"Wala siyang maalala ina." Sabi ni Lucy at ngumiti sa akin.

"Ganun ba? Tara at pumasok ka ng makapag almusal na tayo. Pagpasensyahan mo na ang tahanan namin hah?"

"Ay naku, ayos lang po ang tahanan ninyo." 

"Salamat, halika, maupo ka. Kain ka na." Sabi nito at nilagyan ako ng tinapay sa isang plato na gawa sa kahoy. 

"Salamat po."

"Heto, subukan mo. Ako ang gumawa niyan, ubas yan na dinurog ko at nilagyan ng pampatamis." Binigay niya sa akin ang isang garapon na gawa ulit sa kahoy. May kutsara rin doon na gawa sa kahoy. Hinati ko muna sa dalawa ang tinapay bago sumandok ng palaman.

Pinahid ko ito sa tinapay at kinalat. Ganun din ang ginawa ng ina nila Lucy. Habang si Lucy ay nakatingin sa akin at nakangiti.

"Tikman mo na ate!"

"Hmm." Sabi ko na lang bago tikman ang tinapay. Nanuot agad sa bibig ko ang palaman. Ang sarap!

"Ano? Anong masasabi mo?" Sabi ni Lucas na kakaupo lang sa tabi ko.

"Ang sarap!" 

"Salamat. Ito pa oh." Sabing muli ng ina nila Lucas at nag-lagay pa ng tinapay sa plato ko. Kumakain narin sila.

"Alam mo ba na ang tinapay na yan ay espesyal?" Tanong ni Lucas habang nakatingin sa akin at nakangiti. Napataas ang kilay ko.

Ngumiti siya ng malapad. "Ang ina ko na iyan ang mismong nagmasa at nagtimpla ng pampalasa ng tinapay na yan."

"Talaga? Paturo po sa susunod." Natawa ang kanilang ina. 

"Oo naman. Sige."

"Ate! Bilisan mong kumain! Ililibot ka namin dito sa Cerban, baka sakaling magbalik ang ala-ala mo!" Nagtaka ako. Akala ko ba Lucark— Luvak— ahh oo Luzarcia nga pala, akala ko Luzarcia ang ngalan ng lugar na ito? Hayaan na. Nagugutom na ako. Mamaya na ako magtatanong.

"Hayaan mo munang kumain si Ate Samantha mo, anak. Pagpahingahin mo muna siya saglit, mukha siyang pagod." 

Agad na napanguso ang bata. "Sige po."

***

Natapos ang agahan namin na puno ng saya. Napangiti ako. Ngayon ko lang ulit naranasang may makasabay habang kumakain.

Nagpresinta akong maghugas ng plato ngunit pinagsabihan ako ng ina nila Lucy na magpahinga na lang muna. Itinuro niya ang magiging tulugan ko. Katabi ng kwartong pinasukan kanina ni Lucas. 

Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang modernong kwarto. Bawat sulok ay gawa sa kahoy.

May kurtina na tumatakip sa moderno ding bintana. Hinahangin ito ngayon. Pag-upo ay naramdaman ko sa ilalim ng makapal na balot ang dayami. Malambot naman itong higaan dahil nababalutan. At nakadagdag sa ganda ng kama ang mga bulaklak na nakapalibot dito.

Bigla naman bumukas ang pintuan at pumasok ang ina nila Lucy at Lucas.

"Naabala ba kita?" Tanong niya at lumakad sa isang kahoy na kabinet at may kinuhang kung ano. 

"H-hindi naman po." 

"Heto, isuot mo. Maging ako ay nagtataka sa suot mo ngayon."sabi niya at inabot sa akin ang isang dress na kulay pula na abot hanggang talampakan. Long sleeve ito at maluwag ang dulo ng damit pagdating sa kamay. May paalon alon na telang kulay ginto ang dulo.

Ganun din pala ang suot niya pero kulay asul. 

"Magtanong ka na. Ako na muna ang sasagot sa tanong mo. Si Lucas kasi ay nasa bakuran at nagsisiga ng kahoy para sa pagluluto mamaya."

Napatikhim ako at hinanda ang bawat tanong. "Anong lugar ito?"

"Ito ang lugar ng Cerban kung saan nakatira ang ilan sa mga mahihirap. Ang lugar ng Cerban ay nasa Luzarcia."

"Anong klaseng lugar ito?"

"Lugar kung saan walang alam ang mga nakatira kung paano kontrolin ang angkin nilang elemento. Lugar kung saan naninirahan ang mga simpleng nilalang. Lugar kung saan nakatira ang mahihirap." 

"Ano? Hindi alam kontrolin ang elemento? Ano kayo? Kampon ng kadiliman?" Sa sinabi ko ay nagulat siya. Ngunit napatawa kalaunan.

"Nagkakamali ka. Hindi kami masasama. At oo, hindi namin makontrol ng maayos ang aming elemento sa kadahilanang di kami makapag-aral sa akademya ng Luxious." Mapait itong ngumiti sa akin. "Mayayaman lamang ang maaaring makapag-aral. At kung papalarin sa isang bagay ang mga tulad namin, natin, ay makakapasok tayo at makapag-aaral."

"Sa lugar na ito, bawal matutong lumaban at matutong gamitin ng mahihirap ang kanilang elemento—"

"Teka, anong elemento ba yan?" Taka naman siyang tumingin sa akin. Kanina pa kasi niya binabanggit yung elemento kuno. Di ko naman siya maintindihan kung periodic table of elements ba ang tinutukoy niya.

"Wag mong sabihin na pati yun ay hindi mo alam?" Binigyan ko naman siya ng tingin na 'duh-di-ba-halata' look

"Saang lupalop ka ba ng Luzarcia napadpad?" Pabulong niyang tanong pero narinig ko pa rin. "Ito ang elemento ko." Sabi niya at iminuwestra ang kamay. Bigla akong napaatras sa gulat ng lumitaw ang mala ilaw na kulay brown sa mismong kamay niya at lumikha ng isang wand!

"Ako nga pala si Liza, isang akong mangungumpas ng mahiwagang kataga. Si Lucy ay may elemento ng halaman at si Lucas ay may elemento nang pagiging maabilidad." Sabi niya sa akin. Biglang nawala sa kamay niya ang wand. Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Ang Luzarcia ay mundo ng elemento. Ikaw? Anong elemento mo?" Sa kanyang tanong ay napatanga ako.

'Am I in an enchanted world!?'

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now