"Show us how sexy you are Marga!"

Hindi alam ni Marga kung ilang oras na silang nagsho-shoot pero kahit gano'n hindi man lang siya nakaramdam ng pagod. Mas lalo tuloy siyang ginanahan sa tuwing makakarinig siya ng magagandang salita galing sa photographer at sa ibang staff.

"Come on! Seduce us!"

"Wow! You two looked awesome!"

Kahit naiinis na siya dahil minsan kung saan-saan na dumadapo ang kamay ng kanyang kasama ay sige parin siya. Totoo talagang napakamanyak ng lalaking 'to.

Tinitigan niya ang mukha nito. Nick Zeder is a gifted man physically pero kahit gano'n hindi siya nakaramdam ng kahit ano rito bagkos ay inis. Siguro kung ibang babae ay mabilis na mahulog sa kagwapuhan nito pero siya ay hindi. Idagdag pa ang pagkamanyak nito, sobrang nakakaturn-off.

"Come on! Come on! Give us more! Show us more!"

Pero kahit gano'n nag-eenjoy parin siya. She's really into modeling.

"That's a wrap baby!"
















-----

(SHE is really awesome! Man, I feel like she's the one.)

Masayang kwento ni Nick sa pinsan nasi Zetch.

Humigpit ang hawak ni Zetch sa kanyang cellphone.

He is so into her! Ano bang nakikita niya sa babaeng 'yon?

(And damn! We will be having a date tonight.)

He rested his back on his swivel chair at kaagad na nabitawan ang ballpen na hawak.

"Ah, what?" Tanong niya. Siguro mali lang ang pagkakarinig niya kanina.

Tumawa ang kabilang linya.

(Dude, we'll be having a date tonight.) Ulit ni Nick sa kanyang sinabi.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zetch.

"Really?" He said more of sarcastic.

(Uh huh! I'll make sure that Marga will be mine after this night.)

Napa-tsk siya. Ni hindi man lang nito nabantayan na nagiging sarkastik na siya. Gano'n ba nito kagusto ang babae?

Muling tumaas ang sulok ng labi ni Zetch. Mas tumindi ang galit niya sa babae dahil sa mga narinig niya ngayon sa pinsan. Napakalandi talaga nito na maski pinsan niya inakit.

Kumuyom ang kamao niya. Pagkatapos nito sa kanya kahapon, ngayon pinsan na naman niya? Wala siyang pinagkaiba sa ibang babaeng nakilala niya. He's sure na bubukaka na naman ito kay Nick. He cringed of the thought.

So, she let me took off her virginity para sa ibang lalaki? Para hindi siya pagtawanan ng mga lalaking ikakama pa niya dito sa Amerika? So disgusting!

"Man, what makes you like her? I think she's not good enough. I mean, she's no good for you." He said with full of honesty.

Tumawa ang kausap niya. (Uh, uh. Don't say that, I've seen things you haven't seen about her. I think she's the one.)

Tumawa siya ng pagak.

"The one that will break your heart huh?"

(Man! Why don't you just support me, huh?) Tumatawang saad ng kabilang linya.

Agad na sumeryoso ang mukha ni Zetch sa sinabi nito. He don't know if he'll support him or not. He knew what kind of woman is Marga, napaka-desperada ng babaeng 'yon pagdating sa bagay na gusto nito. Naiisip niyang baka inakit nito ang pinsan niya para saktan lang at paasahin at ayaw niyang mangyari ito rito. Marga is nothing but a total bitch.

A Million Dollar Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon