07 | Impressed

En başından başla
                                    

Mabilis na nilisan ni Lucas ang kwarto at nagtungo sa sarili nitong kwarto. Paulit ulit pa nitong sinabunutan ang sarili dahil sa kahihiyan.

"Oh sya, maiwan na kita. Ito ang balde na may bimpo pamunas ng katawan mo. Suotin mo na rin yang damit, pero isara mo muna ang bintana bago ka magsimulang maglinis." Tumango si Samantha sa ginang ng abutan sya nito ng damit pamalit. Ang totoo ay kanina pa sya nangangati dahil natuyo narin sa katawan nya ang tubig dagat.

Nang makalabas ang ginang ay sinara nya nga muna ang bintana at nagsimula ng tanggalin ang kanyang saplot. Nagsimula na syang ounasan ang katawan nya. Humanga pa si Samantha dahil may kakaibang halimuyak ang tubig sa balde na nakalaan para sa kanya. May mga puting di kalakihang bulaklak ang nakahalo doon na sa tingin nya ay dahilan ng magandang amoy ng tubig.

Habang naglilinis ng sarili ay di nya maiwasan ang mapaisip.

Anong lugar ba tong napuntahan ko? Sa pagkakaalala ko, nasa mansion ako, dumating sila uncle, lumabas ako, sa tulay, tapos...

Naihampas nya nalang sa balde ang hawak na bimpo, di inalintana ang basang dulot ng nagtalsikang tubig sa kanya.

"Si Kendra... Walang hiya kang babae ka." Ani nito at nanggagalaiti. "Babalikan kitang bruha ka—" teka, paano ako babalik? Eh nasa ibang lugar ako! Hindi, nasa IBANG MUNDO ako!

"Nalintikan na..." aniya at nanlulumong bumalik sa ginagawa. Tsaka na ako iisip ng paraan pabalik sa tunay kong mundo kapag may sapat na kaalaman na ako dito... Dito muna ako hanggang sa maramdaman ko ulit kung paano mabuhay ng kumpleto ang pamilya.

Napangiti nalang sya ng pumasok sa isip nya ang mag-anak na tumanggap sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

Matapos makuntentong linisan ang sarili ay nilapitan nya ang kasuotang inilaan sa kanya ni Liza. Niladlad nya ito at nalamang isa itong dress na abot hanggang talampakan ang haba. Malambot ang kulay pulang tela at mahaba ang manggas nito na tumugma sa malamig na simoy ng hangin sa lugar. Ang dulo ng sleeve ay maluwag at nadidisenyuhan ng palawit na tela na talaga namang magandang pagmasdan.

Mala-midieval dress pala ang isinusuot nila dito. Ang ganda... Usal nya sa isip habang pinagmamasdan ang kasuotan.

Namula naman ang kanyang pisngi ng makita ang panloob. Simple lang ito at malabot. Nang sukatin nya ang panloob para sa dibdib at napailing nalang sya ng sumukat ito sa kanya. Isinuot nya nalang ito maging ang dress na ibinigay sa kanya.

Nang makuntento sa lagay ng damit nya ay kinuha na nya ang damit at balde na ginamit at tinangay palabas ng silid kung saan naabutan nya na nakaupo sa sahig ng bahay si Lucy na nakanguso at kanina pa pala nakatingin sa pintuan ng silid kung saan sya naroon.

"Ate! Wahh! Ang ganda! Para kang prinsesa ng Luzarcia!" Sigaw ng bata habang nagnining-ning ang mata. Mabilis itong tumayo at pumalakpak pa sa tuwa. Napangiti naman si Samamtha dahil sa tinuran ng bata.

"Akin na yang damit mo, ate! Pati ito!" Walamg nagawa ni Samantha nang basta nalang kuhanin ni Lucy ang damit ang balde sa kanya. "Hintayin mo ako dito! Hihi." At mabilis itong tumakbo papunta sa likuran ng bahay.

Nakita rin nya sa Lucas na nasa likuran pa ng bahay at inaayos nalang ang mga kahoy na siniga nito kanina.

"Umupo ka, Ate!" Ani Lucy na nasa harap na pala nya. Taka man ay umupi sya sa malinis na sahig ng bahay. Naglahad ng kamay si Lucy. Akala naman ni Samantha ay nanghihingi ito ng pera. Akmang sasagot na sya nang bigla nalang lumitaw ang naggagandahang bulaklak sa kamay nya at humigis ito ng pabilog! Isang flower crown ang nabuo ng mahika ni Lucy.

Tengene, nasa mundo nga talaga ako ng mahika!

Tinanggal ni Lucy sa pagkakapusod ang buhok ni Samantha kaya't lumugay ang ma-brown nitong buhok na maalon sa dulo gaya ng sa ina nito.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin