LCBN 5

7.8K 171 4
                                    

 Clark's POV

Andito na ako ngayon sa classroom at ako na naman ang pinag uusapan dahil sa nangyari kanina. At eto ako ngayon naka tingin lang sa labas ng bintana habang binabato ako ng mga papel ng magagaling kong classmates.

Gusto niyo malaman kung ano ang nangyari kanina kung bat nila ako ginaganito?

*flashback*

Habang nag lalakad ako sa corridor kanina ay bigla akong may narinig na sumigaw.

????: BEBE BOYYIIEEEE!!! WAIITT!!!

Kaya ayun naka agaw pansin yung sumigaw pero ako binalewala ko lang kaya patuloy lang ako sa paglalakad. Pero biglang may naramdaman akong yumakap sakin tapos meron pang sinabi.

????: Bebe boyyiiiee miss ka na daw nila mom at dad dalaw ka daw ulit sa bahay :) Byeee mwaaaahh (sabay halik sa chiks ko tapos umalis)

Lintik na HONEY yun!! Opo si honey yun!! Pinagtripan na naman akong tawaging bebe boyiiiee gaya ng tinatawag ng papa niya sakin.
(-,-" )

Kaya nung umalis na si honey ay nag simula na namang mag tsismisan yung mga estudyante.

S1(student1): Bro, Syota ba ni Miss Claire yang nerd na tomboy na yan?!

S2: Dude, Di ko rin alam kaya wag mo ko tanungin.

At kung ano-ano pang pinag sasabi nila about samin ni Honey. Hanggang sa may isang lalaking lumapit sakin at kinwelyohan ako.


Boy: Hoy nerd!! Bat ka hinalikan ni Miss Claire?!

Me: *shrugs*

Boy: Sumagot ka ng maayos nerd!!

Me: Bat ako tinatanong mo? Bat di si Honey ang tanungin mo
? Ako ba ang nanhalik ha?

Kaya ayun umalis na ako wala silang kwentang kausap. at pumunta na ako sa room.

*end flashback*

Hay kanina pa sila nangbabato ng papel at nanlalait tungkol sa pagiging lesbian ko. Di ba sila nauubusan ng ipanghuhusga sakin at papel na ipangbabato? At dahil sa di na ako makapag timpi tumayo na ako at hinarap sila para kausapin.

Me: Try to throw any single paper on me again and all of you will be bankrupt. (cold kong sabi)

C1(classmate1): Huh!! Wag mo nga kami tinatakot!! Isa ka lang scholar dito sa CU pano mo magagawa yan?

Me: Sinabi ko bang tinatakot ko kayo?

C2: Tumigil ka na nga nerd!! Wag kang magpatawa!! Kaya Batuhin na yang nerd na yan.

Kaya ayun nag pinagbabato na naman nila ako. Hay bahala na nga sila. Tama nga naman kasi sinabi nila Scholar lang ako dito pano ko magagawa yun.

Yun din kasi ang gusto ko ang palabasin na scholar lang ako sa mismong school ko. Haayy maka tulog na nga lang. Wala pa din naman ang teacher eh. Bahala sila kung ma ubusan sila ng papel at ng laway!

Jane's POV

Andito kami ngayon ni Shan sa corridor nag lalakad at may naririnig kaming tsismis tungkol sa isang nerd at kay Honey Claire sikat din dito sa CU dahil maganda at mabait.

Boy1: Dude, Try mo nalang natin mag tanong kay miss Claire kung syota niya ba yung nerd.

Boy2: Bro di mo ba nakita na hinalikan ni miss Claire yung nerd kanina sa pisnge?! Di ba obvious na syota niya ?! Kahit kailan wala pang nakakita o naka balita man lang na may hinalikan si miss Claire dito. Pwera nalang dun sa nerd na tomboy na yun!!

At kung ano-ano pa.

Shan: Best baka si Clark yung tinutukoy nila na hinalikan ni Claire??

Kaya nainis ako. Ewan ko kung bakit.

Me: Best pwede ba wag ka na maki sali sa tsismis nila??

Shan: *tango*

Kaya ayun naglakad na ulit kami papunta sa room. Pag bukas namin ay bumungad agad ang mga ka klase kong maiingay at kung ano-ano ang pinag sasabi kay nerd habang binabato pero yung nerd? Ayun tulog lang. 

Me: TAHIMIK!! Ang iingay niyo!! Ang aga-aga ganyan kayo!

C1: Sino di iingay e kung ang nerd na yan syota ni miss Claire!! 

C2: Kaya nga tapos tomboy pa!! Sinisira niya pangalan ni miss Claire dito sa CU!!

Taena bat parang na inis ako ng marinig ko ang sinabi nilang syota netong nerd si Claire?! Inis naman ako sa kanya at di ko rin siya ganun ka kilala.

Me: Sigurado ba kayong syota niya talaga si Claire?!

Shan: kaya nga bat natanong niyo na ba si Claire kung syota niya talaga yang nerd na tomboy na yan??

C3: Hindi pa pero nakita naming hinalikan ni miss Claire si nerd kanina habang nasa corridor!!

Dahil sa inis ko at ewan ko kung bakit ako na iinis. Ay pinuntahan ko si nerd at sinipa ko ang upuan niya kaya muntik siyang ma laglag kaya tumayo siya at naka pikit pa ang mga mata.

Me: HOY NERD TOTOO BA SINABI NILA NA SYOTA MO SI CLAIRE?! (while turo sa mga ka klase ko)

Clark: bat di si Honey tanongin niyo??  

Me: Lakas mong tawaging Honey si Claire!! 

Clark: Eh sa yun tawag ko sa kanya eh ano magagawa mo? Bahala na nga kayo maka alis na nga dito.

Kaya ayun umalis si nerd sa room. ASAR!! Bat honey ang tawag niya kay claire?!! Claire Jones lang naman ang buong pangalan ni Claire diba?!! 

Me: Hoy kayo tanongin niyo si Claire kung ano niya talaga yung nerd!! 

Utos ko sa mga ka klase ko. Ewan ko kung bat interesado ako sa nerd na yun. Ang totoo neto ay di pa ako naging interesado sa ibang tao simula nung umalis si Arky at naging bully ako dahil miss ko na ang pang aasar ko kay arky dati. 

Shan: Best bat ka interesado sa nerd na yun?

Me: Di ako interesado sa nerd na yun. Tara upo na tayo.

Segway ko sa tanong ni Shan.Kaya ayun nagsiingay na naman sila. Pero biglang na tahamik kasi dumating ang teacher. At nag simula nang mag klase pero di parin bumabalik yung nerd.

Clark's POV

Mga siraulong klasemate na to!! Pasalamat sila wala akong ginawang masama sa kanila. Di naman kasi ako masamang tao noh. kaya lumabas nalang ako sa room at umakyat sa rooftop para matulog di naman ako interesado sa pakikinig sa turo ng mga teacher eh.

Pagtapos ng ilang oras na pag tulog ko ay sawakas LUNCH BREAK NA!!! Kaya bumaba na ako sa rooftop para pumunta sa cafeteria para kumain. Masama kaya malipasan ng gutom.

Habang pumipila ako para maka bili ng pagkain ay biglang may nang hila sakin. Ano to ganito nalang hilaan? Walang pasabi? Kaya tinignan ko kung sino ang nanhila sakin. Ay si Honey pala kaya okey lang hihihihi.

Me: Hon bakit mo ko hinihila??

Tanong ko kasi naman di ko alam kung bakit niya ako hinihila. Ginagaya niya siguro ang ginawa ko kagabing pang hihila sa kanya pero mas okey pa yung sakin e kasi may pasabi. Meron nga ba? Ah bahala na.

Honey: Bebe boyy kakain tayo meron na akong binili na food para satin kaya punta na tayo sa table na nireserve ko para satin.

Me: Ahmm Hon pwede wag na manghila kasi pinag titinginan na po tayo at pinag ttsismisan oh.

kaya ayun binitiwan na niya kamay ko at na una na siyang mag lakad kaya sumunod nalang ako.

Pagdating namin sa table na nireserve niya DAW. Ay nakita ko agad ang mga food na binili niya. WOW lang!! Puros pa talaga mga favorite ko!!

Me: Hon? Pyesta na ba? O Birthday ko? O Birthday mo?

Honey: Tange wala ni isa sa tanong mo! Kasi treat ko yan sayo para dun sa bigay mo sakin at sa gagawin natin sa Saturday at Sunday :) Geh upo ka na wag mo na pansinin yang mga nagttsismisan.

Kaya ayun umupo na ako at kumain bahala siya basta ako kakain ako. MEHEHEHEHE.

Pero mas lalong lumakas ang tsismisan nila nung sinubuan ako ni Honey.

Me: Hon wag mo na akong subuan kasi mas pinag tsismisan tayo oh tapos pinag kakamalan pa tayong mag syota.

Honey:Dont worry ko bahala.

Kaya ayun tumayo siya at sumigaw.

Honey: TUMIGIL KAYO SA KAKATSISMIS DIYAN!! WALA KAMING GINAGAWANG MASAMA NI SID KAYA TUMIGIL KAYO!!

Kaya Umupo na siya matapos niyang sabihin yun. Wow lang.

Me: Wow hon kelan ka pa natuto gumanon??

Kasi di naman siya sumisigaw sa harap ng maraming tao eh.

Honey: Ngayon lang kaya wag ka na mag reklamo kaya eto oh kain ka pa bebe boyyiiee :)

Me: Hon naman e wag mo kong tawaging ganyan. Naiilang na nga ako pag tinatawag ako ng ganyan ng papa mo tapos gagayahin mo pa.

Honey: Pero...

Di na tuloy sasabihin ni Honey dahil merong sumingit sa usapan namin habang kumakain.

????: Pwede makiupo??

Kaya ayun nilingon namin. Pero si Honey ang sumagot sa tanong niya.

Honey: Okey. may mauupoan pa naman eh.

Kaya ayun umupo na sila miss bait at miss taray. Opo sila dalawa yung nakiupo samin. Kaya pinagpatuloy ko naman pagkain ko at etong si Honey patuloy parin sa pagpasubo ng pagkain sakin.

Me: Hon naman eh wag mo na akong subuan kaya ko naman kumain mag isa.

Honey: Ganon?!! Kahapon nga lang halos wala ka nang suot sa harap ko tapos ngayon ganito lang ayaw mo?! Isumbong kita kay daddy jan eh!! 

Kaya napaface palm ako sa pinag sasabi niya di ba niya alam na may kasabay kami dito sa table??

Miss bait: aahheem

Honey: Ayy sorry kalimutan kong may kasama pala kami :). 

Miss bait: Ahmm Claire pwede mag tanong?

Di ba niya alam na nag tatanong na siya? Himala si miss taray tahimik lang ngayon pero ang sama maka tingin sakin ano na naman kaya problema ng babaeng to?


Jane's POV

Hanggang nag lunch break ay di bumalik sa klase si nerd. Pero ngayon nakita ko siyang kumakain ng lunch kasama si Claire?!! ASAR TONG NERD NA TO AH!! Ay teka bat nga ba ako na aasar?? Ah basta. 

Kaya hinila ko na si shan papunta sa table nila at binulongan ko muna si Shan.

Me: Best ikaw mag tanong kung pwede tayo makiupo sa table nila.

Tumango naman siya bilang sagot. Pero pagdating namin sa table nila narinig pa namin ang usapan nila nung matapos sumigaw si Claire.

Clark: Wow hon kelan ka pa natuto gumanon?? 

