Nagmamadali akong sumakay ng jeep,dahil for sure male-late ako sa usapan namin ng tropa ko...Sabado kase ngayon kaya naisipan naming mag-gala sa Mall...Hindi ko naman ugaling mag pa late,nag kataon lang na hindi tumunog yung alarm ko kanina tapos nakisabay pa si Sha-sha sa pangungulit...Pag minamalas ka nga naman..
Maluwag pa ang jeep ng sumakay ako ...Mabilis din namang napuno kaya di na ako nag antay ng matagal, pero may umagaw ng atensyon ko...
Yung MAGANDANG BABAE!!Sumakay sa doon sa dulo ng jeep,yung malapit sa sakayan...
Naka puti siya ng T-shirt at kulay itim na Jumper skirt (yung Jumper na palda) na bumagay sa morena niyang balat..
Syempre umaandar na ang jeep,puno na ehh malamang!!
I can't take my eyes off her....She's really beautiful!!
"Ito po bayad ko!!" sambit ni miss maganda nang i-abot niya ang kanyang bayad..
Mabuti't dalawang tao lang ang pagitan namin kaya kaagad ko itong nakuha at naipasa...
"Thank you" sabi nya sa akin at ngumiti ng matamis,nung i-abot ko yung bayad nya..
Ano kayang pangalan niya??
"Welcome" tipid kong sagot at nginitiaan siya pabalik
Yieee kenekeleg eke!! Ang bakla naman hahahaha
Nagpatuloy lang ang biyahe at tumigil bigla ang yung jeep...
May sasakay...Isang lalaki at matandang babae..
Naunang sumakay yung lalaki kaya nakaupo siya agad,pero yung matanda... wala nang maupuan.. Mukang wala din namang gustong magpaupo.."Kayo nalang po dito" sabi ko sabay tayo sa kinauupuan..
"Salamat hijo,naway pagpalain ka" Pagpapasalamat nung nanay sa akin
Umupo ako sa hagdanng jeep, I mean dun sa sakayan...Kailan pa ako naging mabait?
Hindi ko napansin katabi ko na siya... si miss ganda
"Ingat ka kuya baka ma-hulog ka diyan" pagpapaalala niya sa akin
"Na-hulog talaga ako sayo noh"wala sa sarili kong sabi
"Huh?"
"Ah-eh.. Oo mag-iingat ako,masakit panaman mahulog mula dito" pagpapalusot ko....Huwag kang mag alala mag iingat talaga ako mamahalin pa kita ehh
"Ahh" sambit niya sabay tango...Grabeee aaanngg CUTE!!
••••••••••••••••••••••
"Alam mo ba tatayo na sana ako kanina eh,kaso naunahan mo ako" banggit niya sa akin..
"Ahh..dapat pala di na ako tumayo" bulong ko pero sapat iyon para marinig niya...
Tinignan niya ako ng masama..
"Hahahahhaha chill..joke lang" sabi ko na ikinatawa niya din
Masyadong matagal ang biyahe... Di bale nang late 0ako atleast nakausap ko siya...Nagkaroon kase ng banggaan ng sasakyan doon sa crossing kung saan kakalagpas lang namin...
Ang saya niya kausap..halos tawa kami ng tawa,lahat ng pinagusapan namin patungkol sa walang kwenta hahahaha
Malapit na din akong bumaba kase medyo malapit na ako sa Mall...
"Para po!" Sabi ni miss ganda kaya tumigil ang jeep sa tabi..
"Bye!! Hanggang sa muli!! "Sabi niya habang pababa siya ng jeep at tumakb...
"Bye!"
Oh shit! Hindi ko manlang natanong ang pangalan niya,cellphone number, o kahit ano para mahanap ko siya..
Kaya ka agad akong tumalon sa jeep at tumakbo..
"HOY!! BAYAD MO!!! " sigaw ni manong driver sa akin..
Awwttss di pa pala ako bayad... Di bale na!
"1...2...3...TAKBO!!!!"
THE END
![](https://img.wattpad.com/cover/263753930-288-k804457.jpg)
YOU ARE READING
JEEPNEY
Short StoryNakaranas ka na nang mag karoon ng crush sa mall, sa swimming pool or beach, o kung saan?? tapos ano? di mo na nakita ulit? hahahahahhaha