Chapter 31: HOW WE WORK TOGETHER. (DAY 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

“SIRA ULO KA TALAGA! Mga kalokohan mo Miko. Kilabutan ka nga!”

“HAHAHAHA Wait lang---AHAHAHAHAHA! SHEEET! Tiyan ko! HAHAHAHA” Di obvious na tuwang tuwa siya noh? Pang-asar talaga! >___<

“Tong magpinsan na to nag-asaran na naman” –Cyrus

“HEY GUYS! Lezz go! Sa starbucks na lang daw magkita kita sabi ni kuya!” –Monique

“Tss. Ang cheap naman” Reklamo ni Kai. Infairness nagsalita siya! Papamisa ako! XD

Wala din naman kaming nagawa. Chochoosy pa ba kami? ABA! Starbucks din yun noh! OH! Mocha frappe *____*

[Starbucks]

Nakita namin yung apat na lalaking nagtatawanan dun sa isang table. Halos lahat ng mata ng mga babae nakatingin sa kanila. Ghaaaad. Di ba sila naiilang or gustong gusto nila yung atensyong binibigay sakanila ng mga babaeng to pati ng mga beking kulang na lang ay hubaran sila sa pamamagitan ng kanilang mga tingin?!

(Otor: Oh Fretzie ang puso! XD)

Oo nga naman. Bat ba affected na affected ako? >___< Pagpasok namin siyempre eto na naman ang mga nakakalokang tingin ng mga customers. Akala mo naman nakakita ng mga artista. Tch. Get a life you guys!  >.<

“What’s up?” Sabi ni Ethan na prenteng prenteng nakaupo sa isang sofa. Yabang! Grrr!

“What’s up mo mukha mo.” Inis na bulong ng nasa tabi ko.

Sino pa nga ba?

Edi ang pinsan kong magaling. Tss.

“S-SO! Nandito tayo para iplano ang pagoorganize ng acquaintance party ng walden at Hartford.” Sabi ni Monique bilang pambasag ng katahimikang bumabalot sa aming lahat. At yung sinabi niya ay non-sense. May masabi lang. Pansin nyo? HAHAHA. Obvious na naman kasi. Pero atleast nawala ng onti yung tension between dun sa mga lalaki.

“Asan yung tatlong bruha?” Straight to the point talaga kahit kelan tong si Lexi naunahan pa akong magtanong.

“Di daw sila tutulong, babes. Mga nagiinarte” Sabi ng magiting na si Scott na agad inirapan ni Lexi.

“So kayo lang?” Tanong ko naman.

“Not unless may nakikita ka pang iba” Sabat netong si Ethan. Che! Di ako nakatingin sa kanya. Meaning HINDI siya ang kausap ko. >___<

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon