MARAMI PA ANG GUSTONG MAKIPAG SAYAW KAY MYLA.

Jewel: Grabe Myla, kotang kota ka na ah? Hahaha! Ang daming nakipag sayaw sa'yo.

Myla: Napapagod na nga ako eh hehe.

Jewel: Ikaw na talaga! Famous ka na masyado!

Myla: Uy hindi ah?

Jewel: I'm sure magiging famous ka sa buong Gabner!

Myla: Bakit naman?

Jewel: Eh kasi nag shine ka talaga ng husto tonight! Hahaha.

NAKATINGIN NAMAN SA KANILA SINA BRITANNY AT ELLE.

Britanny: I really hate her! Masyado na siyang papansin!

Elle: Well, let's admit it she's really stunning.

Britanny: Shut up!

NATAHIMIK SI ELLE.
••••••••••••••••••
10PM NA NANG MATAPOS ANG SCHOOL PARTY.
PAUWI NA SILANG LAHAT.
MAGKAKASAMA SINA MYLA, JEWEL, NELO AT SYD.

NAG RING ANG PHONE NI MYLA—TATAY NIYA ANG TUMATAWAG.

Myla: (Sinagot) Hello Dad?

NASA TAXI NAMAN SI RAFAEL.

Rafael: (Kabilang linya) Dad? Kailan mo pa ako tinawag na Dad ha?

Myla: Ah nasaan na po ba kayo?

Rafael: (Nagtataka) Nasa labas na ako sakay ng taxi, nasaan ka ba?

Myla: Palabas na po ako. Sige po bye!

*END CALL*

Myla: Guys, nandiyan na daw si Daddy sa labas. Mauna na ako sa inyo ah?

Jewel: Ingat ka Myla!

Syd: Myla, ihatid na kita?

Myla: Ah hindi na. Bye!

Nelo: Ingat Myla!

NAGMADALING UMALIS SI MYLA.
SA LABAS NAKITA NIYA ANG TAXI NG KANYANG AMA KAYA AGAD SIYANG SUMAKAY DITO.

Myla: Tayo na po Tay.

Rafael: Oh kanina lang Dad ang tawag mo sa akin ngayon naman Tatay na ulit? Ano bang nangyayari sa'yo anak?

Myla: Mamaya ko nalang po ipapaliwanag. Tayo na po.

Rafael: Mukhang marami ka ngang ipapaliwanag sa akin.

PINAANDAR NA NITO ANG TAXI AT UMALIS NA SILA.

HABANG NASA BYAHE SILANG MAG AMA AY SINABI NI MYLA DITO ANG TUNGKOL SA PAGPAPANGGAP NIYA SA SCHOOL NA MAYAMAN SIYA.

Rafael: Bakit mo naman nagawa 'yun anak?

Myla: Sorry po Tay. Eh na pressure na kasi ako eh. Akala nila mayaman po ako. Ang ganda ganda naman po kasi ng anak niyo eh. Mukhang Princess, Joke! Hehehe.

Rafael: Ikaw talaga. Eh paano kapag nalaman nilang hindi ka naman pala mayaman?

Myla: Tsaka ko nalang po iisipin yun. Aaminin ko din naman po sa kanila ang totoo eh.

Rafael: Basta anak, mas maganda kung magpapaka totoo ka sa mga tao okay?

Myla: Okay po Tay.
•••••••••••••••••••••••
ILANG ARAW ANG LUMIPAS.

MAY NAG UPLOAD NG MGA PICTURES NI MYLA SA PAGE NG GABNER UNIVERSITY AT NAGING INSTANT FAMOUS SIYA.

MADAMI ANG NAGANDAHAN SA KANYA AT TALAGANG HINAHANGAAN SIYA NG MGA ESTUDYANTE NG GABNER.

KUMALAT PA ANG TSISMIS NA PRINSESA ITO PERO HINDI LANG DAW NIYA SINASABI SA LAHAT.
••••••••••••••••••
*SA CLASSROOM*

WALA PA SILANG PROFESSOR KAYA MAIINGAY PA ANG MGA ESTUDYANTE.

Jewel: Grabe Myla, sikat ka na agad dito sa buong Campus! Ang daming like and share nung mga pictures mo sa page ng Gabner. Sabi ko sa'yo eh!

Nelo: Oo nga, huwag mo kaming kakalimutan ah? Basta kami ang unang unang naging kaibigan mo dito.

Myla: Kayo talaga, bakit ko naman kayo kakalimutan? Tsaka hindi naman ako famous noh.

Jewel: Famous ka na kaya!

Syd: Ang dami mo na ngang fans sa comment section nung photos mo sa page ng Gabner eh.

SUMABAT NAMAN ANG IBA PA NILANG CLASSMATES.

Lizzy: Oo nga Myla, sikat ka na sa buong campus!

Diane: Totoo bang Prinsesa ka Myla? Grabe, may classmate pala tayong Prinsesa!

Myla: Uy, hindi ah. Hindi ako Prinsesa.

Lizzy: Okay lang 'yan, tayo tayo lang naman ang nakakaalam eh.

HINDI NA NAGSALITA SI MYLA.
LUMAPIT NAMAN SI BRITANNY.

Britanny: Princess? May Princess bang baduy?

Jewel: Hindi kaya baduy si Myla.

Britanny: Anong hindi? Ang panget kaya niyang pumorma. So baduy!

Nelo: Baka naman inggit ka lang kasi mas maraming likes at shares yung mga pictures niya sa page ng Gabner kesa sa'yo?

NATAHIMIK SI BRITANNY.

Britanny: Whatever! Basta baduy ka Myla!

BUMALIK NA SA UPUAN NIYA SI BRITANNY.

Syd: Don't mind her, she's just insecure.

Myla: Uhmmm guys, may gusto lang sana akong sabihin sa inyo eh.

Jewel: Ano naman 'yun?

Myla: Kasi, hindi naman talaga ako mayam—

BIGLANG DUMATING ANG PROFESSOR NILA KAYA HINDI NA NAITULOY NI MYLA ANG SASABIHIN NIYANG.

Nelo: Ano yun Myla?

Myla: Ah W-Wala. Tsaka ko na lang sasabihin.

ITUTULOY...

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें