na mumuo. Hayy sawakas na isip na siguro niyang pinsan ko si Honey. Pero parang nagdalawang isip pa ata kasi nagtanong pa.

Jane: Bat Honey tawag mo sa kaniya?! Eh Claire lang name niya at alam yun ng buong school!!

HALA!! LESHEFLAN!! Pahamak na pangalan yan ni honey!! 

Honey: Then kung ano man ang alam niyo sa school ay di yun totoo kasi ang pangalan ko ay Honey Claire Smith Jones.

WAAAAAA!! HONEY THANKYOU VERY MANY AND SO MUCH AND FOR LOVING ME COUSIN!! Ay takte ang drama ata. Ahh basta salamat pinsaaaanannn niligtas mo ako sa kapahamakan para ka nang si darna ng aking buhay ngayon. Pero sa isip lang yan. baka kung ano pang gawin sakin ni Jane pag narinig niya yan.

Me: O-oo ttama yun Honey Claire name niya kaya Honey tawag ko sa kanya kasi ayaw kong may ibang tumatawag ng honey sa kanya. 

Honey: Same as me ayoko din na may ibang tumatawag sa kanya ng SID kasi ako naka isip ng nickname na yun para sa kanya. 

Napatango naman si Jane bilang sagot hayyy sawakas di na galit ang dragon.

Me: Hon ano na? Tara na turuan na kita??

Cool kong tanong kay Honey kasi alam kong alam na ni Jane na magpinsan kami. Pero parang mali ata sinabi ko kasi nag alboroto na naman ang isa.

Jane: ANONG TUTURUAN?! ANO ITUTURO MO SA KANYA?!! 

Me: A-ahmmm t-tuturuan ko siyang mag d-drive ng kotse kasi m-meron akong binigay sa k-kanya na kotse gaya dun sa gamit ko p-punta d-dito.

Jane: Okey sasabay ako sa gagawin niyo. 

Takteng dragon sarap katayin eh kung di lang tao to dati ko pa to kinatay dahil dati pa ako inis sa kanya simula nung nakabunggo ko siya.

Kaya lumabas na kami sa bahay nila Honey at sumakay na sa kotse na gamit ko. Sa backseat umupo si Honey kasi mabilis na pumasok sa shotgun seat si Jane. At pumunta na kami sa Race track na pag mamay-ari naming mga Smith. Dun ko kasi tuturuan mag drive si Honey para safe wala naman gumagamit ng race track ngayon kasi pinareserve namin ang buong place para lang samin ngayong araw.

Pagdating namin ay hininto ko muna ang kotse malapit sa kung saan may pwedeng ma upuan. 

Me: A-ahmm Reissy p-pwede hintay ka nalang muna dun sa upuan? 

Jane: No. I'll go with you ako nang uupo sa backseat.

Me: O-okey. 

Kaya ayun nag palit na kami ng mauupuan si Jane nasa backseat at sa shotgun seat si Honey sa Driver seat.  Pero bago pa umopo kanina sa Driver seat si Honey ay parang tinignan niya ako ng explain-everything-what's-happening-between-you-to-look. Kaya tumango naman ako. Kaya ayun nag start na kami at tinuro ko na kay Honey ang pinakaimportanteng malaman. 

After ilang oras ng pagtuturo ay natuto naman ng mabilis si Honey kasi alam kong fast learner din to gaya ko.

Pagtapos namin dun sa race track kung saan nag kakarera ang mga F1 racers ay umalis na kami at bumyahe na kami papunta sa mall. Kasi sasama din daw si Honey sa pag shoshopping. 

OH NO!! DUMOBLE ATA PARUSA NG SANGLIBUTAN SAKIN!! HUHUHUHU SARAP MAG BIGTI MAG LASLAS AT MAGPA GWAPO!! Erase niyo nalang po yung bigti at laslas kasi baka mawala ang pinaka gwapong tomboy sa mundong ibabaw. HAHAHAHAHAHAHAHAHA PERO HUHUHUHUHU BAWAL IPAG SAMA TONG DALAWANG BABAENG TO SA MALL!! GAGAWIN LANG NILA AKONG ALILA!! 

Masasayang ang ka gwapuhan ko neto sa dalawang to dahil pabubuhatin lang nila ako!! At oo alam ko nang mangyayari pagdating mamaya sa mall. (T_T) RIP POGING AKO RESULTA NETO MAMAYA!

PORSYUR PEKSMAN MAMATAY MAN SI BATMAN!!

Loving the campus butch nerd (gxg) (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon