16 | Elemental Game 9 (Last Stage)

Start from the beginning
                                    

"Pero seryoso ako." Sagot ni Fier kaya't natahimik sila. "He knows how to teleport. Kaya nga nakakalabas yan dito eh!"

"Woahhh!"

"Daya hah!"

"Turuan mo kami!"

"Pwede ba? Humawak nalang kayo sa akin para matapos na to!" Sigaw nya sa mga ito. They all look at him flatly.

"You're still not wearing your cloak, Mister Prince." Sabi ni Arine sa kanya.

Oww...

"Step back." Kunot noo niyang sabi sa kasama na sinunod naman ng mga ito. Sa isang iglap ay binalot sya ng malamig na maasul na dust.

"Woahh! Ang cool!"

"Ang lamig!"

"Anong ginagawa nyan!?"

"Ewaynnn!"

Hanggang sa nawala na ang dust at nakanganga ang mga ito na nakatingin sa kanya.

"Ikaw hah! Paano mo nagagawa yung mga ganun!?"

"Daya hah!"

"Pero ang cool! Hahaha! Look, suot mo na agad ang cloak mo in just a dust."

Nailing nalang si Fier na tinignan ako. "You, you're not allowed anymore on coming inside the library."

Inis na napahilamos nalang sya ng mukha. "Yeah, whatever."

"Bilis na. Humawak na kayo sa kanya. Mabilis lang matatapos ang stage three dahil madali lang. Good luck!" Sabi ni Fier at naglakad na paalis.

"Hehe, teleportation hah."

"Tara na!"

Napabuntong hininga nalang sya at binanggit sa utak niya ang spell at inisip ang lugar kung saan sila pupunta.

Nang makatungtong sila sa sanga ay gulat ni;ang tinignan ang prinsipe at napailing nalang.

"Geh na, nakalabas na sila ng stage three, hayan na sila." Sabi ni Firexia at tinuro ang dalawang taong naglalakad.

Bumuntong hininga siya at tamad na ipinitik ang kamay sa hangin. At binalot na nga ng yelo ang paligid kung saan sila naroroon.

Agad namang nakaramdam ng lamig dahil sa yelong nakapalibot sa kanila si Samantha.

Nang lumingon sila ay may lumitaw na babae sa harap nila. Napaatras pa sila sa gulat. Nakasuot ito ng pulang cloak, pula ang buhok nito at may suot ding korona na maliit lamang na pang prinsesa. May kulay pulang dyamante iyon sa gitna.

"Binabati ko kayo at nakarating kayo sa amin, ako si Firexia. Isa ako sa limang nangungunang estudyante ng Akademia. Napagpasyahan naming ganito nalang ang magiging huling pagsubok. May inihanda kaming mga kataga. Ngunit para mas mahirap ay sa salita ng mga maharlika ito nakasulat. Wag kayong mag-alala may nakalagay na salita sa dulo na konektado sa sagot na hindi Ingles. Isa lang ang taga sagot at isa naman sa..." pabitin niyang sabi.

"Sa??" Tanong ni Lucas sa kanya.

"Sa parusa. Bawat isang mali, lalapit ng lalapit ang isang manipis na yelo sa kanyang leeg. Alam mo na ang mangyayari. At sa huling parte ng pagsubok, haharapin mo ang pinaka nangungunang estudyante sa amin. Ngayon, sino sa parusa." Sabi ni Firexia sa amin.

Nagkatinginan silang dalawa ni Lucas. Kita sa mata nito ang takot. "I-ingles ang bawat kataga. Hindi ko pa kayang makaintindi ng mahahaba."

"Anong ibig mong sabihin?"

"A-ako sa parusa, ikaw ang sasagot. Alam kong marami ka nang alam sa Ingles. Kakayanin natin ito. Ito na ang huli. May tiwala ako sayo." Ani Lucas. Napatango naman si Samantha.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now