16 | Elemental Game 9 (Last Stage)

Start from the beginning
                                    

Sunod ay naramdaman niyang may yumakap pa sa kanyang isa. "Prinsesa ko, alam kong mahirap para sayo na iniwan kita ng ganung kaaga, patawarin mo si papa hah? Nalunod ako sa lungkot at nagpadala dito kaya't nawalay sa isip ko na maiiwan ka. Pero katulad nga ng sabi ng mama mo, kailangang harapin ang mga bagay. Kailangan tanggapin mo na, na wala na kami."

'There are things that have to be burden

For you to move on and focus on the present

Face you fears, don't be frightened and fade your tears.'

Rinig niyang sabi ng tinig. Pilit nyang pinalakas ang loob. Lumunok sya at hinarap ang dalawang tao na dahilan ng takot at pagkalungkot nya.

Tumango sya sa dalawa. Biglang nagbago ang paligid. Napunta ito sa mansion nila, nasa kwarto sya ng ina kung saan ngayon ay nakikita niya ang kanyang batang sarili na naglalakad papalapit sa wala ng buhay na katawan ng kanyang ina. Imbes na umiyak ang batang Samantha ay tahimik itong dumukdok sa kanlungan ng ina at doon namalisbis ang luha.

'Tatanggapin ko kahit mahirap.'

Bigla na lamang syang nagising at nandoon parin sya't nakaupo sa sanga. Nakita nya rin si Lucas na nasa tabi nya at mukhang mahimbing na natutulog na akala niya ay nawawala. Hapon na pala ng siya'y magising mula sa napagtagumpayang hakbang.

Wala ng luha sa mata nya. Napangiti nalang sya ng mapait.

'Move on... Is the first thing to do if you want to start a new life.'

"Samantha!" Napalingon siya sa katabi ng tawagin siya nito. Napangiti sya ng makita si Lucas. Di na katakataka na namumula rin ang mata nito. Bigla nitong niyakap si Samantha dahil sa saya.

"Ang saya... Ang saya saya ko... Ang saya ko ngayong nalagpasan ko na ang lungkot na dala dala ko mula dati pa, sa tulong ni Dark."

'Ako rin Lucas, ang saya saya ko rin na nalagpasan ko na, sa tulong ni Anxiety.'

- - -

Ngayon ay naglalakad na sila papunta sa huling hakbang. Tanging diretsong direksyon lang ang nilalakaran nila hanggang sa mabalot ng yelo ang buong paligid.

"Simula na ng ikahuling hakbang..." Aniya.

Sa loob ng Academia...

Inis nyang tinalikuran ang maestro.

"Haha, Prince, accept the fact na lalaban ka."

"Tsk, they'll never win against me. I'm strong even if I fight them, just me."

"Edi kung ganun, hindi kami lalaban." Sabi Firexia dito kaya't napatingin ito.

"Are you serious?" Tanong ni Arine sa kanya.

"No. I'm Firexia." Sagot naman nito kaya masama syang tinignan ng iba.

"You know what?-"

"I don't know."

"Aishhh! Can you at least let me finish my fvcking words!?" Sigaw ni Aeros sa kanya.

"Go on."

"You know what? I hate you and your sarcastic attitude."

"I don't care, I hate you too." Sagot ni Firexia sabay taas ng kilay.

"You know guys, humawak nalang kayo kay Prince at nandun na agad kayo." Sabat ni Fier kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Ano yon? Teleportation?"

"Oo."

"Haha nakakatawa." Sabat na naman ni Firexia na halatang sarkastiko.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now