13 | Elemental Game 6 (Stage 2)

Start from the beginning
                                    

"Hmm, tara na?" Sabi nya na tinanguan ko. Dahan dahan kaming tumango. Pinauna nya ako, para daw sakaling malaglag ako ay agad nya akong mahawakan bago pa man bumagsak.

Dahan dahan ang lakad ko. Malayo pa ang susunod na puno. Nakakakaba syempre dahil kung sosomahin, ang taas namin ay parang thirtieth floor ng isang building.

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa sentido.

"S***, Samantha!" Sabi ni Lucas at agad na hinawakan ako sa balikat. "Oo nga pala, nadaplisan ka ng tinik." Sabi nya ng may pag-aalala.

Tinignan ko ang kanang braso ko. Wala naman itong kahit anong senyales ng pagkahiwa. "Hindi mo matutukoy kung nasaan ang hiwa. Matutukoy mo lang kapag hinanap mo. Ang parte na natamaan o nadaplisan ng tinik ay mamamanhid at mangingitim." Sabi nya habang sinisipat ako.

"Hayun." Sabi nya at umupo. Pinanatili nya akong nakatayo habang nakatingin sa kanya. Nakatalikod ako at siya naman ay may kinalkal sa dalang bag. 

"Sana makatulong ito. Bigay ito sa akin ni Lucy, siya daw ang gumawa, ang tubig daw sa kakahuyan ay nakakatulong para mabawasan ang epekto ng tinik." Sabi nya at binasa ang kapirasong tela na hawak.

"Tubig sa kakahuyan?"

"Oo, yun ang sabi nya. Sa tagal ko dito, di ko pa nararating yun dahil syempre, takot akong pumasok sa kakahuyan dahil doon namumugad at namamahay ang mga kakaibang elemento. Tulad nalang nung tigre at ibon na nakita mo." Sabi nya sa akin.

"Yung tubig ba, sinabi nya kung saan nanggaling?" Tanong ko sa kanya at nilingon sya. Nakatali na sa may parte ng katawan ko kung saan nadaplisan ng tinik ngayon ang basang tela.

"Ewan, pero sa pagkakaalala ko, lawa daw e. Ano kayang itsura nung lawa—"

"Sobrang ganda." Sabi ko sa kanya. Taka naman nya akong tinignan.

"Wag mong sabihing…"

"Oo, nakarating na ako doon." Kita ko ang panlalaki ng mata nya. 

"T-talaga!? A-anong itsura!? M-may mabangis bang hayop!? Elementong pagala gala—"

"Iyan din naman ang iniisip ko pagkapasok ko ng kakahuyan. Dala ko nung oras na yun ang mga prutas na pinamili ko sa Sentro ng Bayan. Balak ko syang pakainin. Kilala mo na kung sino. Diretsong direksyon lang ang tinahak ko at hayun, nakita ko ang lawa.

Sobrang linaw ng tubig na kahit siguro nasa malalim ka ng parte ay makikita mo ang ilalim. Mabato pero maliit lang at ang mas nakakadagdag ng ganda ay ang bilog na batuhan sa pinaka gitna ng lawa. Gusto kong marating yun kaso natakot ako. 

Baka nga may elementong kung ano doon. Tapos, nakarinig ako ng parang nagtatampisaw sa likuran ng malaking bato. Nang silipin ko nandoon siya at naliligo. Alam mo bang tinakot ako ng bwisit na yon!? Tapos bigla akong nginisian!?" Sabi ko sa kanya. Halata sa mata nya ang paghanga.

"T-talaga!? Parang gusto ko na tuloy umuwi at wag ng ituloy tong laro ng masilayan ko na ang ganda ng lawa." Natatawang ani nya. Tinignan ko sya ng masama at tumayo na. 

"Tara na! Walang aatras!" Sabi ko at taas noong nilakad ang malumot na sanga ng puno.

"Ano ka ba!?"

"Dahan dahanin mo nga ang paglalakad!"

"Parang di na lakad yan eh!"

"Wag kang tumakbo!"

"Anakkanang! Samantha!!"

Natatawa kong pinagmasdan ang maputlang mukha ni Lucas. Paano, kanina ko pa tinatakbo ang mga sanga. Panay naman sya paalala at parang natatae na kinakabahan ngayon ang itsura nya.

"Hindi ka nakakatuwa!" Galit na sabi niya pagkarating sa may pinakakatawan ng puno. Ngitian ko naman sya.

"Tsk! Napaka ano neto. Wala namang nangyari eh!"

"Eh kung meron!?"

"Edi nangyari." Sabi ko at natatawa syang iniwan pero nang humakbang ako ay napatalsik ako pero hindi ganoon kalakas. Tama lang na mapasandal ako sa taong nasa likuran ko.

"A-anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Taka nya akong binitawan at humakbang sa susunod na sangang patungo sa susunod na puno.

'Ito na ba ang ikalawang hakbang?'

"Bakit ikaw, tumalsik, ako hindi?" Sabi nya habang nakalagpas na sa sanga. Lumapit ako at inabot nya pero tumalsik ang kamay ko.

"Teka, ito na ang ikalawang hakbang! Pero, bakit di ka makapasok?" Taka nyang tanong sa akin.

'Yung tugma!'

"Yung tugma, hindi ko pa nga pala nasasagutan." Sabi ko. Mabilis na kinuha ko sa bulsa ang kulay ube na laso at kinuha ang nakapaloob doong papel.

"Tumingin sa harap at likod

Walang makikita.

Pagaspas na pagdaan

Walang makahahalata

Sagot: Binubuo ng anim na letra, likha ng paligid, elemento ng iba." Basa ko ng tugma. Kita ko naman ang pagkunot ng noo ng kasama ko.

"Ang hirap naman nyan—"

"Hangin." Sabi ko at ibinulsa ang laso. Nakangiti akong humakbang papunta sa pwesto ni Lucas at napangiti ng hindi na ako tumalsik.

"Nasa pangalawang hakbang na tayo!!"

Ngunit nakapagtataka.

Ang mga tugmang na nabasa namin ay pamilyar talaga sa akin na parang ilang beses ko talaga iyong kinabisado at paulit ulit na naririnig noon.

Hindi, alam ko lang talaga siguro ang sagot.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now