Claire: Ngayon lang kaya wag ka na mag reklamo kaya eto oh kain ka pa bebe boyyiiee :)

Clark: Hon naman e wag mo kong tawaging ganyan. Naiilang na nga ako pag tinatawag ako ng ganyan ng papa mo tapos gagayahin mo pa.

Kaya sinenyasan ko na si Shan na mag salita kaya naputol ang sasabihin ni Claire.

Shan: Pwede makiupo??

Nilingon naman nila kami. Pero si Claire lang ang sumagot sa tanong ni Shan.

Honey: Okey. may mauupoan pa naman eh.

Kaya ayun umupo na kami. Pero patuloy lang sa pag kain si nerd at si Claire naman sinusubuan pa ang nerd na to sarap suntukin ng nerd eh sarap na sarap pa sa ginagawa ni Claire sa kanya. Pero biglang nag salita si  nerd. 

Clark: Hon naman eh wag mo na akong subuan kaya ko naman kumain mag isa.

Tama nga naman siya bat pa kasi siya sinusubuan may sarili naman siyang kamay ah?!

Honey: Ganon?!! Kahapon nga lang halos wala ka nang suot sa harap ko tapos ngayon ganito lang ayaw mo?! Isumbong kita kay daddy jan eh!! 

Ano?! Halos naka HUBAD!? Magsyota ba talaga to silang dalawa at ganyan sila?! Teka ang green na ata ng iniisip ko. ERASE ERASE. Pero di ba nila na aalala na may kasama sila dito sa table?

Shan: aahheem

Buti nalang at umiksena tong bestfriend ko kasi kung hindi baka kung saan ma punta ang usapan nila.

Honey: Ayy sorry kalimutan kong may kasama pala kami :). 

Shan: Ahmm Claire pwede mag tanong?

Kaya tumahimik lang ako kasi kanina pa namin na pag usapan ni best na tanongin si claire about kila nerd. At tinignan ko ng masama si nerd. Di ko talaga alam kung bat ganito ako ngayon.

Honey: Ano yun??

Shan: Ahmmm totoo ba yung balita tungkol sa inyo ni Clark?? 

Honey: Ahh yung tungkol samin. Ahmm sid sabihin ko ba? (sabay lingon kay nerd)

Shit baka may relasyon nga sila!! Di pwede to!! 

(at bakit di pwede?)- author

(kasi sabi ko! Wag ka na makialam author!!)-me

(k fine wat evs)-author

Naghintay kami sa sagot ni nerd pero ang sagot niya isang kibit-balit lang! Asar to ah!!

Honey: Si Clark nalang tanongin mo Shan kasi siya dapat ang magsabi eh.

Kaya ayun tumango lang si Shan. Kaya kinurot ko na ng mahina ang tagiliran ni Shan para tanongin na si nerd.

Shan: Ahmm Clark pwede ikaw nalang sumagot nung tanong ko kay Claire?

Tumango naman si nerd kaya hinintay namin ang sagot niya.

Clark: Yung tungkol sa balita about samin ni Claire mag
.
.
.
.
.
.
KRIIIIIIIIIIINNNNGGGGG!!!!!!!!

AY LETCHENG BELL YAN!!! 

Di pa tapos sasabihin ni clark ay biglang tumunog yung bell!! Letche sino na kasi naka imbento ng bell na yan!?? Kaya ayun tumayo na sila ni claire at clark kasi mag sisimula na daw ang klase kaya tumayo narin kami. Alangan naman tutunganga lang kami dito? Edi malate pa kami?

Kaya ayun na una na sila Claire at Clark sa paglalakad habang naka hawak pa sa braso ni Clark si Claire. Mag syota ba talaga ha?! SAGOT!!!



Someone's POV

Hayyy di man lang ako nahirapan na hanapin ang pinakamamahal ko pero meron lang linta na nakadikit sa kanya! Sarap budburan ng asin e!!!

Pero gagawin ko ang lahat para mapansin niya ko at mahalin.

Loving the campus butch nerd (gxg) (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon