Chapter 17: Adjust

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why ma'am? We're not cheating. Not yet.." sagot sa kanya ni Derick sa nang aasar na paraan. Tinawanan yun ng buong klase kahit ako. Pero hindi naman nagtagal yun dahil pinatahimik niya kami kaagad

"Dont push me to my limits, Mr. Lusterio. O gusto mong ipagkalat ko sa buong klase yung nangyari a week ago?"

Nagkatinginan kami ni Derick. Mukha namang natakot siya doon sa pagbabanta ni ma'am dahil wala na yung cocky face niya.

"Gumalaw ka na, Lusterio. Magpalit kayo ni Mendoza ng upuan" patamad siyang tumayo at nagpunta sa likuran. Maya maya katabi ko na si Paolo na awkward pang ngumiti sakin.

Nilingon ko si Derick na isang upuan lang naman ang layo sakin. Hindi ko maipinta ang mukha niya pero halatang naapektuhan siya sa sinabi ni ma'am.

"I dont understand na bakit hindi niyo magawang maghiwalay kahit sandali lang" napabuntong hininga na lang ako at napailing. So kami na naman ang topic..

"It's understandable ma'am. Girilfriend ko siya at boyfriend niya ako. Mas nakakapagtaka di ba kung palagi kaming magkalayo?" tawanan na naman

"Hindi pa naman kayo mag asawa" Ma'am Veluz snapped

"Doon na din ang punta namin. Dont worry, kukunin ka naming ninang" bukod sa tawanan nag "ayieeeee" na din silang lahat. Nilingon ko si Derick para patahimikin na siya

Mukhang hindi naman nagalit si Ma'am Veluz dahil napailing lang siya and sneered "Well, from now on hindi na kayo pwedeng magtabi sa klase ko. Understand?"

"What-"

"Yes ma'am!" putol ko sa sasabihin ni Derick at binigyan siya ng nagbababalang tingin. Alam kong hindi niya gusto yun pero wala naman kaming magagawa.

Tsaka palagi naman kaming magkasama eh. As if naman na paghihiwalayin kami ng klase eh upuan lang naman

"Doon sa kabilang section may Derick at Erica din. Yung dalawang yun pilit pinaglalapit dahil ayaw na ayaw sa isa't isa. Dito naman sa klaseng to, pilit pinaglalayo ang Derick at Erica dahil masyado namang malapit! You have one hour to finish the exam so start answering now!"

Yung sinasabi niyang Derick at Erica probably yung tinatawag ni Pepper noong nasa lobby na akala nga namin kami ang tinutukoy niya.

Thankfully hindi naman ganun kahirap ang exam kasi multiple choice. Nakakatawa nga eh. Mas nahirapan pa ako sa part kung saan pinapasulat ang school mission, vision at hymn. Hindi ko pa naman kabisado masyado ang mga yun lalo na yung hymn. Hindi ko din naman kayang laktawan na lang dahil malaking points. Kahit na ma perfect ko yung multiple choice hahatakin pa din pababa nung part na yun.

Kabwisit. Pero sigurado akong makakapasa ako. Ngayon na tapos na ako magsagot, bumalik na naman ang pag iisip ko kay mama. Siguro naman nakakain na siya at sa mga oras na to nagpapahinga na.

"Babe, tara?" hindi ko napansin na nandyan na pala si Derick. Tumango lang ako. Kinuha niya yung shoulder bag ko at tahimik kaming lumabas. I have this urge of holding his hand pero nandyan si Ma'am Veluz kaya alam kong imposible yun.

"Medyo iniba ko nga pala yung stroke ng penmanship ko nung sinagutan ko exam mo sa math para naman hindi makahalata si ma'am na hindi ikaw ang sumagot nun" hinawakan niya ang kamay ko nung makalabas na kami sa department namin.

Nagyayaya mga kaklase ko na lumabas dahil nga tapos na ang mga exams namin pero tumanggi ako. Ma out of place lang kasi ako for sure. Lahat sila masaya tapos ako hindi.

"You're spacing out" Derick snapped his fingers sa mukha ko. Napatalon pa ako sa gulat but just looked at him idiotly.

"Sorry"

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon